Ganoon lang ang ginawa namin nila Chloe at Glimmer. Inobserbahan namin ang bawat galawa nila Haring Kristoff. Sinasabi ni Chloe saamin lahat ng mga sinasabing Plano ni Haring Kristoff at ang tanging inuutos niya lang ay gawing miserable ang buhay ko dito.
Hindi ko na gaanong nakaka-usap si Raphael dahil madami siyang inaasikaso. Parehas sila ni Haring Kristoff na maraming ginagawa. Abalang-abala sila at hindi na nila kami napapansin. Dahil, ngayong araw, pupunta ang hari ng kabilang kaharian. Haring Diego ang pangalan niya. Abala ang mga maids sa pag-aayos ng ballroom at ng throneroom.
Pati na rin ang buong palasyo ay inaasikaso nila.Inutusan kami ni Haring Kristoff na gandahan ang aming isusuot at siguraduhin namin na nag-uumapaw ang aming ganda. Agad na naka-hanap si Glimmer ng kaniyang masusuot at ako naman ay hindi pa nakaka-hanap ng masu-suot at tutulungan nalang ako ni Glimmer na mag-hanap ng babagay saakin.
Naka-tingin ako sa salamin. Humaba na ang aking kulay abong buhok at lumalabas na ang natural na kulay nito. Nag-aagaw na ang kulay abo at ang kulay na natural ng aking buhok. Mas lalo ko itong nagustuhan. Nag-aagaw ang itim at ang kulay abo. Medyo kumulot na rin ito at naging natural ang bagsak.
"Natalie, lahat ng mga damit na ito ay babagay sa'yo." Sumimangot ako sa sunabi ni Glimmer.
"Kahit ano nalang, Glimmer." Ngumiti siya at nag-hanap ng damit na aking isu-suot.
"Ito!" Masiglang sigaw ni Glimmer at itinaas ang isang kulay itim na gown. Biglang may nag-balik na mga ala-ala saakin. Simula noong prom namin. Sumagi nanaman sa isip ko si Tita at si Rain. Ano na kaya ang kalagayan nila ngayon? "Oh! Bakit ka natulala?" Binalik ako ni Glimmer sa realidad.
"Wala. May naalala lang ako. Sige. 'Yan nalang ang susuotin ko." Pinilit kong ngumiti. Pag-dating ng hapon, pinag-handa na kami ni Haring Kristoff. Isinuot ko na ang kulay itim na gown at nag-lagay na ako ng kolorete sa muka. Nag-lagay din ako ng mga alahas at pinag-muka kong elegante ang itsura ko. Hinayaan ko lang ang natural na bagsak ng aking kulay abong buhok. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang ibang parte ni Natalie Schwartz.
"Natalie tara na--" natigilan si Glimmer ng makita niya ako. Tinakpan niya ang kaniyang bibig na para bang naka-kita ng multo. Ilang segundo siyang gano'n bago mag-salita. "Natalie! Napaka-ganda mo!" Tili ni Glimmer. Naka-kulay pula siyang Gown na hinaluan ng kulay orange niyang kolorete at mga alahas. "Inggit na inggit ako..."
"Ano ka ba! Maganda ka!"
"Hindi kasing ganda mo." Simangot niya.
"Tara na!" Tumawa ako.
Sabay kaming nag-lakad palabas ng kwarto ko at sabay din kaming bumaba. Rinig na rinig namin ang Eleganteng musika na nanggagaling sa orchestra na nasa loob ng ballroom. Titig na titig ang ibang mga babae sa'kin na para bang may ginawa akong kasalanan.
"Hayaan mo na. Naiinggit lang sila." Napuna din pala ni Glimmer ang titig ng ibang mga babae sa'kin. Sanay na ako sa mga gano'ng tingin. Pumasok na kami sa loob ng ballroom at nakita namin ang napaka-gandang pagkaka-ayos sa buong lugar. Maraming tao. Ang sabi nila ay taga-ibang kaharian ang mga taong ito. Ang ganda ng kanilang mga suot. Ang gara at pang mayaman talaga.
Naupo kami ni Glimmer sa isang tabi. Pinanood namin kung paano gumalaw at mag-usap ag mga taong nandito sa loob ng ballroom. Sobrang elegante. Halatang mayaman na mayaman ang mga taong ito. Siguro ay may dugong bughaw din sila. Hindi ko alam.
Nang makumpleto na ang lahat, sinarado na ang malalaking pinto ng ballroom at pumunta na sila Haring Kristoff sa unahan.
"Magandang araw. Isang magandang sorpresa ang pag-punta dito ni Haring Diego. Pumunta siya dito para may sabihing isang napaka-gandang imbitasyon." ngumiti si Haring Kristoff at pumunta na sa unahan ang Haring Diego na iyon. malaki ang ngisi niya sa labi at tiningnan kami isa-isa. ano naman kaya ang sasabihin niya?
"Magandang araw sa lahat. ako si Haring Diego ng kanlurang kaharian. nandito ako para sabihin sa inyo na bukas ang aking palasyo para sa mga magagandang dalagang katulad niyo. nag-hahanap ang aking anak ng mapapangasawa at sana ay isa sa inyo ang kaniyang mapili. bukas, sasabay kayo saakin pauwi ng aking kaharian. doon kayo mamamalagi kasama na sila Haring Kristoff at ang kaniyang anak na si Prinsipe Raphael." malaki ang kaniyang ngiti. hindi ko maintindihan. ibang palasyo? ibang pakikipag-sapalaran nanaman ba ang gagawin namin?
nakita kong nag-igting ang bagang ni Raphael. pinag-patuloy na namin ang salo-salo at ang pinag-uusapan lang naming lahat ay ang tungkol sa pamamalagi namin sa palasyo ng haring Diego na iyon. nararamdaman ko na maraming mangyayari sa pag-punta namin doon. inobserbahan ko si Raphael at nakikita ko na hindi siya masaya. ano naman kaya ang problema niya sa pag-punta namin doon?
"Ano naman kaya ang istsura ng anak niya?" tanong ni Glimmer sa akin. naka-tingin siya kay Haring Diego. Malakas ang dating ni Haring Diego. malaki ang katawan niya at natural na guwapo. ngunit bakas sa muka niya na tumatanda na siya. halos magkasing tanda sila ni Haring Kristoff pero mas gusto ko ang istura ni Haring Kristoff. nagulat ako ng bigla nalang lumapit saakin si Raphael.
"Kamusta?" tanong ko sa kaniya habang naka-ngiti. nakita ko ang gulat sa muka ni Glimmer. nanlaki ang mata niya at umusog ng kaunti. ngumiti si Raphael at nakita ko nanaman ang perpekto niyang mga ngipin.
"Ayos naman."
"Pero bakit muka kang galit kanina?"
"Ah. wala iyon. galit lang ako sa anak niyang si Garrett. dati kaming magkaibigan. pero matagal na panahon na iyon. nalaman ko ang tunay na ugali niya noong huling punta niya dito. napaka-yabang niya at punong-puno ng inggit buong sistema niya. inggit na inggit siya saakin at kung anong mayroon ako." tumango naman ako. kung gano'n ay magka-galit sila ng anak ni Haring Diego. naiisip ko na kung ano ang maaring mangyari sa pag-tira namin doon ng ilang araw.
"Alam ba ng mga magulang niyo na magka-galit kayo?"
"Hindi. ang akala nila malapit na malapit pa rin kami sa isa't-isa." tumitig lang siya saakin. isang nakaka-tunaw na titig. hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko ngayon. balisang-balisa ako at naiilang ako sa pag-titig ni Raphael sakin. "Napaka-ganda mo, Natalie."
"Ah-eh, salamat." pinilit kong pigilan ang aking ngiti. parang sasabog na ako anumang oras ngayon. nagsi-liparan ang mga paru-paro sa aking tiyan. siniko ako ni Glimmer at nakita ko ang malaking ngiti sa kaniyang labi. alam ko kung anong iniisip niya. sinimangutan ko nalang siya at bumalik ang tingin ko kay Raphael na tahimik na nakatingin saakin. hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos dahil nahihiya ako.
"Bakit ganyan ka makatingin?" naiilang na tanong ko sa kaniya.
"Wala lang. gusto ko lang makita ang kagandahan mo." naubo si Glimmer sa tabi ko at nakita kong hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. ganun din ang nangyari sakin. naramdaman kong nag-wala ang mga paro-paro sa aking tiyan.
madami pa kaming pinag-usapan hanggang sa matapos ang salo-salo na ito. dito matutulog si Haring Diego at aalis kami bukas ng maaga. kitang-kita ko rin kung paano tumingin ng masama ang ibang mga babae sa akin. hindi ko rin gaanong nakita si Chloe. nang umakyat na kami sa mga kwarto namin, nag-pahinga kaagad ako at humiga na dahil maaga pa kami bukas.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
مغامرةTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...