Kabanata 11

2.8K 79 2
                                        

Nagising ako kina-umagahan na hindi parin naaalis sa isipan ko ang panaginip na iyon. Napaka-ganda ngunit nakaka-lungkot ang aking panaginip. Nasa isa akong palasyo, 25 kaming mga babae ang naka-pasok at maglalaban para sa posisyon ng reyna. Sa panaginip ko, may nakilala rin akong gwapong lalaki na ang pangalan ay Raphael Pryor. Sinaraan pa ako ni Chloe sa ibang mga babae at alam ko na hindi iyon magagawa ni Chloe sa totoong buhay dahil magka-ibigan kami.

Dinilat ko ang aking mga mata at halos mapa-talon ako sa gulat. Hindi pala isang panaginip ang nangyari kahapon. Lahat pala ay totoo. Nandito ako sa magarang kwarto ngayon. Nakahiga sa malambot na kama at tinatamaan ng sinag ng araw ang magarang kurtina sa bintana. Hindi panaginip. Ito ang Realidad. Hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko.

Tumayo ako at sinilip ko ang tanawin sa labas ng bintana. Nakikita ko ang araw ngunit hindi pa talaga ito tuluyang sumisikat. Lumilipad ang mga ibon sa labas at parang ang saya lumabas ngayon at makipag-laro kasama ng mga ibon. Tantya ko, 6 palang ng umaga. Nag-unat ako at tiningnan ang itsura ko sa salamin. Magulo ang kulay grey ko na buhok. Magara ang aking pang-tulog. Inayos ko ang sarili ko bago kumuha ng damit para maka-ligo na ako.

Nag-lakad ako papunta sa pinto at binuksan ko ito. Walang katao-tao. Wala rin ang mga maid. Nag-lakad na ako papunta sa baba, kung saan nandoon ang paburito kong lugar: ang paliguan. Nag-madali ako para makarating doon. Madilim pa sa buong palasyo ngunit sumisilip na ang liwanag ng araw mula sa malalaling bintana.

Pagka-pasok ko sa Paliguan, walang katao-tao. Mukang ako ang unang nagising sa kanila. Tumungo ako sa isang pinto at pumasok ako dito upang maka-ligo na. Agad kong inilubog ang aking sarili sa maligam-gam na tubig at hinayaan ko ang aking sarili na mag-tampisaw dito. Sayang-saya ako dahil minsan ko lang maranasan ito. Ilang minuto pa, narinig kong may ibang mga babae narin ang pumasok. Hindi na ako makaka-tampisaw ng mabuti dahil sa ingay nila.

Nag-bihis na ako ng Dress na isusuot ko para ngayong araw at inihulog ko ang mga damit pangtulog ko sa butas na direkta sa ibaba kung saan sila lalabhan. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Nasa loob pa ang mga babaeng pumasok kanina. Palabas na ako ng maka-salubong ko sila Chloe.

"Yan na yung malandi." Sabi ng isang kasama niya at inirapan ako. Napa-iling nalang ako at dumiretso na sa kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko. Pinatuyo ko ang buhok ko at nag-lagay ng hikaw. Simpleng pulang dress lang ang suot ko at walang espesyal dito. Nag-lagay din ako ng pabango at ng matapos ako, may kumatok sa pinto.

"Handa na po ang almusal." Sabi ng maid habang naka-yuko.

"Salamat po." At niyakap ko siya bago ako lumakad. May respeto ako sa mga maid. Naranasan ko naring mamasukan sa ibang bahay dati upang maging maid. Alam ko ang hirap na pinag-dadaanan nila para lang kumita. Alam kong marangal na trabaho ang maging isang maid. Hindi katulad ng pinag-kakalat ni Chloe na isa akong Prostitute, hindi ko magagawang pasukin ang trabahong iyon. Hinding-hindi.

Pagkarating ko sa Dining, nandoon na ang iilang babae at sa magkabilang dulo ng mahabang lamesa ay naka-upo sila Haring Kristoff at si Raphael. Hindi maalis ni Raphael ang titig niya saakin. Naiilang ako at lumilipad nanaman ang mga paro-paro sa tiyan ko. Bakit ba hindi niya maalis sakin ang mata niya? Gusto kong patayin ang mga paro-parong ito sa tyan ko dahil sobra silang naaapektuhan sa mga titig saakin ni Raphael.

Ng makarating na ang iba pang mga babae, nag-simula na kaming kumain. Napakaraming pagkain ang inilagay ng mga maid para sa amin. Pang-isang linggo na namin ni tita ang mga pagkain na ito, at dito, hanggang almusal lang. May mga gulay, prutas, karne, gatas at iba pa ang naka-hain sa lamesa. Sinigurado kong mauubos ko ang pagkain ko para hindi ito masayang.

Nakakatanggap ako ng mga matatalim na titig galing sa ibang mga babae. Ang iba ay tahimik na nag-bubulungan habang naka-tingin saakin. Nahihiya ako para sa sarili ko. Baka kung ano-ano ang sinasabi nila at baka kung ano-ano nanaman ang ipinakalat ni Chloe. Ng matapos kaming kumain, biglang nag-salita si Haring Kristoff.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon