5:30 ng hapon natapos ang pag-papaganda namin, at Nabalitaan namin na inuring sa 7:00 ang Prom namin nagutuhan ko ang resulta dahil bagay na bagay saakin ang lahat ng ginawa nila du'n, Gusto ko kung paano ang bagsak ng buhok ko at gusto ko ang kulay nito, sigurado akong hindi na ako makikilala ni tita nito, babalik ako sa tinitirhan namin dahil nandun pa ang gown ko.
"Tita! Nandito na ko!" Bati ko
"Nandito ako sa Kwarto Natalie!" sagot naman nya, Nagalakad ako papunta sa kwarto, kita kong nasa labas na ang mga gamit namin, mamaya pa namang gabi aalis kami dito eh, Dahan-dahan ang lakad ko at naalala ko na dito kami tumira ng isang taon, may mga ala-ala din kami dito, dito kami nag-newyear, dito din ako nag-birthday, pero lahat ng mga nalipatan namin may ala-ala din, Pagdating ko ng Kwarto, agad akong nakita ni Tita at nagulat sya.
"Natalie! Napakaganda mo! Kamuka mo ang mama mo nung dalaga pa sya!" Bigla nalang may tumakbo sa isip ko, Hindi ko pala talaga lubos na maalala ang muka ng mama ko dahil masyado pa akong bata nung nadisgrasya sila, Sa picture ko lang nakikita ang muka nya at oo, Kamuka ko talaga ang mama ko.
"Ahh.. salamat po tita, pero Nahihiya talaga ako sa mga classmate ko dahil sila ang gumagastos para sakin, nakakahiya talaga."
"Wag ka ng mahiya Natalie, mga kaibigan mo sila at gusto nilang magiging Masaya ka." Bigla nalang may pumasok sa isip ko, pa'no ako magiging Masaya kung Pagkatapos ng prom ay wala na kaming matitirhan, may nahanap na pala si tita na paupahan, pero may mga problema pang bumabagabag sakin. Isa na Sila.
"Tita, uhm, M-may sasabihin po ako sa inyo."
"Ano 'yun?"
"Uhm, Y-yung mga lalaki, Nandito sila at hinabol nila kami kahapon" Nagulat si Tita at napahawak sa bibig nya, Nakakabigla nga ang marinig ang ganitong balita lalo na kung ito ang pinag-uusapan namin ni Tita, sinisingil kami ng mga lalaking yun sa milyon-milyon na utang ng mga magulang ko sa kanila, pero hindi pa kami nakakaipon kahit isang daang libo manlang, kulang pa ang kinikita ni Tita para sa mga panggastos at upa eh, Gulat na gulat si tita sa sinabi ko. Isang taon din bago nila kami nakita, at sigurado ako ngayon na hinahanap na nila kami dito.
"Nasundan ba kayo dito?" umiling lang ako.
"Kung ganun ay wala tayong dapat na ikabahala, sa dulo pa ng kabilang street ang lilipatan natin kaya sigurado akong hindi na nila tayo masusundan, pero kailangan parin natin humanap ng Mauupahan na mas malayo dito dahil alam kong mahahanap at mahahanap din nila tayo anumang oras mula ngayon." Pagkasabi nun ni tita, Bigla nalang may kumatok sa pinto kaya naman parehas kaming nagulat
"Ako na po magbubukas" Naglakad na ako papunta sa pinto at binuksan ko ito at nakita si Ma'am Esme, ang Landlord namin dito. Mukang may masama syang balita samin.
"Oh, Ma'am Esme, kayo po pala" Magalang na bati ko sa kanya
"Nakaimpake na po kami at mamayang gabi po lilipat na kami."
"Ayos lang sakin yun Natalie, kung ako lang, gusto ko pa kayong magtagal dito, pero hindi naman talaga yun ang ipinunta ko dito, uhm, nako, pano ko ba to sisimulan? Uhm, may mga lalaking naghahanap sa inyo ng tita mo, Tantya ko mga nasa 5 silang lahat at mukang may nagawa kamong kasalanan sa kanila, kilala mo ba kung sino yung mga lalaki na yun?" napalunok ako ng sinabi ni Ma'am Esme sakin yun, Hinahanap na nila kami.
"A-ano pong sabi nyo?" Kinakabahang tanong ko.
"Wala akong sinabi na impormasyon sa kanila, sinabi kong walang nakatirang Natalie Schwartz at Rose Dela Vega dito, Ano bang kasalanan nyo sa kanila Natalie?" medyo nabunutan ako ng tinik sa sinabi nya.
"Ah-uhm wala po sige po."
"By The way. Ang ganda mo ngayon Natalie, Ikaw ang pinakamagandang babae sa prom nyo" napangiti ako sa sinabi nya sakin, Kahit papano, nabawasan ang pangamba ko.
Hindi to pwede, kailngang makaalis na kami dito tapos ng prom dahil baka mahanap ng mga yun, Isinarado ko na ang pinto ng tuluyan ng mawala sa paningin ko si Ma'am Esme, Rose Dela Vega at Natalie Schwartz, malamang pinag-hahanap na kami ngayon ng mga taong yun, Nawala sa muka ko ang ngiti ng maalala ko nanaman ang mga lalaking yun, paano ba naman hindi ako mawawala ang ngiti ko, sila ang nagdala ng pasakit samin simula pa nung bata palang ako, pero di ko sila masisisi dahil umutang ang magulang ko sa kanila, Palagay ko talaga hindi sila namatay sa aksidente, namatay sila dahil sinadya ng mga lalaking yun, walang hiya sila!
"Oh Natalie! ano daw sabi ni Ma'am Esme?" Tanong ni tita sakin na parang nag-aalala sya kung ano man ang mensahe na sinabi ni Ma'am sakin.
"Bad News, Pinaghahanap na daw tayo ng mga lalaki sa kanya, pero hindi daw sya nagsabi ng impormasyon at sinabi nyang wala tayo dito." Medyo nakahinga si Tita ng maluwag.
"Oh, wag kang sumimangot Natalie! sayang yung makeup mo! Mag-halfbath ka na para makapagbihis!" Medyo napangiti ako sa sinabi nya, kinuha ko na ang gown mula sa hanger at inilagay sa upuan sa labas ng Banyo.
Nagsimula na akong maligo, iningatan ko na hindi mabasa ang muka ko, nagsabon ako ng kaunti hanggang sa mayapos na ang palilgo ko, nagbihis na ako nung gown, tiningnan ko ang sarili ko sa salami, Ang ganda ko, Bagay na bagay saakin ang damit na ito, Bumabagay ang black sa kulay ng balat ko, kamukang-kamuka ko ang mama ko, Kinuha ko ang suklay at Tali sa drawer, hindi ko maisip kung paano ko itatali ang buhok ko, tiningnan ko ang muka at buhok ko, ano nga ba ang maganda para dito?
Alam ko na, Sinuklay ko ang buhok ko at Itinali sa isang mataas at medyo magulong pusod, hindi ko matingnan ang muka ko sa salamin pero ginawa ko parin, inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang napakagandang ako, kahit na medyo magulo ang pagkakapusod ko, bagay na bagay parin, teka, parang hindi parin bagay ang ayos ko sa buhok ko
Tinanggal ko ang tali at brinaid ko naman ang buhok ko, medyo loose at magulo ang pagkaka-braid pero sadya talaga yun, tiningnan ko ulit ang muka ko sa salamin at nakita ang isang perpektong Natalie, walang bahid ng kahirapan sa muka ko.
Handa na ko para sa Prom.--

BINABASA MO ANG
The Royals
Phiêu lưuTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...