Binuksan ni Haring Kristoff ang pintuan. Tumambad saamin ang kadiliman. Purong kadiliman. Kinabahan agad ako at parang gusto ko nang umurong pero hindi ito magagawa. Sabay-sabay kami pumasok. Lumapit saakin si Glimmer at nag-hawakan kami ng kamay ng napaka-higpit. Ng tuluyan na kaming maka-pasok lahat, unti-unting sinara ni Haring Kristoff ang pinto at unti-unti kaming nilamon ng kadiliman.
"Natalie, natatakot ako..." Nanginginig ang boses ni Glimmer. Mas lalo kong hinigpitan ang kamay niya. Hindi pwedeng sumuko siya.
"Huwag kang matakot. Nandito ako." Sabi ko sa kaniya. Naririnig ko din ang iba pang mga babae. Ang mga kalus-kos ng aming mga paa. Ang aming pag-hinga. Tsaka ko naisip na hindi kami makakalabas dito kung hindi kami mag-lalakad. Dahan-dahan akong humakbang. Mahigpit parin ang hawak ko sa kamay ni Glimmer.
Sobrang dilim at malamig. Unti-unting nawala ang boses ng iba pang mga babae. Mas lalo kaming kinabahan ni Glimmer
"Natalie, naririnig mo ba iyon?" Pinakinggan ko kung ano ang sinasabi niya. May naririnig akong parang ahas.
"Bilisan natin, Glimmer." Mas lalo pa naming binilisan ang paglalakas. Napahinto ako ng mabunggo kami sa parang isang pader. Shit!
"Natalie... Nasaan ka na?" Nabitawan ko ang kamay ni Glimmer.
"Nandito ako, Glimmer." Naramdaman ko ang kamay niya na parang nangangapa sa dilim.
"Natalie, naririnig ko pa rin yung ahas." Kinakabahang sabi ni Glimmer at hinawakan niya ang kamay ko.
"AH!" May narinig kaming sumigaw sa hindi kalayuan. Nataranta kami ni Glimmer at hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Noong naglalakad kami, may napansin kaming umiilaw. Parang dalawang bola na may Apoy sa loob. Nang ma-hawakan ko ito, agad itong nawala. Pagkatapos noon ay naramdaman ko nalang na parang may naka-pulupot sa buong katawan ko.
"Glimmer!" Nag-hiwalay nanaman ang mga kamay namin. Nawala na si Glimmer. Hindi ko maalis ang naka-polupot sa katawan ko. Naririnig ko din ang "hissss" nito na para bang isang ahas. Malamig din ito at makalikis. Ahas nga!
Ginawa ko lahat para maka-alis bago ako matuklaw. Nagtagumpay ako at agad akong umalis. Takbo lang ako ng takbo sa kadiliman at wala akong pakialam kung ma-bunggo man ako sa pader. Kailangan naming maka-alis dito ni Glimmer.
"Glimmer! Sigaw ko pa." Walang sumagot. Parang ako lang ang tao sa lugar na ito. Unti-unting nagkaroon ng liwanag at nakikita ko na ng kaunti ang mga poste. Kulay berde ang mga ilaw at medyo madilim pa rin ang paligid.
Hinanap ko si Glimmer sa bawat sulok ng paligid hanggang sa makakita ako ng isang babaeng naka-talikod. Parang si Glimmer! Lumapit ako dito at hinawakan ko siya sa Balikat. Malamig. Napaka-lamig. Unti-unti siyang humarap saakin at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Wala itong mata, basag-basag ang mukha at naka-tahi ang bibig. Hindi siya si Glimmer!
Sumigaw ko ito ng napakalakas at mula sa kawalan, gumapang ang napakaraming gagamba sa paa ko. Pinalo-palo ko sila ngunit masyado silang marami hanggang sa balutin nila ang katawan ko.
