Wakas

3.3K 63 10
                                    

Makalipas ang 17 na taon...

"Doon natatapos ang ating istorya"

Ngumiti ako sa kaniya at mukhang nabitin siya sa kwento ko

"Mom, totoo bang nangyari lahat ng kwinento mo?" Tanong niya.

"Oo naman. Napakarami naming pinag-daan ng dad mo." Sabi ko pa. Maraming taon na rin ang nakakalipas at parang kahapon lang nangyari ang mga iyon. Halo-halong karanasan ang nangyari saakin sa loob ng mga taon na iyon.

"Wow! Ang galing niyo po pala. Para kayong superhero!" Tuwang-tuwa siya at nagtata-talon.

"Robert?"

Narinig ko ang boses ni Garett.

"Tito!" Tumakbo siya dito at niyakap niya ito.

"Oh? Nasaan si Raphael?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa baba pa. May inaayos lang. Tara na, buddy." Sinama na niya si Robert.

Matapos mabaril si Raphael, nataranta kaming lahat. Buti nalang at may naka-sunod pala na helicopter saamin at na-dala kaaga si Raphael sa ospital. Naging maayos na ang lahat simula ng mawala si Rose. Ako na ang naging reyna ng World's Government pero napag-desisyunan ko rin na buwagin ang organisasyon na ito.

Tinapos namin ni Raphael ang pag-aaral namin. Pagkatapos ay nagpakasal kami at nagkaanak. Nakuha ni Robert kagwapuhan ni Raphael. Nakuha naman niya mula sa akin ang aking mga mata. Ngayong araw ang anniversary namin. 12 years na kaming kasal. Nakaka-tuwang isipin na sa likod ng lahat ng mga masasamang nangyari, may katapusan din pala ang pag-hihirap ko.

"Natalie!" Umakyat sila Chloe at Glimmer. Ikinasal sila kila Rain at Garett at may mga anak na rin sila. Dalawa ang anak nila Chloe at Rain habang sila Garett at Glimmer naman ay Tatlo. "Bakit nandito ka pa? Bumaba na tayo! Masamang magpa-gutom sa buntis!"

Tama si Chloe. 6 months na akong buntis ngayon sa pangalawang anak namin ni Raphael at tuwang-tuwa talaga kami dahil madadag-dagan nanaman ng miyembro ang munting pamilya namin. Sumama na ako sa kanila pababa.

Lumuwa ang mata ko dahil sa ganda ng ginawa ni Raphael. Sa garden namin gaganapin ang party para sa aming anniversary at mapaka-ganda ng ginawa niya dito. Nang makita ako ni Raphael, agad niya akong niyakap.

"Ang ganda naman ni Baby Natalie" ngumiti siya ng napaka-lawak

"Ang gwapo naman ni Baby Raphael" hinalikan niya ako sa labi.

"Happy anniversary" bulong niya saakin.

"Happy Anniversary rin." Ngumiti ako. "Mahal na mahal kita."

"I know. Kaya nga may baby nanaman tayo." Tumawa siya na para bang isang bata. "O siya sige na, kumain ka na muna at ako na ang mag-uupisa ng program." Pina-upo niya kasama nila Chloe at kumain na ako, habang siya naman ay pumunta na siya sa stage sa harap. Tiningnan ko ang buong paligid. Nandito ang aming mga kaibigan at nandito ang miyembro ng aming dating mafia.

"Hi! Ako nga pala si Raphael Pryor, asawa ng napaka-gandang si Natalie Pryor" tama. Binuwag namin ang Schwartz Mafia Group at Pryor Mafia matapos kaming maka-graduate. Napagdesisyunan namin na mag-trabaho nalang at ngayon, isa nang kilalang Engineer si Raphael, habang ako naman ay isang Abogado.

"Simula pa lang noong una kong nakita si Natalie, alam ko na kaagad na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Alam ko rin na madami kaming pinag-daanan. Maraming pag-subok ang dumaan saamin pero ngayon, nandito kami at masayang mag-asawa. Wala na akong mahihiling pa dahil perpekto na ang buhay namin. Masaya na ang pamilya namin at madadag-dagan pa ang miyembro namin. Natalie, i just want to say that i love you. I will always love you and i will never stop loving you." Nakita kong naluha si Raphael bago siya bumaba sa stage.

"Ikaw na." Bulong niya saakin at ako naman ang umakyat sa stage.

"I'm Natalie Pryor, the gorgeous..." Nagtawanan ang lahat "and the sexy..." Nagtawanan nanaman sila. "Wife of Raphael Pryor. Kilala ko siya dati bilang isang Prinsipe. Prinsipe na hindi ko kayang abutin dahil sa kagwapuhan niya."

Nag-tawanan ang lahat at kinantyawan nila Garett at Rain dahil sa sinabi ko.

"But, turns out, siya pala ang may crush saakin." Tumawa ako. "He's the man of man of my dreams and i'm the woman he loved since he was a child. Hindi ko inasahan iyon dahil ng mga panahon na iyon ay isang prinsipe ang turing ko sa kaniya. Literal na prinsipe. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang pagmamahal niya, pero sinuklian kami ng diyos ng isang masayang pamilya. Sa lahat ng mga masasamang nangyari at pinag-daanan ko, may magandang nangyari. And it is us. Me and Raphael, pati na rin ang aming anak na si Robert. I will spend my life loving my boys and i will always be there by your side. And i will never stop loving you, Raphael Pryor. Happy Anniversary. Let's start the Party!"

Nagpalak-pakan ang lahat at sinimulan na naming mag-saya. Panay ang usap, ang tawanan, ang kainan, at ang pagkikita ng mga dating kaibigan.

"Robert! Halika dito! Baka pawis na pawis ka na!" Lumapit siya saakin at pinunasan ang pawis niya.

"I'm just playing with Noah and Peter, mom" Noah is Chloe and Rain's son while Peter is My Nephew.

"Okay. Huwag kayong gaanong mag-pagod ah!"

"Okay mom!" Hinalikan ako ni Robert sa pisngi bago bumalik kila Noah at Peter.

"Kids." Sabi naman ni Glimmer. "It's so tiring to be a mother of three-- make it four dahil kasama na rin si Garett, pero nakaka-tuwa rin pala."

"Sinabi mo pa." Pag-sangayon naman ni Chloe at uminom siya mula sa Wine niya. "Ganoon din si Rain. Parang siya na ang pangatlo kong anak dahil sa sobrang kulit niyan. Dinaig pa ang mga bata." Tumawa kaming tatlo.

"Yep. Boys will be boys." Sabi ko naman.

"So, anong gender ng pamangkin ko? Is it a girl or a Boy?" Excited na tumingin saakin sila Chloe at Glimmer. Ngumiti naman ako.

"Girl." Nagpalak-pakan sila sa tuwa.

"Finally! I will have a Niece!"

"Make it my Niece too, cause i'm also part of the family." Tumawa naman si Chloe.

"Ladies..." Nasa likod ko na pala si Raphael. Kasama niya sila Rain at Garett. "Anong pinag-uusapan natin?"

"Wala naman. Just some girly stuff." Sagot ko naman.

"Mahal na mahal talaga kita." Ngumiti si Rafael sa akin...

At mahal na mahal ko 'rin ang lalaking ito.




   WAKAS




MY NEW STORY "AMBIVALENCE" IS POSTED NOW! GO CHECK IT OUT ON MY PROFILE IF YOU HAVE THE TIME <3

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon