Kabanata 21

2.1K 55 6
                                    

Sumenyas si Raphael ng 'tahimik' at nag-tago kami sa likod ng isang malaking pader. Narinig namin ang mga nag-tatakbuhang gwardya at mukang hinahanap na nila kami. Huminga muna kami ng malalim bago ulit tumakbo. Napaka-laki ng lugar na ito. Ipinagdarasal ko lang na hindi kami mahuli.

"Alam mo ba kung pano makalabas sa isla na to?" Tanong ko habang tumatakbo kami.

"Oo. Pero dadaanan muna natin ang Western at Medival part dahil itong lugar na kinalalagyan natin ngayon ay nasa gitna ng isla." Kinabahan ako sa sinabi nya. Madami pa palankaming dadaanan bago maka-labas dito.

"Saan kayo pupunta?" Natigilan kami ng marinig namin ang boses ni Garett.

"Tara na, wala na tayong oras." Hinila ni Raphael si Garett.

"Bakit?" Naguguluhang tanong nito.

"Nalaman na nila Natalie ang totoo." Tumango si Garett at tumakbo na kasama namin. Naguguluhan ako. Akala ko magkaaway sila?

"Dito tayo!" Sigaw ni Garett at lumiko kami sa isang pasilyo. Napaka-dilim dito pero pumasok nalang kami. "Kailangan nating bilisan! Baka isarado nila ang buong palasyo!" May naririnig akong lagaslas ng tubig at nararamdaman ko rin na basa na ang laylayan ng suot kong damit.

May nakikita na akong liwanag sa dulo. Ng makarating kami doon, agad na nalag-lag ang panga ko. Isang mataas na talon na ang nasa harapan namin. Sa baba nito ay ang perpektong kulay Asul na tubig.

"Talon!" Nauna na si Garett. Pagkatapos ay si Chloe, Glimmer, Raphael, at ako na. Naramdaman kong pumalo ang hangin sa aking muka. Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman ko ang malamig na tubig.

Narinig namin ang napaka-lakas na tunong ng sirena na nanggagaling sa palasyo. Narinig rin namin na sinara na nila ang lahat ng pwedeng daanan palabas. Buti nalang at naka-labas agad kami. Lumangoy kami patungo sa pang-pang at nagpatuloy sa pag-lalakad.

"Raphael, akala ko magka-away kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ang totoo, magkapatid kami ni Garett." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Nasa script lang namin na mag-away kami."

"P-paano nyo nalaman ang trabaho na ito?"

"May nagsabi saamin na may Agency daw na nag-hahanap ng mga artista. Nag-audition kami at natanggap kami dito. Hindi namin alam na sa isang eksperminto pala ng gobyerno kami magta-trabaho." Paliwanag nya. Tumango nalang ako.

"Ano yung sinabi ni Kristoff nung una? Na kapag manalo ang isa saamin, masasagot ang lahat ng katanungan nya?"

"Totoo yun. Alam ni Kristoff ang lahat tungkol sa inyo dahil ibinigay ni boss sa kanya ang lahat ng impormasyon tungkol sa inyo."

"Sino ang boss nyo?"

"World's president."

"Ano? A-anong world's president?"

"May isang sikretong organisasyon kung saan miyembro ang lahat ng presidente sa buong mundo at ang kanilang mga Mafia. Nag-takda sila ng isang leader na gagabay sa kanila at ito ay ang world's president."

"Nakita mo na sya?"

"Hindi pa. Ni hindi namin kilala kung sino ang president na iyon."

Hanggang ngayon, gulong-gulo parin ako sa mga sinasabi ni Raphael pero patuloy lang ako sa pag-lalakad. Napansin ko na panay ang titig ni Garett kay Chloe. At si Chloe naman, panay ang ilag sa mga tingin ni Garett sa kanya.

"Dito na muna tayo." Turo ni Garett sa isang kweba. "Sigurado ako na walang camera dyan." Pumasok na kami dito at ininspeksyon muna nila Raphael ang buong lugar kung may camera ba. Ng masigurado nila na walang mga camera, doon kami nag-pahinga. Gumawa sila Garett ng apoy at humuli ng makakain namin.

"Anong plano?" Binasag ni Glimmer ang katahimikan.

"Ngayong wanted na tayo sa World government, kailangang hindi tayo magpa-huli sa kanila, kung hindi, patay tayo. Kapag nalampasan na natin ang Western at Medieval, makakarating tayo sa isang lugar na tinatawag na dropzone. Dito ibinababa lahat ng supply galing sa isang helicopter. Sasakay tayo sa isang helicopter ng walang nakaka-alam at malaya na tayong makaka-labas dito." Hindi ko alam pero, parang delikado ang plano ni Garett. Tsaka mukang maraming maaring mangyari.

"Sa tingin ko, hindi gagana iyan." Sabi ko.

"Pano mo nasabi?"

"Anong gagawin natin pag-lapag ng helicopter? Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin nun. Mamaya, baka sa base pala ng World government tayo mapunta." Paliwanag ko.

"May iba ka pa bang ideya, sweetheart?" Lumapit siya saakin.

"Hey dude, back off." Humarang si Raphael.

"Relax. Relax lang bro. Masyado kang seloso." Tumawa si Garett.

"May cellphone ba kayo?" Tanong ni Chloe.

"Wala. Naiwan namin sa palasyo." Sagot ni Garett.

"Mag-pahinga na tayo." Sabi naman ni Glimmer. Nag-hanap na kami ng kumportable na pwesto para matulog. Pinatay namin ang apoy para hindi kami makita sakaling may nag-iikot para hanapin kami.

"Raphael..." Bulong ko. Katabi ko lang syang matulog.

"Bakit?"

"A-alam mo ba kung nasaan na ang Tita ko?"

"Wala kaming alam sa pinanggalingan mo. Ang alam ko lang ay dinala kayo dito. Tapos. Lahat ay scripted simula pa noong umpisa." Tumitig siya sa muka ko. Napaka-gwapo niya talaga.

"Paano na ang trabaho niyo?"

"Hindi ko rin naman ginusto ang trabaho na ito. Kaya lang ako hindi umalis dahil malaki ang sahod at may makilala akong isang babae na nagustuhan ko." Biglang lumipad ang mga paro-paro sa tyan ko. "At ang babae na iyon, ay nasa harap ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Gusto kita simula pa nung una, Natalie."

Inilapit niya ang muka nya sa muka ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Nag-dikit ang aming mga labi. Ang tamis ng labi niya at napaka-lambot. Hindi ako makagalaw noong una at hindi ko alam ang gagawin dahil wala pa akong karanasan dito. Di nag-tagal, ginantihan ko din ang halik niya at ginalaw ko rin ang labi ko.

"Gusto din kita, Raphael."

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon