Mukha nanaman ni Raphael ang bumungad saakin pag-gising ko kaya agad akong napangiti. Sana maging maganda ang araw na ito. Ito ang araw ng kapanganakan ko. Ang Birthday ko.
Nagulat ako ng dumilat si Raphael tapos ay binuhat ako.
"Happy Birthday, Natalie!" Hindi niya nakalimutan. Noong isang araw ko sa kaniya sinabi ito at may ginagawa siya noon kaya akala ko ay hindi niya ako narinig o hindi kaya, nakalimutan niya.
"Ibaba mo na ako!" Tumatawa ako habang karga-karga niya ako. Nilapit niya ang labi niya sa labi ko pero hinarangan ko ito ng palad ko "ano ka ba! Kakagising ko palang. Hindi pa mabango ang hininga ko."
"Ayos lang iyon, Natalie." Nag-dikit ang aming mga labi. Pumunta na kami sa baba para kumain. Nagulat ako ng pag-punta namin sa baba, nandoon na silang lahat. Sila Garett, Rain, Glimmer, at Chloe.
"Happy Birthday Natalie!" Sinalubong nila ako ng yakap. Pagkatapos ay pumasok ang mga maid na may dalang mga pagkain.
"Salamat ah!" Sabi ko sa kanila.
"Sorry Natalie kung hindi tayo makakapag-party ng magarbo. Alam mo naman na may banta sa buhay natin." Sabi naman ni Garett.
"Ayos lang 'yon, ano ka ba? Simula pa noong nasa poder ako ni Rose, hindi ako nakaranas ng ganitong handaan tuwing kaarawan ko. Ayos na saakin iyong nandito ang mga kaibigan ko tsaka ang taong mahal ko."
"Aww.." Sabi nila Chloe at Glimmer.
"Tara na! Kain na tayo!" Umupo na kami at saka kumain. Naalala ko lahat ng mga kaarawan ko noon. Parang isang normal na araw lang ang mga iyon para saakin dahil ang alam ko ay Walang-wala talaga kami ni Rose. Hindi mawala sa Mukha ko ang ngiti. Masaya ako dahil nandito ang mga kaibigan ko at si Raphael. Gusto kong mag-saya kami ngayong araw dahil sa biyernes, susugod na kami sa World's Government.
"Hipan mo na ito, Natalie" sabi ni Raphael at inilapit saakin ang isang malaking cake at may naka-sinding kandila rito. Ngumiti ako atsaka pumikit, pagkatapos ay hinipan ko ito.
"Anong hiniling mo?""Hindi 'yon magkaka-totoo kapag sinabi ko sayo!" Tumawa ako. Sana maging maayos na ang lahat. Sana wala nang gulo. Iyon lang ang tanging hiniling ko.
Ilang linggo na rin kaming nage-ensayo at nagpapalakas. Ilang linggo na rin akong handa para patayin si Rose. Ngunit ngayong araw, magsasaya muna kami.
Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa pool at doon naman kami nagkasiyahan.
"May pupuntahan tayo mamaya." Sabi ni Raphael. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya
"Saan naman?"
"Malalaman mo kapag nandoon na tayo" ngumisi siya tapos tumalon sa tubig. Ako rin ay tumalon na at nag-umpisa na kaming mag-basaan. Hawak-hawak ni Raphael ang kamay ko at pakiramdam ko ay ito na ang pinakamasyang araw ng buhay ko.
Nang maka-ahon na kami, sinabi saakin ni Raphael na mag-bihis na daw ako dahil aalis na kami. Pumunta na ako sa kwarto ko para mag-banlaw at para mag-bihis. Ang sabi ni Raphael, magmo-motor lang daw kami. Tinanong ko kung magiging ligtas kami sa labas, kampate naman siya na walang mangyayari saamin.
Isinuot ko ang isang kulay itim na pantalon, puting Off-shoulder, at kulay puting sapatos.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba na sa sala.
"Oh. May pupuntahan ka?" Tanong saakin ni Glimmer
"May pupuntahan kami ni Raphael."
"Ahh. Magde-date kayo?"
"Hindi ko alam" tumawa kami
"Happy Birthday, Natalie. Ang dami nating pinag-daanan. Dapat lang maging masaya ka ngayong araw." Ngumiti si Glimmer at niyakap ko siya
"Happy birthday, Natalie!" Napa-lingon ako at si Chloe pala ito. Niyakap ko din siya at nag-yakapan kaming tatlo.
"Hihiramin ko muna si Natalie ah" napa-lingon kami at nakita namin si Raphael na papunta dito. Naka-suot siya ng leather na jacket at maong na pantalon at may dala-dala siyang dalawang Helmet. "Tara na?" Tanong niya saakin. Tumango ako at nagpaalam na kila Chloe at Glimmer
Hinawakan ni Raphael ang kamay ko at nag-lakad na kami palabas ng mansyon. Sa tapat ng main door ay naka-parada ang isang motor. Sinuot ko na ang Helmet at sumakay na kami ni Raphael sa motor na iyon.
"Humawak ka ng maiigi." Mas hinigpitan ko ang pag-yakap ko sa kaniya. Pinaandar na niya ang motor at lumabas na kami ng tuluyan.
Tumatama ang malamig na hangin sa mukha ko at napaka-sarap nito. Ramdam na ramdam ko ang malaking katawan ni Raphael dahil sa pagkaka-yakap ko sa kaniya.
Ilang minuto pa, bumagal na ang takbo ng motor hanggang sa huminto na. Bumaba na kami ni Raphael at tiningnan ko ang lugar kung saan kami naroroon.
"Simenteryo? Bakit tayo nandito?" Parang pamilyar ang lugar na ito. Na-tigilan ako ng maalala ko ito. Ito ang lugar kung saan inilibing ang mga magulang ko.
"Tara na" inakbayan ako ni Raphael at nag-lakad na kami. Hindi ko na ito gaanong kabisado dahil sobrang tagal akong hindi nakadalaw dito.
Huminto kami sa tapat ng dalawang Nitso. Dito inilibing ang mga magulang ko.
Natalia Schwartz
Andrew SchwartzIto ang mga pangalan na naka-ulit sa mga nitso. Agad na bumuhos ang luha ko at napa-yakap ako kay Raphael. Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa mga ala-ala. Ang mga ala-alang masasaya na iniwan ng mga magulang ko. Para bang bumalik saakin ang lahat. Nang huminto na ako sa pag-iyak, umupo na kami ni Raphael sa damo at humarap sa mga magulang ko.
"Ma, Pa, na-miss ko kayo." Pinunasan ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ko. "Ang daming nangyari saakin simula ng mamatay-- pinatay kayo. Walang hiya si Rose. Sana pala ay hindi ako nag-tiwala sa kaniya. Ginawa niya lang miserable ang buhay ko. Ginawa niya iyon dahil sa galit niya sa inyo. Pero alam niyo, ma, pa, may magandang nangyari saakin. Isang magandang pangyayari. Nakilala ko ang taong mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Pinakilala ko sa inyo si Raphael, Pryor."
"Hello Mr. And Mrs. Schwartz. Ako po si Raphael Pryr. Sinumpa ko noong bata pa lang ako na si Natalie ang mamahalin ko. Siya lang ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko. Pinapangako ko sa inyo na hindi ko siya sasaktan. Gagawin ko ang lahat para hindi kami magka-layo. Na siya lang ang babaeng papakasalan ko." Ngumiti kaming pareho ni Raphael.
"Ma, pa, patawad kung ngayon lang ako naka-dalaw dito. Patawad dahil ngayon ko lang kayo nabisita. Itinago ako ni Rose. Itinago niya ako sa inyong lahat. Patawad talaga." May kung ano-ano pa akong kwinento. Mga karanasan namin ni Raphael. Kung buhay lang siguro sila, ipinakasal na nila kami ni Raphael.
--

BINABASA MO ANG
The Royals
PertualanganTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...