Kabanata 15

2.5K 70 4
                                        

"Natalie!" Narinig ko ang boses ni Raphel kaya lumingon ako. Nakita ko siya sa kabilang dulo ng pasilyo at tumakbo siya para sundan ako. Napangiti naman ako. Palagi kaming ganito magkita.

"Isang prinsipe, hinahabol ang isang katulad ko?" Napangiti naman siya sa sinabi ko. May kung ano sa loob ko ang sumabog sa sobrang saya. Sobrang gwapo niya. Sobrang perpekto ng itsura niya. Habang papalapit siya saakin, naamoy ko ang kaniyang napaka-bangong amoy. Hindi ko makakalimutan ang ganitong klase ng amoy.

"Ang tagal nating di nagkausap." Sabi niya saakin ng huminto siya sa pag-takbo para habulin ako.

"Kaya nga. Siguro napakadami mong ginagawa." Sabi ko naman.

"Tara. Gusto kong maka-sama ang kaibigan ko." Ngumiti siya. Kitang-kita ko ang perpekto niyang mga ngipin. Lumipad ang mga paro-paro sa aking tiyan at parang may piyesta na dito. Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito sa aking bibig. Bakit kailangang maging ganito ka-perkpekto ang isang nilalang? Bakit ang ganda ng mga mata niya? Ng ngipin niya? Ng buong katawan niya? At napaka-bait niya pa. Wala ng maipipintas sa kaniya.

"Ang daming nangyari..." Sabi ko habang nag-lalakad kami. Tinutukoy ko ang mga masasamang nangyari at ang larong ibinigay saamin ni Haring Kristoff. Nakita ko sa muka ni Raphael ang pag-alala. Huminto siya sa pag-lalakad at tinitigan ako ng diretso sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala. Wala na si Marise. Wala na siyang masasaktan." Sabi niya saakin.

"P-patay na ba siya?"

"Hindi. Naawa ako sa kaniya at pinilit ko si Ama na ipatapon nalang siya sa malayong lugar." Nakahinga ako ng maluwag. Walang namatay. Buhay pa si Marise.

"Pinatangkaan niya akong patayin dahil malapit tayo sa isa't-isa." Nabigla si Raphael at tumingin ulit siya sa direksiyon ko.

"Hindi natin kasalanan kung may naiinggit sa pagka-kaibigan natin." Bigla nanamang nag-wala ang mga paro-paro sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay namula ang muka ko dahil sa sinabi niya. Pero agad na nabawi iyon dahil umalingaw-ngaw sa loob ng isip ko ang salitang Kaibigan. Hanggang magkaibigan lang kami. Ano ba itong iniisip ko? Dati ko pa namang kaibigan si Raphael, pero bakit ngayon, nag-babago ang pag-tingin ko sa kaniya?

Madami pang sinabi si Raphael pero lutang pa rin ako at hindi nakikinig. Bakit ba nag-bago ang tingin ko sa kaniya? Bakit ako nakakaramdam ng kung ano sa tiyan ko kapag may sinasabi siyang maganda? Bakit naiilang ako kapag tinititigan niya ako? Hindi pwede. Hindi pwede itong nararamdaman ko dahil isang premyo lang si Raphael. Madami ring babae ang nagkaka-gusto sa kaniya at mas marami pang mas maganda, mas mabait, at mas matalino kaysa saakin.

"Gusto mo bang lumangoy?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero namalayan ko nalang na tumatango na pala ako. "Halika." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta sa isang bahagi ng palasyo. Huminto kami sa harap ng isang malaking gusali na gawa sa salamin. Puro salamin. Itinulak ni Raphael ang pinto kaya naman nakita ko ang ganda ng kung ano ang nagtatago sa likod ng pintong ito. Isang malaking pool. Swimming pool. Kulay asul ang tubig at mukang maganda ngang languyan ito.

"Tara. Lumangoy tayo." Sabi niya at hinila ako papalapit dito.

"P-pero wala akong damit." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Sa likod ng pintong iyon, nandoon ang mga damit pang-ligo." Itinuro niya ang isang pinto sa kabilang dulo ng malaking gusali na ito. Wala na akong nagawa kung hindi ang mag-lakad papunta dito. Pumasok ako sa pintong ito at nakita ko ang sari-saring mga damit pang-ligo. Agad akong pumili. Isang swimsuit. Luma na ang itsura nito. Hindi katulad ng mga makabagong swimsuit, iba ang tela nito. Naka-limutan ko na nasa ibang mundo at oras ako ngayon.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon