Idinilat ko ang mga mata ko at sumilip ako sa bintana. Nakita kong pasikat palang ang araw. Bumangon na kaagad ako at nag-handa. Wala akong maisip kung ano ang mangyayari saamin doon. Iniisip ko rin si Raphael. Ano kaya ang gagawin nya kung mag-kita sila ng anak ni Haring Diego?
"Hindi ba kami mag-dadala ng damit?" Tanong ko kay Raphael ng maka-salubong ko siya sa hangdan papunta ng Dining.
"May naka-laan na daw na damit para sa inyo." Sabi niya. Pansin ko na hindi maganda ang kaniyang awra ngayon. Para siyang galit na hindi ko maipaliwanag. Sabay kaming pumasok ng dinig at tinabihan ko kaagad si Glimmer. Habang kumakain kami, napansin ko na kinakausap sya ng ibang mga babae at parang kinikilig sila.
May kung ano sa loob ko ang bigla nalang nag-wala. Parang inis na inis ako. Hindi ko nalang iyon pinansin at Pinag-patuloy na ang pagkain ko. Pagkatapos naming kumain, nag-handa na kami para sa pag-punta namin sa palasyo ni Haring Diego.
May mga karwahe na naka-abang sa labas ng palasyo. Apat kami sa loob ng karwaheng nasakyan ko. Katabi ko si Glimmer at nasa harap namin sila Shane at May. Mababait naman sila. Nag-kwentuhan lang kami at nag-tawanan sa loob ng karwahe. Hindi naman pala sobrang layo ng palasyo ni Haring Diego. Mga ilang oras lang at nakarating na kami doon. Namangha ako sa laki nitong palasyo na ito.
Hindi talaga ako makapaniwala na totoo ang mundong ito. Ang mundnong ginagalawan namin ngayon. Pinapasok na kami isa-isa sa loob ng palasyo. Pina-diretso nila kami sa dining hall para makakain kami. Pag-dating namin doon, isang gwapo at makisig na binata ang naka-upo sa dulo ng mesa. Sya siguro ang anak ni Haring Diego.
Gwapo siya, pero mas gwapo si Raphael. Panay ang titig sa kanya ni Glimmer at panay ang tili nito. Ng pumasok na si Raphael dito, agad na nag-tama ang kanilang mga paningin at nag-salubong ang kilay ni Raphael dahil sa inis. Tumabi saakin si Raphael. Hindi ko yun inaasahan. Ng makapasok na sila Haring Kristoff at haring diego, nag-umpisa na kaming kumain. Nagke-kwentuhan ang dalawang hari habang tahimik naman si Raphael sa tabi ko.
"Hindi magandang ideya ito." Sabi ni Raphael.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Baka mas lalo lang lumala ang away namin." Inis na inis talaga sya doon sa anak ni Haring Diego.
Nang matapos na kaming kumain, pinakita na saamin ang aming mga tutulugan. Malalaki ang mga kwarto at kasya ang tatlong tao.
"Natalie, pwede ba ako sa kwarto nyo?" Tanong ni Chloe. Nag-tinginan muna kami ni Glimmer bago ako sumagot.
"O-oo naman." Pumasok kami sa loob at namangha kami sa laki ng kwarto. Tatlo lang kama at may tatlong pintuan kung saan naka-tago ang mga damit na inilaan nila para saamin.
"May mga bago ba na pinapagawa si Haring Kristoff sa iyo para pahirapan si Natalie?" Nagulat ako sa tanong ni Glimmer
"Wala naman. Umiiwas nanko kay Haring Kristoff. Gusto kong ma-balik ang tiwala saakin ni Natalie." Tumingin siya saakin. Inaamin ko, bumalik na ang tiwala ko kay Chloe.
Nakarinig kami ng mga nag-sisigawan sa labas at lumabas agad kami ng kwarto. Sila Raphael at Garett iyon. Nag-sisigawan sila at galit na galit ang kanilang mga muka. Ng makita kami ni Raphael, agad siyang umalis. Tumingin naman saamin si Garett at pumorma ang isang maloko na ngiti sa kanyang labi.
"Magandang araw, mga binibini." Lumapit siya saamin. "Nagustuhan nyo ba ang kwarto nyo?" Walang sumagot saamin. "Mukang mahiyain kayo. O sya, pwede nyong libutin ang buong palasyo kung gusto nyo." Ngumisi sya at nag-lakad na palayo. Mukang alam ko na kung bakit naiinis si Raphael sa kanya. Nag-tinginan muna kaming tatlo at sabay-sabay na nag-lakad.
