Kabanata 30

1.5K 44 2
                                        

"Pag-labas natin dito ay Medieval part na. Handa na ba kayo?" Tanong saamin ni Garett. Pinunsan ko ang luha ko at tumango. Hinawakan ko ang kamay ni Raphael at pumasok na kami sa loob ng maze. May mga patibong sa loob gaya ng mga gagamba at mga nag-babagsakang pader, pero nalampasan namin ito lahat.

Nang malapit na kaming makalabas, huminto muna kami sa pag-lalakad.

"Ito na. Medieval na ito. Handa na kayo?" Tanong ni Garett at tumango kami. Sama-sama kaming lumabas ng maze at nasilaw ako sa sobrang liwanag. Parang buhangin ang inaapakan ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang napaka-gandang dagat. Kulay puti ang buhangin at presko ang hangin. Naka-labas na kami.

"Akala ko ba sa Medieval na tayo lalabas?" Tanong ni Glimmer. Ako rin ay nag-tataka.

"Umiikot ang bawat parte ng isla. Kung kanina pa tayo dito, malamang ay nasa medieval na tayo. Pero maganda narin ito. Ang problema lang ay nasa kabilang bahagi na tayo ng isla at malayo na ang Drop zone dito." Paliwanag ni Garett. Napa-hinga nalang ako ng malalim. "Ang maganda pang gawin natin ngayon ay mag-pahinga."

Ginawa namin ang sinabi niya. Nag-pahinga kami. Nasa dalampasigan ako at nababasa ang paa ko ng tubig dagat. Naiiyak ako ng maisip ko kung ano ang nangyari kay Alison. Umupo si Raphael sa tabi ko at niyakap ako.

"Kaunting tiis nalang, Natalie. Makakalabas na rin tayo dito." Ngumiti siya. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita." Hinalikan niya ako sa labi. Bigla kong naalala lahat ng mga pinag-daanan namin ni Raphael. Pati na ang unang pagkikita namin at noong hindi niya maalis ang mata niya saakin.

"Hindi na kita papakawalan, Natalie. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo. Kapag naka-labas tayo dito, magpapakasal na tayo, Natalie." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Gusto na rin kitang pakasalan, Raphael. Ipaglalaban kita hanggang kamatayan." Namula si Raphael. "Oh? Bakit ka namumula?" Tanong ko.

"Pinapakilig mo ako eh." Nag-iwas ng tigin saakin si Raphael.

"Sus!" Mahinang sinuntok ko siya sa braso.

"Oy! Kain na tayo!" Sigaw ni Rain at pumunta na kami doon para kumain. May ginawa silang apoy at mga tent Napansin namin ang pagiging sweet nila Garett at Glimmer. Pati narin sila Rain at Chloe ay magka-hawak ang kamay.

"Umaga bukas tayo aalis papunta ng dropzone. Tantya ko nasa mga 7:30 ang pagpunta dito ng mga helicopter dahil gano'ng oras namin nila kami hinatid dito sa isla." Sumang-ayon nalang kami kay Garett.

Tig-iisa ang mga tent namin kaya hindi kami magkasama ni Raphael. Nakita ko ang muka nya ng malaman na hindi kami magkasama sa tent. Napa-ngiti nalang akong maalala ko iyon.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Napaka-lamig ng paligid at papasikat palang ang araw. Lumabas na ako sa tent para mag-handa na at nakita ko nalang si Chloe sa dalampasigan at nagmamasid lang sa mga alon ng dagat. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Nami-miss ko ang Highschool." Sambit niya at tumingin saakin.

"Ako rin." Ngumiti ako.

"Makakalabas tayo dito, diba?" Tumango ako. "Kung kailangang pumatay, papatay ako. Hindi ako magdadalawang isip." Pagkasabi nya nu'n, biglang may umupo sa tabi ko. Si Glimmer.

"Hey girls. Mukang huling araw na natin dito." Naka-ngiti si Glimmer. "Lahat ng nangyari dito ay magsisilbing maganda at pangit na ala-ala saakin. Maraming salamat sa inyong dalawa." Niyakap niya kaming parehi.

"Mamaya na ang iyakan. Mag-handa na tayo." Gising na pala sila Raphael. Nag-handa na kami gaya ng sinabi niya. Kumain kami at nagpa-lakas bago kami mag-lakad. Nasa kabilang dulo nitong isla ang drop zone kaya ilang oras pa kaming maglalakad. Inihanda namin ang mga sandata namin ng malapit na kami doon. May mga helipad nga pero wala pa ang mga helicopter.

"Baka na-late ang mga helicopter?" Tanong ni Garett.

"Hindi na-late ang mga helicopter." Sambit naman ni Rain na aming ikina-gukat. May hindi maganda dito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Sana naman, hindi tamabang hinala ko. Ipinag-dadasal ko iyon.

"Sorry guys." Naluluhang sabi ni Rain na aking ipang-taka. Ito na nga ang kinakatakutan ko. "Hindi na-late ang helicopter dahil sinabi ko sa kanila. Kaya ako nandito sa isla na ito dahil inutusan ako ng president at kapag hindi ko ito ginawa ay papatayin nila ang pamilya ko. Sorry talaga." Nag-labas sya ng facemask at sinuot ito.

"What the fuck are you talking about?" Galit na sabi ni Garett. Nag-labas si Rain ng parang isang bomba. Susugod na dapat sila Raphael pero huli na. Mausok na ang buong paligid at unti-unti na akong nanghihina hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Pag-gising ko ay nasa isang helicopter na kami. Tulog pa sila Glimmer sa tabi ko ngunit nakahawak ang kamay saakin ni Raphael. Nakita ko si Rain na naka-tingin sa labas. Hindi ako makagalaw dahil naka-tali kami.

"Hayop ka." Humarap si Rain ng sinabi ko iyon.

"Gising ka na pala."

"Bakit? Bakit mo kami trinaydor?"

"Sinabi ko na kanina, Natalie. Pinag-bantaan ako na papatayin daw nila ang pamilya ko. May footage din sila kung saan sinasaktan nila ang mga magulang at kapatid ko. Wala akong magawa, Natalie. Natakot lang ako para sa buhay ng pamilya ko. Sorry, Natalie." Wala na akong masabi pa.

Galit ang tanging namamayani sa isip ko. Pagbabayaran talaga nila ang ginagawa nila saamin. Nagising narin ang iba at galit na galit sila kay Rain. Si Rain naman ay tahimik lang.

"Saan na tayo papunta?" Galit na tanong ni Raphael.

"Sa head quarters ng World Government." Iyon lang ang sabi ni Rain bago unti-unting bumaba ang helicopter at lumapag na.

"Wag kayong mag-alala. May plano ako." Bulong ni Rain bago kami tumayo at lumabas. Nakagapos parin ang aming mga kamay at may mga sundalo sa gilid namin. Parang may ginawa kaming masama dahil sa pag-trato nila saamin ngayon.

Malaki ang Head quarters ng world government. Mukang sa isang artipisyal na isla lang rin ito naka-tayo. Pumasok na kami at lahat ng taong makasalubong namin ay tinitingnan kami na parang nandidiri o di kaya ay kinamumuhian kami.

Ipinasok nila kami sa isang malaking selda at bago umalis si Rain, may sinabi muna sya.

"Makaka-labas tayo dito."

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon