Kabanata 18

2.1K 64 2
                                        

"Totoo ba lahat ng sinabi mo?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang sinsiradad sa kaniyang muka.

"Totoo lahat, Natlie." Sabi niya. Hindi ma-proseso ng utak ko kung ano ang mga sinabi ni Chloe. Hindi ko maintindihan kung bakit inutusan ni Haring Kristoff si Chloe na gawin ang lahat ng kaniyang ginawa. Papaniwalaan ko ba si Chloe?

"Hayaan mo muna akong mag-isip, Chloe." Sabi ko sa kaniya at nag-lakad na palayo.

Buong araw akong binagabag ng mga sinabi ni Chloe. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko siya. Gusto ko ulit siyang maging kaibigan pero hindi ko siya kayang paniwalaan matapos ang ginawa niya sa isla. Nag-laban ang mga magaganda at ang mga pangit na ala-ala namin ni Chloe.

"Glimmer. May sinabing sikreto sa'kin si Chloe." Sabi ko sa kaniya habang nag-babasa siya ng libro. Ibinaba niya ito at tiningnan ako ng may nag-tatakang ekspresyon.

"Anong sinabi niya?"

"Ang sabi niya, noong umpisa palang, inutusan na siya ni Haring Kristoff na awayin ako, pahirapan ako, at gawin pa ang ibang mga bagay na mag-papahirap saakin. Kung hindi ito gawin ni Chloe, papatayin siya. Natakot siya para sa sarili niya kaya sinunod lang niya ang mga ito. Noong nasa isla tayo, inutusan ni Haring Kristoff si Chloe na pagbantaan ako. Hindi na kinaya ni Chloe kaya sinabi niya saakin ang lahat at gusto na niya ulit akong maging kaibigan." Paliwanag ko kay Glimmer.

"Hindi pa natin masasabi kung totoo nga iyon. Sa ngayon, obserabahan mo muna ang mga ikinikilos niya. Mag-iingat ka pa rin, Natalie. Alam mo kung ano ang pwedeng gawin ni Haring Kristoff o ni Chloe. Nag-aalala talaga ako para sa'yo, Natalie." Sambit ni Glimmer.

"Huwag ka nang mag-alala sa akin. Makakaya ko ito. Masyadong maraming pag-hihirap ang pinag-daanan ko kaya natuto akong lumaban." Matapang na sagot ko sa kaniya. Punong-puno ng kumpiyansa. Mukang hindi parin siya naniwala dahil nandoon parin ang pag-aalala sa muka niya.

Ng mga sumunod na araw, kinakausap na ako ni Chloe ng patago. Kapag marami namang tao, sumisenyas lang siya saakin at ang ginagawa ko lang ay ang tumango ng tumango. Hindi ko talaga alam kung pagkakatiwalaan ko ulit si Chloe.

"Natalie, mukang nagiging mabait na sa'yo si Chloe ah." Puna ni Raphael ng magkita kami sa hardin. Gustong-gusto ko ang lugar na ito. Gustong-gusto ko dito dahil mahangin at presko dito. Ang gaganda din ng mga halaman at pakiramdam ko ay wala akong problema dito. Tumango lang ako sa kaniya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya kung ano ang sinabi ni Chloe saakin dahil baka mapahamak si Chloe

"Hindi ko rin alam. Bigla nalang nag-bago ang pakikitungo niya saakin." Umupo siya at inilagay ang kamay sa kaniyang baba. Nakita ko kung paano tumigas ang kaniyang mga muscle sa braso. Muntik nanaman akong matulala sa kaniya.

"Hmmm.. Siguro, gusto kaniya ulit maging kaibigan?"

"Hindi ko alam. Matapos ng lahat ng ginawa niya sa'kin."

"Alam mo, Natalie, kapag ang isang tao ay gustong makipag-kaibigan sa'yo, huwag mong tanggihan. Kung traydurin ka man nila, hayaan mo nalang at babalik din sa kanila ang ginawa nila sa'yo-- ng doble." Nakatitig na siya sa mga mata ko. Naka-titig din ako sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang ganda ng mga mata niya. Natulala nanaman ako.

"Alam mo, natutuwa talaga ako na naka-sama ka sa Huling tatlo." Ngumiti siya ng matipid.

"Bakit?" Nag-tatakang tanong ko sa kaniya.

"Dahil nasa akin ang huling pasya. Ako lang ang pipili sa tatlo kung sino ang magiging reyna ko.. At.." Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Hindi na rin ako nag-salita dahil alam ko kung ano ang kasunod nu'n. 'Huwag kang ganiyan, Raphael! Baka mahulog ako sa'yo.' Iyon ang gusto kong isigaw.

"Kamahalan! Pinapatawag po kayo ng hari." Nag-mamadali ang isang bantay na lumapit kay Raphael.

"Sige, Natalie. Kita nalang tayo bukas." Tumayo siya at bago pumasok at kumayaw muna siya. Kumaway din ako sa kaniya. Ang lakas ng epekto sakin ni Raphael. May kung ano sa kaniya na gustong-gusto ko at hindi ko alam kung ano 'yon.

"Ikaw na ang mananalo." Nagulat ako sa nag-salita sa tabi ko.

"Ginulat mo ko, Glimmer!" Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Ikaw na ang mananalo, Natalie. Kitang-kita ko kung paano ka niya titigan." At umupo siya sa tabi ko ng naka-ngiti.

"Huwag kang mag-salita ng ganiyan, Glimmer. Ikaw ang gusto kong manalo."

"Hindi mo pa ba nakukuha, Natalie? Kalag naging Reyna ka na, ikaw na ang gagawa ng desisyon sa lugar na ito! Ikaw na ang magpapa-takbo ng lahat! Maari mo na kaming palayain." Nakuha ko na kung ano ang matagal nang sinasabi ni Glimmer. Hindi importante na manalo. Ang importante ay makaalis kami dito.

"Pero maari ka ring manalo, Glimmer. At maari mong gawin ang plano na iyon." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi, Natalie. Hindi ako mananalo. Kilala ko kung sino ang mga pinaka-matatag dito. Hindi ako maganda, o malakas katulad mo, Natalie. Alam mo kung sino ang kukumpleto sa Huling Tatlo?" Umiling ako. "Si Chloe." Nagulat ako sinabi niya at nanlaki ang mata ko.

"P-paano mo nasabi?"

"Dahil sa ganda, kilos, at talino niya. Kung tama ang hula ko, tayong tatlo ang mag-lalaban-laban sa huli, Natalie, naka-suporta ako sa'yo, pero pipilitin kong lumaban kung gusto mo."

"Tama yan, Glimmer. Kung sino man sa'ting dalawa ang manalo, kailangan nating palayaan ang lahat." Tumango siya. Nagpa-plano na kami kung ano ang gagawin namin sa huli, pero hindi pa namin alam kung mananalo nga kami.

"Glimmer, Natalie." Napa-talon kaming dalawa ni Glimmer ng marinig namin ang boses ni Chloe sa likod.

"Kanina ka pa ba nakikinig?" Malamig na tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Kadadating ko lang." At lumapit siya saamin. Umusog naman kami ni Glimmer at nakita ko ang galit sa muka niya.

"Ano ba'ng kailantan mo sa'min?!" Galit na tanong ni Glimmer kay Chloe. Nakita ko ang pagka-bigla sa muka niya.

"G-gusto ko lang na maging magkaka-ibigan tayo." Kuminang ang mga mata niya. Tanda na malapit na siyang umiyak. "Natalie, hindi mo alam kung ako ang pinag-daanan ko sa kamay ni Haring Kristoff. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya pero alam ko na may plano siya para sa lahat ng babaeng nandito. Kailangan nating mag-tulungan, Natalie. Tayo lang ang mga pinaka-malalakas at matalinong babae dito. Wala akong pakialam sa relasyon niyo ni Raphael. Wala akong pakialam sa pagiging reyna. Ang gusto ko lang ay maka-alis na dito sa masamang panaginip na ito at bumalik sa pamilya ko." Umagos na ang luha sa mga mata ni Chloe. "Pag-bigyan niyo ako, Natalie." Humikbi si Chloe.

Tumingin ako kay Glimmer. Kitang-kita ko na naaawa rin siya kay Chloe. Naramdaman kong may kumurot sa puso ko. Dati kong kaibigan si Chloe. Gusto ko siyang pag-bigyan pero hindi ko alam kung paano.

"Paano namin malalaman na hindi ka nagsisinungaling?" Matigas na tanong ni Glimmer.

"Ito ang kutsilyo. Kapag may ginawa akong hindi maganda, isak-sak mo kaagad 'yan sakin." At ibinigay ni Chloe ang isang matalas na kutsilyo kay Glimmer na nanggaling sa kaniyang makapal na dress.

"Good deal." Tinanggap ni Glimmer ang Kutsilyo at itinago.

"Anong plano mo?" Kalahati lang ang Tiwala ko kay Chloe. Maganda rin ang sinabi niya saamin na sak-sakin siya kapag may ginawa siyang masama.

"Kailangan lang nating maging normal. Aapihin lang kita at titingnan natin kung ano pa ang ibang plano ni Haring Kristoff. Makakaya niyo ba iyon?" Tumingin ako kay Chloe at tumamgo siya.

"Kaya namin." Tumango ako kay Chloe.

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon