Kabanata 17

2.1K 60 2
                                    

Huminga ako nga malalim. Hinanda ko ang ang mga braso, kalamnan at ang paa ko. Naiinis ako kay Chloe at natatakot dahil sa sinabi ni Chloe. Nasa itaas pa din si Glimmer. Hawak-hawak niya ang medalyong pinag-hirapan niyang akyatin. Alam kong narinig niya ang sinabi ni Chloe at alam kong natatakot na rin siya dahil ang medalyon niya ang habol ng mga ito. Inisip ko kung ano ang gagawin ko. Huminga ako ng malalim ng makapag-desisyon na ako. Mabilis akong tumakbo at sinunggaban ng tadyak ang isa sa mga kaibigan ni Chloe. Napa-higa ito at na-alerto ang mga kasam niya.

"Glimmer! Baba na!" Sigaw ko. Sinugod ako ng isa sa mga kaibigan ni Chloe. Hinila niya ng buhok ko ng napaka-lakas at sinuntok naman ako ni Chloe sa tyan. Naramdaman ko ang matinding sakit. Sobrang sakit. Sakit na para ba akong susuka ng dugo. Lalaban ako. Kaya ko to. Sinuntok ko ang tyan ng kaibigan ni Chloe na humihila sa Buhok ko.

"Fuck You!" Sigaw niya saakin dahil sa sobrang sakit. Tinadyakan ko pa ang kaniyang tiyan para hindi na siya maka-bangon pa. Ngayon, si Chloe nalang ang kakaharapin ko. Nag-titigan kami ni Chloe. Hindi ko alam na aabot pala sa ganito si Chloe. Ibang-iba na siya. Hindi na siya katulad nung dati. Siya ang unang tumakbo at susuntukin na niya dapat ako pero nailagan ko siya. Hinila ko ang kaniyang mahabang dress at natumba siya. Sinipa ko siya ng isang beses sa tiyan ng malakas at napa-baluktot siya dahil sa sobrang sakit.

"Tara na!" Sigaw ko kay Glimmer ng maka-baba siya ng puno. Hinawakan ko ang braso niya at agad kaming tumakbo palayo. Mabilis ang aming takbo at hindi kami tumitingin sa likod. Papatay sila para sa isang medalyon lang? Gano'n na ba sila ka-desperada? Takbo lang kami ng takbo ni Glimmer pagasok ng gubat. Kailangan naming maka-layo kila Chloe.

Dumilim ang langit at sandali pa, umulan na. Basang-basa nanaman kami ni Glimmer. Nadapa kami sa putikan. Hindi namin inaasahan iyon. Mas napunit ang aming mga damit. Ng kami ay maka-bangon, ipinag-patuloy namin ang pag-takbo. Wala kaming masisilungan. Tanging mga puno at halaman lang ang aming nakikita.

"Natalie! May bahay doon!" Sigaw ni Glimmer at itinuturo ang isang bahay sa kabilang dulo ng aming kinaroroonan. Malayo pa ito, pero tumakbo pa rin kami papunta dito.

"Natalie!" Nakaka-pangilabot ang boses ni Chloe. Paano nila kami nasundan?

Ng makarating kami sa maliit na bahay sa gitna ng kagubatan, agad naming sinara ang pinto at kinandado namin ito mula sa loob. Naka-hinga ako ng maluwag. May masisilungan na din kami. Tumingin ako kay Glimmer at naka-hinga din siya ng maluwag.

"Magaling. Nahanap niyo ako." Agad akong lumingon at nakita ko si Raphael na naka-upo sa isang kama. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nahanap na namin siya. Tapos na ang walang-kwentang laro na ito. "Bakit ganiyang ang itsura niyo?" Nag-aalalang tanong niya saakin at Tumayo.

"S-sila Chloe. Hinabol nila kami upang kunin ang aming medalyon." Sabi ni Glimmer. Hinayaan muna kami ni Raphael na mag-bihis at mag-pahinga. Ang sabi ni Raphael, nag-papahinga daw sa hindi kalayuan si Haring Kristoff at pupuntahan namin siya upang matapos na ito. Nag-bihis kami sa isang komportableng damit. Nang humupa na ang ulan, pumunta na kami doon.

"Ama, nahanap na nila ako." Sabi ni Raphael ng mau ngiti sa labi. Tumayo siya at lumapit saamin.

