Minulat ko ang mga mata ko naramdaman kong may naka-yakap sakin. Tiningnan ko kaagad kung sino iyon at nakita kong si Raphael pala. Hindi na ako mag-tataka. Nagka-aminan na kami kagabi.
"Sweet." Tumingin ako kila Chloe na ngayon ay kumakain. Nakangiti naman si Glimmer at may ibinulong siya kay Chloe. Sa tabi ni Chloe ay natutulog si Garett.
Sinubukan kong alisin ang mga brason ni Raphael sa katawan ko pero mas lalo pang humigpit ang yakap niya sakin. Napa-buntonghininga nalang ako at inantay na magising siya. Pero nung nagising siya, hindi parin niya inalis ang kamay niya sakin.
"Magandang umaga." Naka-ngiti siya. Ang gwapo niya pag bagong gising. Magulo pa ang buhok niya at medyo basa ang mga mata.
"Err. Magandang umaga din." Tumingin ako sa braso niya naka-yakap sa katawan ko at mukang alam niya kung ano ang ibig kong sabihin.
"Bakit?" Tumawa siya
"N-naka-yakap ka sakin."
"Masama ba?" Tumawa rin sila Chloe. Bago tumayo si Raphael, hinalikan muna niya ako sa pisngi. Nanigas ako sa kinalalagyan ko at namula ang buong muka ko
Nagising narin si Garett at kumain na kaming lahat
"Tara na. Malayo pa dito ang drop zone." Lumabas na kami ng kweba na iyon at tiningnan muna nila Garett kung may mga nag-hahanap ba saamin. Wala naman kaya nag-lakad na kami. Punit-punit at sobrang dumi na ng mga damit namin. Para kaming nanggaling sa digmaan.
"Nakita namin kayo kagabi." Bulong ni Glimmer. Nasa tabi niya si Chloe at malaki ang kanyang ngisi.
"Ano yun?" Tumingin kami kay Garett at may itinuturo siya. Tiningnan rin namin kung ano iyon at halos hindi ako maka-hinga.
"Alam nyo na nandito yan?" Tanong ni Glimmer. Isang malaking Maze ang naka-harang saaming dadaanan. Sakop na sakop nito ang buong lugar. Lahat ng matanaw namin ay sakop nito.
"Hindi. Hindi namin alam. Ikutan natin ang labas ng maze na yan. Baka may iba pang daan."
Ilang oras na kaming nag-lalakad, wala paring daan. Puro pader lang ang nasa harapan namin ngayon at napaka-raming lagusan papasok sa maze na ito.
"Pagod na ako." Sabi ni Glimmer at umupo.
"Ako rin." Hinihingal na sabi ni Chloe. Naupo muna kaming lahat at inisip kung ano ang plano namin.
"Wala na tayong magagawa kung'di pumasok." Ako ang nag-sabi. Totoo na wala nang ibang daan. Kaysa mahuli kami dito, mas pipiliin ko nalang na pumasok sa loob.
"Hindi natin alam kung ano ang nasa loob niyan." Sabi ni Garett.
"Mas mabuti pang pumasok nalang tayo kaysa mahuli tayo." Tumayo na ako at lumapit sa lagusan na nasa harap namin. Tumayo rin sila at lumapit. "Ito na 'yon. Tara na."
Pumasok na kami sa loob ng maze. Napaka-dilim dito at napaka-tahimik. Halos marinig ko na ang hininga namin. Maingat kami sa bawat galawa namin dahil baka may patibong dito. Hinawakan ko ang kamay ni Raphael dahil sa sobrang kaba ko.
Ilang minuto pa ng pag-lalakad at hindi na namin makita kung saan kami nanggaling. Walang nag-sasalita saamin. Tumatayo ang balahibo ko dahil malamig ang hangin na tumatama sa aming mga balat.
"Ano 'yon?" Bulong ni Chloe at may tinuturo siyang isang bagay, hindi namin ito nakita dahil madilim, pero noong medyo lumiwanag, nakita namin ang isang Clown. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito ang clown na nasa unang maze na aming pinasukan bago kami maka-pasok sa palasyo.