"Natalie?" Huminto ako ng marinig ko ang boses ni Glimmer. Huminto ako sa pag-laban sa mga Gagamba. "Anong ginagawa mo diyan?" Tiningnan ko ang paligid ko at walang mga gagamba.
"M-may mga gagamba, a-at may nakita akong babae dito kanina, akala ko ikaw iyon." Tinulungan akong makatayo ni Glimmer at ng mahawakan ko ang kamay niya, nalusaw ang mukha nito. Inilabas niya ang kutsilyo mula sa kawalan at itinutok ito saakin. Napa-atras ako ng dahan-dahan, at naramdaman ko ang malamig na kutsilyo. Biglang dumilim nanaman ang lahat at wala nanaman akong makita.
"Handa ka na bang mamatay?" Nanlamig ako dahil sa nakakatakot na boses na iyon. Naramdaman ko naman ang isang malamig na bagay na naka-tutok sa Leeg ko. Shit
Ipinikit ko ang mata ko at dumilat ako. Maliwanag na ang buong paligid. Ito ang kwarto na pinasukan namin kanina ngunit nakapag-tataka na walang tao. Nakita kong bukas ang pinto at pumunta ako dito. Ng malapit na ako dito, bigla nanamang dumilim ang buong paligid at na-untog ako sa isang pader. Pinag-lalaruan nila kami!
Naramdaman ko na umuga ang lupa. Para bang lumilindol. Maya-maya pa, naramdaman ko na nalang na parang tumatagilid ang lupang kinatatayuan ko. Unti-unti itong tumagilid hanggang sa dumulas ako. Sinubukan kong kumapit sa kung ano man ang makakapitan ko pero wala.Huminto ang pag-dulas ko at uminit naman ang buong paligid. Lumiwag ang buong paligid dahil sa kulay pulang ilaw na para bang isang apoy. Lumapit ako dito para tingnan kung ano iyon. Idinampi ko ang kamay ko doon at agad akong napasigaw dahil sa sakit. Apoy ito ngunit nakalutang sa hangin! Nagulat ako ng bigla nalang akong sundan nito. Mas lalo pa itong lumaki hanggang sa masakop nito ang buong kwarto.
Nang malapit na akong malamon nito ng buo, nag-dilim ulit ang buong paligid at saka lumamig ulit.
"Natalie!" Narinig ko ang boses ni Glimmer
"Glimmer! Nandito ako!" Nag-hanapan kami gamit ang aming mga boses at nahanap namin ang isa't-isa. Hinawakan ko kaagad siya sa braso
"Natalie, kung ano-ano ang nangyari saakin. Parang isang masamang panaginip ang lahat."
"Ako rin. Kung ano-ano ang naranasan ko." Medyo lumiwanag nanaman ang buong paligid hanggang sa lumiwanag na ng tuluyan ang buong paligid. Kami lang ang tao dito.
"Nasaan na ang iba?" Tanong ni Glimmer. Nagkaroon ng isang maliit na butas sa lupa. Unti-unti itong lumaki ng lumaki
"Takbo Glimmer!" Tumakbo kami habang palaki pa rin ng palaki ang butas hanggang sa wala nanaman kaming makita at naramdaman ko na nahuhulog na kami. Parang walang katapusan ang aming pagka-laglag. Nasa ere kami ng mga ilang minuto hanggang sa maradaman ko na nasa lupa ulit kami.
Nakarinig kami ng isang napaka-lakas na ungol. Parang isa itong lobo.
"Hindi maganda ito." Sabi ko kay Glimmer. Nakikita ko ang dalawang bilog na bagay at parang mga mata ito. Kulay ginto ito at parang galit na galit ito tumakbo ito papunta sa direksyon namin ni Glimmer
Bigla nalang lumiwanag ang buong paligid at nandito na ang lahat. Kumpleto kami at mukhang naguguluhan ang lahat sa kung ano ba ang nangyari saamin.
Bumukas ang pinto at nandoon si Haring Kristoff. Nakangiti.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...