"Magaling! Hindi ko inaasahan na mahahanap ka kaagad. Nasaan ang mga medalyon niyo?" At ibinigay namin sa kaniya ang mga medalyon namin. "Magaling ulit. Sa mga mahihirap na lugar namin itinago ang mga medalyon na ito. Pinahanga niyo ako. Ngayon, sigurado na ang pwesto niyo." Ngumiti siya. Nag-antay pa kami na dumating ang iba. Pinahanap na ni Haring Kristoff ang iba pang mga babae sa kaniyang napakaraming tauhan. Medyo natagalan sila pero bumalik din sila.

Ang iba ay walang medalyon, ang iba ay mayroon. Nagulat ako dahil mayroon nang medalyon si Chloe. Paano niya ito nakuha? Kinuha niya rin ba ito sa ibang babae? Nakaka-awa naman ang kung sino man ang kinuhanan niya ng Medalyon. Iyak nang iyak ang mga babaeng walang medalyon. Maiiwan sila dito sa isla at matatanghal. Nahahabag ako para sa kanila. Parang hindi ko kayang tumira dito sa islang ito.

"Sila Natalie at Glimmer ay nahanap ako sa kung saan ako nagtatago. Sigurado na ang kanilang pwesto sa larong ito at hindi sila matatanggal. Sila ang mag-tatapat sa dulo, kasama ang isa pana mahing reyna sa huli. Ngayon, ang mga walang medalyon ay maiiwan dito sa islang ito. Ang may mga medalyon naman ay maari nang pumasok sa mga karwahe upang maka-balik na sa palasyo. Isa-isa na kaming nag-lakad papunta sa mga karwahe. Binigyan ako ni Chloe ng isang matalas na tingin bago kami maka-pasok.

"Hindi ako maka-paniwala na matitira tayo hanggang sa huli." Sabi ni Glimmer. Bigla akong sinampal ng katotohanan na may isang matatalo saamin at matatanggal. Hindi ko kayang kalabanin si Glimmer. "Oh. Bakit ganiyan ang muka mo?" Tanong ni Glimmer saakin.

"Hindi ko kayang kalabanin ka sa huli." Sabi ko sa kaniya. Iniisip ko palang na mahihiwalay kami sa isa't-isa, parang gusto ko nang sumuko.

"Diba gusto mong mahanap ang tita mo? Ang paraan lang para magawa mo iyon at manalo at maging reyna. Mag-papaubaya nalang ako, Natalie. Kailangang manalo ka dito." Natuwa at nalungkot ako sa sinabi ni Glimmer. Mag-papaubaya siya para sa akin? Paano ang pamilya niya? Paano ang mga pangarap niya?

"P-pero, may sarili kang buhay, Glimmer. Paano ang pamilya mo? Paano ang mga pangarap mo--" pinutol niya ako.

"Alam kong magiging isang magaling ka na Reyna, Natalie. Alam kong gagawa ka ng isang magandang desisyon. Alam kong gagawa kayo ni Raphael ng mga magagandang desisyon." Sabi niya habang naka-ngiti. Gustong-gusto niya nga akong manalo. Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil alam kong matatalo niya lang ako sa sagutan na ito.

Nang makarating kami sa palasyo, lahat kami ay pagod. Dumiretso kaming lahat sa aming mga kwarto at nag-pahinga.

Kinabukasan, habang nag-lalakad ako sa pasilyo, lumapit saakin si Chloe. Bigla akong kinabahan at umiwas ako sa kaniya pero sinundan niya pa rin ako.

"Ano bang problema mo, Chloe?!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. "Huwag dito. May makakarinig." Agad niya akong hinila papunta sa library. Takang-taka ako sa ikinikilos ngayon ni Chloe. Bakit ganito? Anong gusto niyang pag-usapan?

"Ano bang gusto mong sabihin, Chloe?" Singhal ko sa kaniya.

"Hindi ko na kaya, Natalie. May sikreto akong sasabihin sa iyo. Simula pa ito ng makarating tayo. Alam ni Haring Kristoff kung gaano ka katalino at kung gaano ka kaganda. Nilapitan niya ako at inutusan ako na gawin ang lahat nang ginawa ko sayo, kahit na labag sa kalooban ko. Hanggang noong isang araw, inutusan niya ako na pagbantaan ka. Ginawa ko ang lahat nang ito dahil sinabi niya na papatayin niya ako, Natalie. Gustong-gusto ko nang maging kaibigan mo ulit. Pwede bang maging kaibigan ulit kita, Natalie?"

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon