"Ano?" Nabibiglang tanong saakin ni aling Regine, "Gusto mong sumali doon? Ginawa na nila yu'n dati, mga 10 taon na ang nakakalipas, ngunit wala sa isa sa mga babae ang nakalabas sa palasyong iyan. Ginagawa nila ito para magkaroon ng isang perpektong reyna. Reyna na magpapatakbo sa buong Chandré, bakit mo naman naisipang sumali dya'n?"
"Dahil po sabi nila, puwede raw naming itanong lahat ng gusto namin--" pinutol niya ako.
"Tama ka. May isang Tao, o manghuhula sila sa loob ng palasyo. Sila ang magsasabi ng mga sagot sa iyong mga katanungan, kahit ano, basta manalo ka lang, ngunit wala ng nagbabalak sumali sa patimpalak na ito. 50 taon na nilang ginagawa ito, 10 beses na nilang ginawa sa 50 taon, ngunit 6 na beses lang may nanalo at may lumabas sa Palasyong ito bilang isang reyna. Lahat sila ay di na nakalabas. Tingnan mo sila. Pagkatapos nito, mag-sisialisan na din sila at magkukulong sa bahay nila dahil minsan ay sapilitan na ang pagkuha sa mga babaeng dadalhin sa palasyo. Kung mas maganda, mas mataas ang tyansa mong makuha nila, kaya naman tara na't umuwi." Naglakad na kami pag-katapos ng anunsyo, nagbago ang isip ko sa sinabi ni Aling Regina.
Hindi ko na gusto ang pumasok sa loob ng palasyo. Umiiwas ako ng tingin sa mga Gwardya dahil aminin ko man o hindi ay angat talaga ang hitsura ko sa ibang mga tao dito. Kaunting lakad pa at narating na namin ni Aling Regina ang kanilang tahanan. Bukas ang pinto nito, inisip ko kung bakit ito bukas, baka dahil dumating na ang kaniyang asawa o di kaya ay may kasama pa sila sa bahay.
"Nandito na pala kayo--" may isang lalaki ang sumulpot sa aming harapan, malaki ang kaniyang katawan at may patubong buhok sa kaniyang baba. Maputi at medyo luma rin ang kaniyang kasuotan, malamang ay asawa siya ni Aling Regina. "Nagising ka na pala, Hija." Hindi ko mapinta ang kaniyang emosyon. Kung masaya ba siya na nandito ako o di kaya ay may masama siyang binabalak saakin. "Mas maganda ka pa pala pag ikaw ay gising.." Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Tumingin ako kay Aling Regina at iniwasan lang niya ako ng tingin.
"Magluto ka na ng aking makakain Regina at ako ay gutom na. Pagsibakin mo din ng Panggatong ang walang kwenta nating anak." At lumakad na siya. Nainis ako at Kinuyom ko ang aking mga palad dahil sa pagkainis ko sa asawa ni Aling Regina. Barumbado siyang magsalita at wala siyang galang sa kaniyang asawa at anak. Nakayukong naglakad si Aling Regina at tumungo na siya sa kusina, ang kaniyang anak naman ay pumunta sa likod ng bahay para gumawa ng panggatong.
"Hija! Halika rito sandali." Naagaw ng Asawa ni Aling Regina ang aking atensyon. Nasa pintuan siya ng kwarto kung saan ako nagising. Sumenyas din siya na lumapit ako, kaya naman lumapit ako sa kaniya, pumasok siya sa kwarto at akin siyang sinundan. "Alam mo naman ang inanunsyo ng mga Gwardya ng Palasyo kanina, tama ba?"
Tumango lang ako.
"Kung gano'n ay sasali ka doon." At hindi ko na napigilan ang aking emosyon.
"A-ano?! Hindi puwede! Naipaliwanag na sa'kin ni Aling Regina ang lahat! Hindi ako maaring pumayag sa iyong gusto!" At lumapit siya saakin at Hinawakan ako sa magkabilang pulso. Malakas ang kaniyang pagkakahawak dito kaya naman ay hindi ako nakapalag pa sa kaniya.
"Sasali ka doon, sa ayaw at sa gusto mo. Kami ang nag-aruga sa iyo nung ikaw ay walang malay kaya wala kang karapatang tumanggi, nasa labas narin ng bahay na ito ang mga guwardiya kaya naman hindi ka na maaring tumanggi. Ngunit bago kita isuko doon.. Titikman muna kita." Sinapa niya ang pintuan at tinulak ako ng malakas sa kama. Hindi ko magawang sumigaw ngayon at tinakpan niya ang aking bibig. Dinilaan niya ako mula Tainga hanggang leeg. Nagpupumiglas ako ngunit hindi talaga ako makapalag.
Ngunit natigil lang siya ng may mga kumatok sa pintuan ng kwarto. Tumayo siya at inayos ang sarili. Pinatayo niya rin ako at sumenyas na manahimik ako, kung hindi ay mapapasama ako sa kaniya. Binuksan niya ang pinto at tumambad saakin ang mga lalaking nakasuot ng metal na baluti. Walang sabi-sabi ay Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at itinutok saakin ang kanilang mga armas. Wala na akong nagawa kung hindi ang dalhin nila. Bago kami makalabas ng bahay, bigyan ako ng huling sulyap ni aling Regina na hawak-hawak ang kaniyang anak.
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...