Kabanata 13

2.6K 70 9
                                        

Ginawa nga ni Raphael ang sinabi niya. Nag-tanggal siya ng ilang mga babae. Na-dismaya ang mga natanggal. Ang iba naman ay naiyak pa. Nanatiling matatag ang pwesto namin ni Glimmer. Pagkatapos magtanggal ni Raphael, pinabalik na kami sa kaniya-kaniyang mga kwarto.

Buong araw akong walang ginawa. Lahat kami ay walang ginagawa. Tinatapos ko lang ang libro na kinuha ko sa library at nakipag-usap kay Glimmer. Gano'n tumakbo ang mga susunod na araw. Minsan ay nagkikita kami ni Raphael at nag-uusap. Pinag-iinitan parin ako ni Chloe pero wala n ako g pakialam sa kaniya. Ang importante saakin ay mahanap ko si Tita at Rain.

Ngayong araw, mag-uumpisa ang aming pag-aaral. Pag-aaralan namin kung paano maging isang magaling na reyna. Itinli ko ang aking buhok at isinuot ko ang isang simpleng damit. Hindi kailangang magarbo ang damit dahil mag-aaral lang naman kami. Sinalubong ako ni Glimmer sa labas ng aking kwarto.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kaniya

"Hindi naman. Tara na." At nag-tungo na kami papunta sa isang kwarto kung saan ituturo saamin ang lahat. May mga upuan dito at may lamesang pang-dalawang tao at naupo na kami ni Glimmer. Nag-antay kami hanggang sa unting-unti nang mapuno ang kwarto at pumasok na si haring Kristoff.

"Magandang umaga. Ngayon, haggang sa mga susunod na araw, hahasain namin kayong maging isang mabuting reyna. Hahasain namin kayong maging karapat-dapat para sa trono. Ngayon. May isa akong tanong sa inyo. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang reyna?" Tahimik ang buong kwarto. Walang nag-salita na kahit na sino. "Chloe?" Nanlaki ang mata ni Chloe at napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat. Parang na-estatwa siya sa kaniyang kinalalagyan.

"H-hindi ko po alam." Nahihiyang sagot niya kay Haring Kristoff.

"Kung gano'n ay hindi ka karapat-dapat maging isang reyna." Nabuo ang isang mapag-larong ngiti sa kaniyang labi na para bang may tinatagong isang sikreto. "Natalie?" Nabaling naman ang atensyon ng lahat saakin. Pinilit ko na gumana ang isip ko. Kahit anong sagot. Kailangan kong maka-sagot.

"Maging isang mabuting pinuno. Magkaroon ng mabuting kapangyarihan sa kaniyang nasasakupan. Pag-silbihan ang kaniyang asawa at pag-silbihan ang bansang kaniyang pinamumunuan." Iyon ang nasagot ko. Iyon ang unang pumasok sa isip ko. Nakita ko ang pag-hanga sa muka ni Haring Kristoff. Ilang saglit pa, pumapalak-pak na siya.

"Magaling, Natalie! Magaling!" Iyon ang nasabi niya. "Kailangan ng talino para maging isang reyna. Kailangan ng talino upang makapag-desisyon ng tama. Hindi basta-basta ang pagiging reyna. Isang buong bansa ang kailangang alagaan at kailangang patakbuhin ng isang reyna." Habang sinasabi niya ito, nakatingin siya kay Chloe at nakita kong parang napahiya siya. Bigla akong naawa kay Chloe. Kahit na nag-bago ang pakikitungo niya saakin, naging kaibigan ko parin siya.

Buong klase ay nakinig lang kami sa mga itinuturo ni Haring Kristoff. Marami kaming nalaman. Kung paano makitungo sa mga tao, kung paano mag-daos ng isang ball, kung paano patakbuhin ang isang bansa, kung paano pananatilihin ang tiwala ng mga tao, lahat ng ito ay itinuro saamin ni Haring Kristoff.

"Itutuloy natin ang leksiyon bukas. Maari na kayong mag-pahinga." Ngumiti siya at lumabas na. Nagsi-labasan na kami at nakita kong nakatingin siya ng masama saakin. Nakita rin ito ni Chloe ay sinabi niya na huwag ko na daw siyang pansinin. Buong araw kong hindi nakita si Raphael. Ang sabi ay may pinag-hahandaan daw siyang pag-pupulong. Habang nasa kwarto ako, bigla kong naisip kung karapat-dapat ba akong manalo. Karapat-dapat ba ako? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong ko.

Dahil sa lubos na pag-iisip ko, hindi ko malayan na naka-tulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa isang malakas ma sigaw. Isang malakas na sigaw na naging dahilan ng pag-taas ng mga balahibo ko sa katawan. Dumiretso ako sa pintuan at tiningnan ko sa labas. Sobrang dilim. May mga kandilang naka-sindi kaya naman nakikita ko na nasa labas narin ng kanilang mga pintuan ang ibang kandidata.

"Ano 'yon?!" Tanong ng babaeng nag-ngangalang Ariel. Walang sumagot sa tanong niya. Namalayan ko nalang na nag-lalakad na pala ako pababa ng pasilyo. Sumunod din ang iba pang mga babae sa akin at may dala silang mga kandila na nag-bibigay liwanag sa pasilyo. Kita ang takot sa kanilang mga muka. Habang pababa kami sa kung nanggaling ang sigaw na iyon, naramdaman ko ang matinding kaba.

Ng makarating na kami doon, nakita namin ang isang babae. May sak-sak siya sa kaniyang tiyan at naliligo siya sa dugo. Nakakatakot. Hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-brutal na pag-patay. Narinig ko na ang pangalan ng babae ay Arlene. Nag-iyakan ang ibang mga babae. Ang iba naman ay hindi kinaya ang kanilang nakita. Ako ay nanatiling naka-tingin lang.

Ilang saglit pa, nag-liwanag ang buong pasilyo at pumunta na ang mga gwardiya kasama sila Haring Kristoff at Raphael. Naka pang-tulog pa si Raphael at magulo pa ang buhok niya.

"Bumalik na kayo sa inyong mga kwarto! Pag-uusapan natin ito bukas!" Utos ni Haring Kristoff. Agad na kaming nagsi-balikan. Hindi ko kinaya ang nakita ko. Bumalik na din ako sa kwarto ko at sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Patuloy na umiikot sa isip ko ang nakita ko kanina. Isang babae ang namatay-- pinatay siya. Sino naman kaya ang kayang gumawa nito?

--

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Katatapos ko palang maligo at ang nangyari kagabi ang takbo ng mga usapan ng mga babae. Pero kami ni Glimmer, ay iniiwasang pag-usapan iyon. Alam kong hindi rin madali kay Glimmer na makita iyon.

"Pinapatawag na po kayo sa Ballroom." Ang sabi ng maid saakin. Ngumiti ako sa kaniya at nag-pasalamat at nag-simula na akong mag-lakad papunta sa ballroom. Pag-dating ko doon, nandoon na ang iba pang mga babae. Pero, ngayon ko lang sila naabutan na ganito katahimik. Pati rin si Haring Kristoff ay nandito na at tahimik din siya. Hindi ako sanay sa katahimikan na ito. Ng makarating na ang huling babae, nagsimula nang mag-salita si Haring Kristoff.

"Isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang nangyari kagabi. Iisa sa mga kandidata ang pinatay dito sa palasyo. Hindi namin alam kung paano o kung sino ang pumatay kay Arlene. Hindi rin namin alam kung bakit siya pinatay. Sa ngayon, inaabisuhan ko muna ang lahat na mag-ingat at mag-masid. Kung may kahina-hinala man, wag kayong mag-dalawang isip na sabihin saakin o sa anak kong si Raphael." Katahimikan. Mahabang katahimikan ang narinig namin pagkatapos noon.

"Hindi na tayo ligtas dito." Bulong ng isang babae sa kaniyang katabi at sumang-ayon naman ang katabi niya.

"Ngayon, hindi muna tayo mag-aaral. Bagkus, ay sa labas tayo. May hinanda kaming isang pag-subok para sa inyo. Kahit anong mangyari, tandaan niyo na nanonood kami sa inyo. Medyo delikado ang gagawin niyo ngunit makaka-siguro kayo na walang mangyayaring masama sa inyo." Sabi ni haring Kristoff. "Sumunod kayo saakin." Ang sabi pa niya. Tumayo na siya at nag-umpisang mag-lakad. Tumayo na rin kami at sinundan siya. Nag-lakad kami hanggang sa pinaka-mababang parte ng palasyo. Lagpas pa sa lugar ng imbakan ng alak at ang lugar ng pag-lalaba.

Huminto kami sa harap ng isang pintuan. Malaki ito at madaming agiw sa mga magkabilang kanto ng mapaka-laking pintuan na ito na gawa sa kahoy na luma.

"Maglaro tayo." Sabi niya habang may mapag-laro na ngiti sa labi.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon