Ang sumunod na araw ay mas naging masaya pa, naging kaibigan ko ang mga kaklase ko, panay ang kwentuhan namin,
kung ano-ano lang ang mga pinag-uusapan namin, at kaliwa't-kanan ang nag-aalok sakin na sila nalang ang maging Escort ko, ewan ko, pero di ako makapili sa kanila, wala sa kanila ang gusto ko.
Wala ng lesson ngayon dahil abala ang mga teacher sa pag-aayos ng Venue ng Prom, kaya naman, kaming lahat dito sa loob ng room ay nagke-kwentuhan, yung iba naman nagsi-cellphone, ako naman, nakikinig lang sa mga kwentuhan at tawanan nila, habang hinahanap ko kung sino ba ang gusto kong magka-date sa prom. Inikot ko ang paningin ko, namili ako sa mga kaklase ko dahil gusto kong kakilala ko ang makakasama ko,
Hindi ko alam na may kumalabit pala sakin, humarap ako sa kumalabit sakin at halos matulala ako, Ang tanga ko naman para hindi ko maisip na sya pala ang pinaka-maganda ang itsura sa mga kaklase ko, pero muka syang Bad boy kaya naman di ako lumalapit sa kanya.
"Hey Natalie!" Masiglang bati nya sakin.
"Hi! Rain!" Rain, yun ang pangalan nya, Rain Dineros.
"Uhm, tatanungin sana kita kung may Date ka na para sa prom bukas?" magalang ang tanong nya at muka syang mabait, malapit din sya sakin kaya naman naamoy ko na ang pabango nya, ang bango, malaki at matipuno din ang katawan nya at mukang marami na ding nag-hahabol sa kanya na babae
"ah.. wala pa eh, di pa ko nakakapili kung sino ang isasama ko" sabi ko sa kanya,
"Then me. Take me with you, You know Natalie, I always Have my eye on you, una palang, since first year tayo, but I didn't have the courage to say that to you" Nabigla ako at parang huminto ang pagtibok ng puso ko.
"Uh-nag-iisip pa ko eh kung sino ang isasama ko, pero thank you at sinabi mo yun sakin."
"You better decide now, kung'di kukulitin kita ng kukulitin, hehe" Nakita kong Lumabas ang dimple nya dahil sa pagngiti nya, Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, Ano ba naman to. Naipit na ko sa Sitwasyon.
"Ano na Natalie? I can't wait"
"Oo na. ikaw na date ko sa prom" at nagtatalon sya sa tuwa,
teka, ano nga ba ang sinabi ko? Huh? Umoo ba ako? Hindi ako nagiisip ng matino.
"Thank you Natalie, I will fetch you up On Friday, 5 sharp."
Nabigla ako sa sinabi nya
"No! wag mo na akong sunduin, sa Park nalang tayo magkita malapit samin""Sure ka ba?" tumango ako,
"okay, I'll meet you there" Napangiti kaming dalawa at Naglakad na sya palayo, bumalik ako sa usapan naming magka-kaklase at mukang sa akin lahat ang atensyon nila.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanila dahil lahat sila nakatingin sakin..
"Anong sinabi sayo ni Rain?" at mukang lahat sila excited na kung ano ang sasabihin ko, Ugh! Ito yung ayaw ko, yung nagiging Center of Attraction ako.
"Uhh, sinabi nya lang naman sakin na Gusto nya akong maka-date sa Prom at kinulit nya ako kaya naman Umoo na ako."
Simpleng sagot ko sa kanila
"Oh my! Ang Swerte mo! Alam mo Natalie? kami pa ang naghahabol sa kanya! Ang swerte mo! Alam mo, dyan nagsisimula yang lovelife na yan, baka maging kayo nyan ni Rain!" at nagtawanan na kami, kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin at nalaman ko na nag-ambagan nap ala sila para sa Gown ko,1500 pesos ang naipon nila para sa Gown ko at tuwang tuwa ako. Sabi ko sa kanila babayaran ko nalang sila kahit paunti-unti pero sabi nila wag na.
Dumaan lang ang oras at kwentuhan lang kami ng Kwentuhan, napansin ko din na may naka-tambay na kulay itim na kotse sa labas ng School, biglang kumabog ang dib-dib ko, sana naman hindi sila yun, sana naman hindi.
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...