Kabanata 40

2.1K 42 11
                                    

This is the final chapter of The Royals! Thank you for staying until the End! Thank you Royals!

--

Inahahanda na namin ang aming mga armas. Ngayon. Ngayong araw na matatapos na ang lahat. Matatapos na ang gulo na sinimulan ni Rose. Isinuot ko ang pinaka-komportable kong damit. napuno na ako sa ginawa ni Rose. gusto niya talaga ng gulo? ibibgay ko sa kaniya. sa lahat ng mga ginawa niya saakin, kulang pa itong gagawin namin bilang kabayaran. dito na matatapos ang lahat. ito na ang huling beses na papatay ako.

"Tara na, Natalie." inakbayan ako ni Raphael at nag-lakad na kami papunta sa helipad kung saan nandoon ang helicopter na nag-aantay saamin. may nauna nang dalawang helicopter at kasunod namin, may dalawa pa. nandoon na silang lahat sa helicopter. naka-hawak sa mga armas nila. handa na rin silang patayin si Rose. tumingin ako kay Garett. alam kong malaki rin ang galit niya kay Rose dahil pinatay nito ang kanilang ama. sigurado akong hindi lang ako ang taong may malaking galit kay Rose.

sila Chloe at Glimmer din, alam kong malaki rin ang galit nila kay Rose dahil pinahirapan sila nito. napakarami naming pinag-daanan at tama na ang pag-hihirap namin.

nag-umpisa nang umangat ang helicopter. pataas ng pataas at umandar na ito. ilang oras din ang biyahe papunta doon kaya nag-pahinga muna ako para may lakas ako mamaya para sa laban. naka-sandal ako sa dib-dib ni Raphael at siya rin ay nagpapahinga. halos wala kaming pahinga dahil noong pagbalik namin sa masyon, pinag-handa ko na sila para sa giyerang mangyayari. humawak si Raphael sa kamay ko at mahigpit ito. para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Natalie, kung ano man ang mangyayari ngayon, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." sabi naman niya.

"Huwag mong sabihin yan na parang may mamamatay saatin. walang mamamatay saatin. hindi ko hahayaang may mamatay saatin." ngumiti ako.

pumikit na ako at nagpahinga. hanggang sa unti-unting bumigat ang mga mata ko hanggang sa naka-tulog na ako.

"Nasaan na tayo?" iyon ang una kong nasabi ng magising ako. lahat sila ay mukhang handang-handa na dahil armadong-armado na silang lahat.

"Malapit na tayo." sabi ni Raphael at umusog para makita ko ang dagat. tumango ako at kinuha na rin ang mga armas ko. tinanong ko ang piloto kung ilang minuto pa bago kami makarating doon. ang sabi niya saakin 20 minuto nalang daw. bumalik na ako sa likod para i-handa na ang mga armas ko. inilagay ko ang mga bala at mga bomba sa aking bag at inilagay ko na ito sa aking likod. lumapit silang lahat at nag-yakapan.

"Marami na tayong pinag-daanan. ngayon na matatapos ito. let them know that we're stronger than them." sabi ni Garett. sumang-ayon ang lahat at bumalik sa kaniya-kaniyang mga upuan. naka-tingin lang ako sa labas habang naka-hawak si Raphael sa kamay ko at para bang ayaw niya itong bitawan.

*Boom!*

narinig namin ang isang napaka-lakas na pagsabog. maya-maya pa, nakita naming hindi na maganda ang pag-lipad nitong helicopter.

"Anong nangyayari?!" sigaw ko sa piloto.

"may tumamang missile saatin!" nagkagulo na ang lahat. hindi na namin alam kung ano ang gagawin namin. ang huli kong natatandaan ay nilamon ako ng tubig dagat. pagkatapos noon ay dumilim na ang paningin ko.

--

"Natalie"

idinilat ko ang mga mata ko at medyo malabo pa ang paningin ko. hindi ako makagalaw at pakiramdam ko ay naka-posas ako dahil parang may metal na naka-pulupot sa braso at binti ko. unti-unting luminaw ang paningin ko hanggang sa makita ko ang isang babae na naka-tayo sa harapan ko.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon