Kabanata 32

1.6K 37 5
                                    

Nagising kami kinabukasan dahil sa maingay na tunog ng bakal. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang gwardya sa labas ng selda namin.

"Kakain na." Iyon lang ang sinabi niya at tumayo na kami. Sinundan namin siya cafeteria. Ngayong araw na. Ito na ang araw ng aming paglilitis. Nakahawak si Raphael sa kamay ko habang naglalakad kami. Hindi niya ako bibitawan. Alam ko iyon. Tahimik kaming kumain habang naka-bantay sa gilid namin ang Head Guard.

Binagalan namin ang pagkain. Alam namin na pagkatapos naming kumain ay paglilitis na. Kinakabahan na ako-- lahat kami kinakabahan. Panay ang tingin ko sa guard. Mukhang naasar na rin siya dahil sa pag-tingin ko.

"Hey! Kanina ka pa tingin ng tingin ah! Ano bang problema mo?!" Susugurin na niya sana ako pero pinigilan siya ni Raphael. Nakita ko kay Raphael ang isang nakaka
takot na awra.

"Saktan mo siya at di ako magdadalawang isip na patayin ka ngayon." Nanginig ang Head Guard at na-estatwa. Nakita ko rin na nanlaki ang mata nila Garett. Ngayon ko lang nakitang ganito si Raphael. Ng matapos na kaming kumain, sumunod na kami sa Head Guard dahil dadalhin niya na kami sa paglilitis namin.

Kinakabahan talaga ako. Hindi ako mapakali. Naka-hawak si Raphael ng mahigpit sa kamay ko. Huminto kami sa isang malaking pinto. Isang kulay puti at bakal na pinto. Binuksan ito ng Head Guard at pinapasok na kami. naka-upo ang mga lalaking mukhang mayaman sa gilid at may espasyo sa gitna kung saan kami nakatayo ngayon. May isang entablado sa harap at may pinto sa likod nito. Nang mag-umpisa na, lumabas na ang mga lalaki mula sa pinto sa likod ng entablado. Marami sila at lahat ay naka-suot ng suit.

Ngunit agad na huminto ang pagtibok ng puso ko ng lumabas mula sa pintong iyon ang isang tao na hindi ko nakita sa loob ng mahabang panahon. Nagbalik lahat ng ala-ala saakin. Simula ng pagkamatay ng magulang ko, paglipat-lipat namin ng matitirhan, hanggang sa magka-hiwalay kami. Si Tita. Naka-suot siya ng magarang kulay asul na damit at naka-salamin. Mukha siyang mayaman. Ng mag-tama ang mga paningin namin, nag-lakad siya papunta sa direksyon ko.

Nag-tinginan kami ni Chloe at mukhang siya ay gulat na gulat rin. Bakit nandito si Tita?

"Natalie." Naluluha ako ng maka-lapit saamin si Tita.

"Tita." Lalapit na sana ako sa kaniya para yakapin siya, pero isang sampal ang na-tanggap ko mula sa kaniya. Natigilan ang lahat. Walang nag-salita. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Kasunod nito ay ang hapdi.

"You bitch!" Susugod na sana sila Raphael pero pinigilan ko sila.

"Natalie, you're so Pathetic" sabi ni Tita at tumawa siya ng malakas.

"B-bakit Tita? A-anong nangyayari dito?" Lumuha ako pero agad ko itong pinunasan.

"Please, don't call me tita. I'm President Dela Vega. I'm the president of World's Government." Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba? "Don't call me tita. Kinikilabutan ako. I'm Resident Rose Dela Vega." Malaki ang ngisi sa labi niya.

"A-anong sinasabi mo tita?" Isang malakas na sampal na dapat ang dadampi sa pisngi ko pero hiwakan ni Raphael ang braso niya. Nanlaki ang mata ni Tita sa ginawa ni Raphael.

"I killed your parents. Pinapatay ko sila, Natalie. Isang hadlang ang mga magulang mo sa Plano ko. And besides, magkaaway kami ng mama mo simula noong bata pa kami. I despise the surname Dela Vega, pero ng mawala ang mama mo, naging okay na ang lahat. Naging presidente ako ng World's government at ang mafia ko ang naging pinaka-malakas na Mafia sa buong mundo. Akala mo ba na naghahanap ako ng trabaho sa tuwing aalis ako? Hindi, Natalie. Sinadya kong mag-hirap ka! Sinigurado ko na mararanasan mo ang hirap hanggang sa sumuko ka--" hindi ko na napigilan ang sarili ko at isang napaka-lakas na sampal ang pinakawalan ko.

Tumalsik ang Dugo mula sa bibig ni tita pero agad niya itong pinunasan at ngumiti.

"Bakit? Bakit mo ito ginagawa?"

"Dahil Isang Cancer ang pamilya mo, Natalie!" Ngumisi siya at nag-lakad na pabalik sa Entablado. Tuluyan na akong naiyak pero niyakap ako ni Raphael. Hindi ko ito kaya. Ang hinahanap ko ay siya palang nag-lagay saamin sa dito. Naintindihan ko na ang sinabi ni Mama bago siya mamatay. Na huwag akong mag-tiwala kahit kanino. ginawa niyang miserable ang buhay ko. ginawa niya lahat ng iyon dahil sa galit niya sa magulang ko. kahibangan.

"Umpisahan ang paglilitis." sabi ng isang lalaki na naka-suot ng kulay puting suit. hinawakan ni Tita-- Rose ang isang microphone at nag-salita.

"Ginulo ng mga batang ito ang ating laro. ginulo nila ang ating ginawang mundo. madami silang ginawang kasalanan at hindi ko na iisa-isahin ang mga iyon. bilang President ng World's Government, ipinapataw ko sa kanila ang kaparusahan ng Pit." nagpalakpakan lahat ng mga taong nasa loob nitong kwartong ito. hindi namin naintindihan ang mga huling sinabi ni Rose. hindi ko na siya gagalangin pa.

"Ano ang pit?" lakas loob na tanong ni Chloe.

"Ang pit ay isang masayang lugar. ito ay isang maliit na laro na nandito sa loob ng isla na ito. sa huling pagkakataon, tataya ang mga mayayaman para sa buhay niyo. sa pit na iyon, maari kayong mamatay. kung hindi kayo mamamatay, kayo ang papatay." ngumiti si Rose at tumalikod na. "Dalhin niyo na sila sa pit." lumapit saamin ang mga gwardiya at nilagyan ng posas ang aming mga braso. naglakad na kami labas ng kwarto na iyon at sinulyapan ko si Rose sa huling pagkakataon.

hindi maalis sa isip ko ang galit. galit dahil pinatay niya ang mga magulang ko at ginawa niyang miserable ang buhay ko. lahat ng pag-hihirap sa buhay ko ay siya ang may gawa. siya lahat ang may kasalanan. napa-kagat nalang ako sa labi ko dahil sa lubos na galit. habang naglalakad kami, naka-tingin lang ako ng diretso sa daan at nararamdaman ko ang maya-mayang pag-tingin ni Raphael saakin.

huminto kami sa harap ng isang malaking pinto. kulay itim ito at gawa sa bakal. itinapat ng isang guard ang kaniyang i.d sa isang device at bumukas na ang pinto. itinulak nila kami dito isa-isa at agad na isinara ang pinto. sa loob noon ay isang maliit na kwarto. may mga upuan at may isa pang pinto sa kabilang dulo.

"Ayos ka lang?" humarap ako kay Raphael.

"Hindi ko alam" alam niya kung sino ang tinutukoy ko.

"Walang nakaka-alam, Natalie. kahit kami, hindi namin nakita kung sino ang Lider ng world's government."

"Ayos lang. mamamatay na rin naman tayo--"

"Hindi tayo mamamatay. gagawin ko ang lahat para makalabas tayo dito, Natalie." dumampi ang mga labi ni Raphael saakin at ginantihan ko ang kaniyang halik.

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon