Hawak pa rin ni Raphael ang kamay ko habang nag-lalakad kami. Hindi niya talaga pinapakawalan ang kamay ko. Habang si Rain naman ay kausap si Chloe at si Glimmer at Garett naman ay parehas na Tahimik.
May naaninag na kaming liwanag sa di kalayuan. Iyon na siguro ang labasan. Ng marating namin iyon, agad na nasilaw ang mata ko sa liwanag at nasa ibang mundo nanaman kami. Disyerto. Puro buhangin, walang katao-tao.
"Nandito na tayo sa Western side." Sambit ni Garett.
"Walang tubig?" Tanong ni Glimmer.
"Sweetie, saan ka makakita ng tubig sa disyerto?" Natawa naman kami dahil sa sagutan ng dalawa. "Tara na. Mag-lakad na tayo."
"Kabisado niyo ba 'tong Western?" Tanong ko kay Raphael.
"Hindi. Hindi pa kami nakakapunta dito. Nakita lang namin sa mapa na nasa palasyo. Sa gitna nitong disyerto na ito ay may bayan. Doon tayo pupunta para mag-pahinga at kumain. Wag kang mag-alala, hindi tayo masusundan doon." Nag-lakad na kami sa gitna ng disyerto. Napaka-ganda ng pagkaka-gawa nila sa lugar na ito.
Napaka-init. Parang tinutunaw ang balat namin dahil sa sobrang init. Nakita ko rin ang pagod da mga muka nila dahil napaka-lawak nitong disyerto na ito. May naaninag na ako sa di kalayuan. Isang bayan. Maliit lang ito pero maraming tao. Napangiti ako dahil sobrang pagod na kami. Iba ang suot ng mga tao dito at talagang pinag-titinginan kami dahil sobrang dumi namin at sira-sira ang aming mga damit.
Pumasok kami sa isang kainan. Wala namang gaanong tao. Agad na may lumapit saaming isang lalaki. May baril na naka-sabit sa gilid ng kaniyang belt.
"Tulungan nyo kami. Parang-awa niyo na." Artista nga si Garett. Napaniwala niya iyong lalaki at pina-kain kami ng libre at binigyan pa kami ng mga damit.
"Ano nang plano?" Tanong ko sa kanila.
"Ang plano ay mag-pahinga muna tayo dito at tsaka na tayo mag-lalakbay. Kapag may mga pagkain at armas na tayo, tsaka na tayo aalis. Hindi tayo pwedeng umalis basta-basta." Tumango naman ako.
"Ako na ang bahala sa titirhan natin." Tumayo si Raphael at lumapit saakin. "Sandali lang ako." Hinalikan niya ako sa pisngi at milyon-milyong bultahe ng kuryete ang dumaloy at pakiramdam ko ay namula ang muka ko ng sobrang. Nakangiti silang lahat. Si Rain lang ang hindi. Anong problema niya?
Kung ano-ano lang pinag-uusapan namin habang nandito kami sa kainan. Madaming naka-tingin saamin. Mga artista din sila. Alam ko. Pero sinabi saakin ni Garett na mas madugo daw dito sa Western. Binabayaran daw ang mga tao dito para mag-patayan. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
Lahat ng tao dito ay may baril kaya naman hindi mo talaga malalaman kung bigla ka nalang babarilin
"Bago kayo?" May isang babae ang lumapit saamin. Blonde ang kaniyang buhok at naka-suot sya ng cowboy hat. May baril din na naka-sukbit sa kaniyang belt at naka-suot siya ng vest na gawa sa balat ng hayop."Oo." Sagot ni Chloe habang naka-ngiti.
"Well. Hindi kayo makaka-tagal." Naka-ngiting sabi ng babae. "Mamatay din kayo."
"What the fuck did you just said?" Patayo na sana si Chloe pero pinigilan siya ni Rain.
"Totoo. Mamamatay kayo. Limang bwan na ako dito pero isang bwan bago ko matanggap ang kapalaran ko. Kailangan naming mag-patayan kung hindi kami ang mamamatay."
"Paanong kayo ang mamamatay kapag hindi kayo pumatay?" Nag-tatakang tanong ko.
"Kada isang linggo, may mga lalaking pumunta dito na may dalang listahan kung sino ang mga hindi pumatay. Hahanapin nila ito at papatayin. Ang mga naka-patay naman ay babayaran ng pera para magamit sa mga pangangailangan dito." Naintindihan ko na. Iba ang patakaran nila dito. "Mukang hindi kayo nanggaling sa parte na ito, tama ba ako?"
"Oo. Tama ka. Galing kami ng Fairytale part." Sabi ni Garett.
"Paano kayo naka-punta dito?" Walang sumagot. "Ahh. Alam ko na. Sa maze? Tama ba ako?"
"Paano mo nalaman?" Sabi naman ni Glimmer.
"May mga tao narin na galing ng ibang parte ng maliit na isla na ito. Kwinento nila saamin na ng malaman nila na isang Eksperimento at Libangan lang ang lahat na ito, tinangka daw silang patayin. Pero ng mapunta sila dito, wala nang humabol sa kanila. Siguro ganoon ang patakaran dito. Kapag nasa ibang lugar ka na, hindi ka na hahabulin."
"Napaka-kumplekado." Sabi ko.
"Tama ka. Alison ng pala." Inilahad niya ang kamay niya saakin. Tumingin muna ako kay Garett na parang nag-tatanong kung dapat ko ba siyang pagka-tiwalaan. "Huwag kang mag-alala. Di ako traydor." Wala na akong nagawa kung hindi ang ilahad ang kamay ko at nagkamayan kami.
"Nakahanap na ako ng lugar." Nagulat kami ng biglang pumasok si Raphael. Tumingin muna siya kay Alison bago tumabi saakin.
"Magaling. Mauna na ako. Magkita tayong muli." Tinanguan niya kami at naglakad na paalis.
"Sino 'yun?" Tanong ni Raphael.
"Si Alison. Nakipag-kaibigan siya saamin at kwinento niya kung ano ang patakaran sa lugar na ito." Sagot ko.
"Oh. Alam niyo narin pala." Nanahimik ang lahat. "Ang bahay na pansamantala nating titirhan ay may bayad. I guess, kailangan nating gawin iyong patakaran nila."
"What?" Biglaang tanong ni Rain.
"Shut up. Wala na tayong magagawa. Papatayin nila tayo kung hindi tayo papatay. Masisira ang plano natin." Nararamdaman kong hindi maganda ang kakahantungan nito kaya naman pinigilan ko na sila. "Tara na. Ipapakita ko sa inyo ang bahay." Tumayo na kami at lumabas na kami sa kainan na iyon at nag-lakad na.
Di pa man kami nakaka-layo ay may narinig na kaming putok ng baril at ng isang sigaw. Ito na nga. Papatay para hindi mamatay. Magaling.
Huminto kami sa isang bahay na gawa sa kahoy. Hindi ito gaanong malaki pero hindi rin maliit. Binuksan ito ni Raphael at pumasok na kami. Maganda ang loob ng bahay. Kumpleto sa gamit. Umakyat ako at nakita kong tatlo lang ang kwarto. Masama ito. Anim kami. Kailangang mag-hati sa isang kwarto.
"Okay. Ganito ang hatian sa kwarto. Kami ni Natalie dito sa kwartong ito." Turo ni Raphael sa isang kwartong nasa dulo. Di ko ito kinagulat dahil inaasahan ko na ito. "Garett at Glimmer, kayo doon--"
"What? Hindi ako matutulog kasama yan!"
"Yep. At ayaw ko din sa iyo. Mas mabuti pang kami nalang nitong bago ang magkasama kaysa nakaka-asar na tulad mo." Tinutukoy ni Garett si Rain.
"Bahala ka. Basta kami ni Chloe sa kwarto" sabi ni Glimmer. Napa-buntonghininga nalang ako dahil sa bangayan nila.
"Magpahinga na tayo, Natalie." Binuksan ni Raphael ang pinto ng kwarto namin at pumasok na ito. Sumunod naman ako dahil pagod na talaga ako at gusto kong matulog. Humiga na ako sa kama at pumikit. Naramdaman ko naman na humiga narin si Raphael.
"Naalala ko nung una kitang nakita. Alam kong napaka-espesyal mo, Natalie Schwartz. Di ko akalain na may isang babae pala ang napaka-espesyal. Mula nang araw na iyon, sayo lang tumibok ang puso ko. Mahal na kita simula nung araw na iyon, Natalie." Idinilat ko ang mata ko.
"Mahal din kita, Raphael." Nag-dikit ang aming mga labi at dumaloy ang milyon-milyong bultahe ng kuryente papunta saakin. Mahal na mahal kita, Raphael Pryor.
--

BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...