"Takbo." Pagkasabi ni Raphael, bigla nalang kaming tumakbo at hinabol kami noong clown na may hawak na kutsilyo. Mabilis ito at sadyang napaka-talas ng kutsilyo iyon kaya hindi magawang labanan nila Garett.
Patuloy parin kaming hinahabol nung clown at pawis na pawis na ako. Mas lalo pang nadag-dagan ang punit sa damit ko dahil palagi ko itong natatapakan.
Hanggang sa makarating kami sa isang dead end. Tanging pader nalang ang nasa harap namin at wala na kaming dadaanan. Tumawa ng napaka-tinis ang Clown na iyon. Nag-titigan muna si Garett at si Raphael ay walang ano-ano ay sinugod nila 'yong clown.
Sinipa ni Raphael sa tiyan yung clown at si Garett naman ay inagaw sa kanya ang Kutsilyo at itinarak iyon sa dib-dib ng clown. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Pinatay niya yung Clown. Paano kung artista lang din ito at ang tanging trabaho niya ay ang takutin ang mga tao na pumapasok dito sa maze?
"Tara. Kailangan na nating makalabas dito." Sabi ni Garett at tumakbo na kami. Takbo lang kami ng takbo at parang walang katapusan itong dinadaanan namin. Hanggang sa padilim na ng padilim ang aming dinadaanan at wala na akong makita, pero tuloy parin kami sa pag-takbo. Naririnig ko parin ang kanilang mga yabag.
Bigla nalang tumahimik. Sobrang tahimik at sobrang dilim. Tumayo agad ang mga balahibo ko dahil sa takot.
Unti-unting nag-karoon ng liwanag hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na mag-isa nalang dito gitna ng maze. Inikot ko ang paningin ko, pero wala na talaga sila.
"Raphael! Glimmer! Chloe! Garett!" Walang takot kong sinigaw ang mga pangalan nila pero wala parin. Walang sumagot saakin. Natatakot na ako dahil baka may kung anong patibong nanaman ang nag-aantay dito.
"Natalie?" Nanlaki ang boses ko sa narinig ko. Imposible. Nandito siya?! Paano?
"Rain?" Inikot ko ang paningin ko at nakita ko siya. Ganoon parin ang itsura niya. Agad akong tumakbo sa kaniya para yakapin siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
"Na-miss kita, Natalie..."
"Nasaan na si Tita?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam Natalie. Nagising nalang ako sa isa sa mga bahay sa bayan ng lugar na ito. Hinanap ko kayo, Natalie. Pero bigo ako. Hanggang sa napunta ako dito sa maze at nakulong ako dito. Hindi ko alam ang palabas dito."
"Tara na. May mga kasama ako. Hanapin natin sila." Tumango siya at tumakbo na kami ng sabay.
"Ilang araw ka na dito sa Maze?" Tanong ko sa kanya.
"Tatlong araw na." Sagot naman niya.
"Ano-ano na ang mga naka-harap mo dito?"
"Madami na. Masyadong mapag-laro ang Maze na ito, Natalie. Masyadong maraming patibong."
Pagka-apak ko sa lupa, bigla nalang itong nag bitak-bitak.
"Shit Natalie tara na!" Mas lalo pa naming binilisan ang takbo namin hanggang sa makarating kami sa isang dead end. "Kung hindi tayo naka-alis doon. Malaman ay nakain na ang katawan natin ng libo-libong mga gagamba."
"Natalie! Nasaan ka na!" Narinig ko ang boses nila Chloe at ni Raphael.
"Nandito ako!" Sigaw ko pabalik.
"Pupuntahan ka namin!"
"Si Chloe ba 'yon?" Tanong ni Rain. Ngumiti ako at sumagot.
"Oo." Ilang saglit pa, may naaninag na akong mga tao, sila Chloe iyon. Tumakbo saakin si Raphael at agad akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Akala ko may masama nang nangyari sayo." Mas humigpit pa ang yakap niya saakin.
"Rain?"
"Hi Chloe." Ngumiti si Rain.
"Paano ka napunta dito?"
"Mamaya ko na iki-kwento. Ang importante ay maka-labas tayo dito."
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AventuraTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...