Napaka-lawak ng palasyo. Mukang hindi namin ito kayang libutin ng isang araw lang.
"Bakit parang magka-away sila?" Tanong ni Chloe. Tinutukoy nya si Garett at si Raphael.
"Hindi malinaw na pinaliwanag sakin ni Raphael eh."
"Teka nga Natalie, kayo na ba ni Raphael?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Glimmer.
"Ano?! Hindi ah."
"Hmm.. Sabi mo eh." Nagpa-tuloy na kami sa pag-lalakad. May narinig kaming mga boses sa di kalayuan. Parang nag-sisigawan. Nanggagaling ang mga boses na ito sa isang kwarto na may bukas na pinto. Nag-tago kami sa likod ng pintong ito at nakinig.
"Ano na?! May script na ba na binigay sila Boss?!" Naririnig ko ang boses ni Haring Kristoff. Nag-tinginan kami nila Chloe at Glimmer. Script? Boss?
"Wala pa." Narinig ko ang boses ni Haring Diego. Gulong-gulo ang utak ko sa nangyayari ngayon. Ano ba 'to? Ano ang mga pinag-sasabi nila?
"Pano yan?! Anong gagawin natin sa mga babaeng to?!" Sigaw ni Haring Raphael.
"Kumalma ka, Raphael. Di naman nila tayo mahahalata kahit na wala pa ang Script." Gulong-gulo talaga ako.
"Tawagan mo sila Boss. Sabihin mo na i-deliver na ang Script."
Nagulat ako ng bigla kaming hinali ni Glimmer. Tumakbo na kami palayo doon. Napaka-bilis ng takbo namin. Pabalik na kami sa kwarto namin at agad naming ni-lock ang pinto.
"What the fuck?" Sabi ni Chloe
"Anong nangyayari?" Tanong ni Glimmer.
"May alam ka ba dito, Chloe?" Tanong ko.
"Wala. Walang sinasabi ni Haring Kristoff at wala rin akong ideya na ganito pala. Ano tayo? Ano sila? Mga artista ba sila? Nasaan ba tayo?"
"Ganito, Natalie, tatanongin natin si Raphael. Oras na para ibunyag ang lahat ng nalalaman nya. Tara na?" Tanong ni Glimmer. Nagda-dalawang isip ako, pero lumabas narin kami. Hinanap namin si Raphael at nakita namin sya sa Hardin at naka-upo mag-isa.
"Raphael." Sabi ko
"Bakit, Natalie? May problema ba?--"
"You better tell us what the fuck is going on here." Kwinelyuhan ni Chloe si Raphael na agad naming kinagulat.
"A-ano? Ano bang sinasabi mo?" Kinakabahang tanong ni Raphael.
"Alam namin alam mo kung mo ang sinasabi namin. Narinig namin ang usapan ni Kristoff at Diego kanina. May nasabi si Kristoff tungkol sa Script at delivery nito. Anong ibig sabihin nun? Ha?!" Galit si Chloe. Lahat kami. Naiinis kami na para pinag-lalaruan kami.
"A-alam nyo na?"
"Magtatanong ba kami sayo kung alam namin?"
Napa-buntonghininga si Raphael.
"Mas mabuti pang sabihin ko na sa inyo ang nangyayari dito." Umupo siya. "Isang Laro at Eksperimento lang ang lahat. Ang gobyerno ang nagpapa-takbo ng lugar na ito. Mga artista lang kami na kanilang ginagamit para sa kanilang kasiyahan. Nagbabayad ang mga mamayaman para panoorin kayo araw-araw. Ang gobyerno naman, pinag-eeksperimentuhan nila ang mga lugar na ito. Nasa isang malaking isla tayo na gawa ng gobyerno. Nahahati ang isla na ito sa 5. Ang Fairytale part, ito ang kinalalagyan natin ngayon. Ang Medieval, Western, Future, at ang Dystopia. Simula noong bata pa kayo, naka-sunod na sa inyo ang gobyerno dahil sa inyong mga magulang."
Walang umimik saamin. Para akong sasabog dahil sa inis ko. Buong akala ko ay nananiginip ako o patay na ako. Yun pala ay dinukot lang kami ng gobyerno para sa pesteng eksperimento na to.
Tumingin si Raphael sa paligid at nanlaki ang kaniyang mata ng makita ng isang Camera at microphone sa gilid ng puno.
"Shit." Humarap sya saamin. Puno ng kaba ang kanyang buong muka. "Tumakbo na tayo!"
"Bakit?!"
"Nanganganib na ang buhay natin."
--
BINABASA MO ANG
The Royals
PertualanganTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...