Maaga kaming ginising ng mga maid. Wala kaming kaalam-alam kung ano ang gagawin namin ngayon. Ano nga ba? Nag-bihis ako sa isang simple at magaan na damit. Ayaw kong maging magarbo. Kailangan ko lang ay maging komportable ako. Bumaba na ako at naka-salubong ko si Glimmer habang nasa hagdan ako. Naka-salubong din namin si Chloe na may mga matatalas na titig samin. Ito nanaman siya.
"Ano nanaman bang problema mo, Chloe?" Tanong ni Glimmer sa kaniya. Alam kong naiinis din si Glimmer sa kaniya. Masyado nang magaspang ang ugali ni Chloe ngayon. Hindi lang sumagot si Chloe. Nauna siya sa pag-lalakad hanggang sa mapunta siya sa ballroom. Kami rin ay sumunod na sa kaniya at nandoon narin ang iba pang mga babae. Pumasok na rin si Haring Kristoff at kasama niya si Raphael.
"Magandang umaga. Ngayong araw, pangalawang beses natin susubukan kung gaano ba kayo katatagan. Maari lang na sumunod na kayo saamin." Nag-lakad na sila palabas ng ballroom at sinundan naman namin sila. Lumabas kami ng palasyo. May mga nag-aantay na mga karwahe na hila-hilan ng mga kabayo ang nag-aantay saamin. Wow! Parang isang fairytale. Natulala ako dahil tanging nababasa ko lang ito sa mga libro at napapanood ko lang ito sa mga pilikula. Ito ang pinapangarap ng mga babae simula pa noong kabataan namin.
Pinapasok na kami sa mga karwahe, magkatabi kami ni Glimmer sa loob ng karwahe. Hindi ako makapag-salita. Para akong nananaginip. Totoo ba ito? Kinurot ko ang sarili upang subukan kung tulog ako o nananagip. Walang epekto. Hindi ako nagising. Totoong nangyayari ito.
"Wow. Para akong nananaginip." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Matagal ang byahe namin. Ng pinababa na nila kami, agad kong naamoy ang tubig dagat. Naramdaman ko rin ang buhangin saaking mga paa. Nasa dagat kami. Ang ganda. Napaka-ganda. Kulay asul ang tubig ng dagat at kulay puti ang buhangin. Malamig ang simoy ng hangin at damang-dama ko ang ganda ng dagat.
"Siguro nagtataka kayo kung bakit kayo nandito. Dinala namin kayo dito dahil may gagawin kayong isang mahalang laro. Makaka-apekto ito sa inyong reputasyon sa palasyo. Iiwanan namin kayo dito. Walang pagkain, walang kahit na ano. Tanging paraan niyo lang ang makakapag-ligtas sa inyo. Hahanapin niyo din ang aking anak na si Raphael. Masyadong malaki ang lugar na ito kaya hindi ko masisigurado kung mahahanap niyo siya kaagad. Sigurado nang hindi matatanggal ang mga makaka-hanap sa kaniya at ang hindi naman makakahanap sa kaniya ay may pag-asang matanggal. Titira siya sa isang maliit na bahay na tagong-tago sa puso ng isla na ito. Kailangang mahanap niyo siya sa loob ng tatlong araw. At mayroon pang isa. May mga naka-tagong medalyon dito sa isla. Bukod kay Raphael, kailangan niyo ding mahanap ang mga medalyon na iyon. Ang walang medalyon ay iiwan dito sa isla at matatanggal na." Lumapit ang mga tauhan niya saamin at nilagyan ng takip ang mga mata namin
Sinigurado nila na wala kaming makikita. Ginabayan nila kami sa pag-lalakad. Medyo matagal ang aming pag-lalakad. Hanggang sa huminto kami sa pag-lalakad at nakarinig kami ng mga yapak na tumatakbo palayo saamin. Inangat ko ang takip ng mata ko. Nandito kami sa dalampasigan. Inikot ko ang ulo ko upang makita ang mga naiwan na bakas ng kanilang mga yapak, pero, wala. Mukang binura nila ang mga ito para hindi namin sila masundan.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Naguguluhang tanong ng kasaman naming si Krista. Walang sumagot sa kaniya. Mukang madali lang ang gagawin namin. Kailangan naming mahanap ang mga medalyon na iyon at kailangan naming mahanap si Raphael. Iyon lang ang gagawin namin at makaka-labas na kami dito sa isla na ito.
"Glimmer, mag-hanap na tayo." Tumango si Glimmer. Nag-umpisa na kami sa pag-lalakad. Iniikot namin ang tingin namin para mag-hanap ng medalyon at hanapin si Raphael.
"Pahirap ng pahirap ang pinapagawa nila saatin. Para saan ba ito? Makakatulong ba ito sa ating maging mabuting reyna?" Tanong ni Glimmer. Umiling lang ako.
"Hindi ko rin alam, Glimmer. Unahin na muna nating hanapin ang mga medalyon at si Raphael." Sabi ko. Nakikita namin na dumidilim na ang langit. Mukang ano mang oras ngayon ay uulan na. Hanggang sa unti-unti naming naramdaman ang patak ng tubig sa aming mga muka. Uulan na.
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...