Kabanata 28

1.5K 40 3
                                        

Nanlamig ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naramadaman ko nalang na tumulo ang luha ko.

"Nasaan siya?" Wala sa sarili kong tanong kay Rain.

"Ginagamot na ni Shiva. Tara, Natalie." Wala ako sa sariling sumunod kay Rain, habang naglalakad kami, marami parin ang nag-aaway at nagpapatayan. Pero, wala na akong pakialam. Ang importante saakin ngayon ay si Raphael.

May sumugod saaking isang lalaki at walang ano-ano ay sinuntok ko siya sa muka. Nag-dugo ang kaniyang ilong at napa-higa siya sa lupa. Inis na inis ako kaya hinampas ko pa sa kanya ang hawak niyang pana.

Nang makarating kami sa opisina ni Shiva, nakita ko kaagad ang walang malay na si Raphael na naka-higa sa isang lamesa. Napa-luhod nalang ako sa lupa dahil sa kaniyang kalagayan. Sinapo ko ang muka ko dahil punong-puno na ito ng luha.

"Magiging maayos na siya. Pero hindi natin alam kung kailan siya gigising dahil may lason ang palaso na tumama sa kaniya." Tinapik ako sa balikat ni Shiva bago lumabas. Tinabihan ko si Raphael at niyakap ko siya habang umiiyak. Nag-aalala talaga ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Rain, bantayan mo muna si Raphael."

"Bakit?" Nginitian ko lang siya bago lumabas ng opisina ni Shiva. Kumuha ako ng isang itak. Mag-babayad kayo sa ginawa niyo kay Raphael.

Tuloy-tuloy parin ang away sa pagitan ng dalawang tribo pag-labas ko. Nakisali rin ako sa kanilang laban. Panay ang aking suntok at sipa. Marami pa sila. Paunti na ng paunti ang mga lumalaban sa aming tribo. Mas lalong nag-init ang mga kamay ko dahil dito. Durog ang mga bungo ng kung sino man ang sumusugod saakin.

Hiwa ang mga kamay o di kaya may sak-sak sila galing sa itak na hawak mo. Walang ibang laman ang isip ko ngayon kung hindi galit. Marami rin akong napatay. Marami akong nasaktan. Ilang oras ding lumipas ang madugong labanan hanggang sa sumuko na sila.

"Tama na, Hija." Nasa likod ko na pala si Shiva.

"Hindi ka parin nag-babago, Shiva." Isang malalim na boses ang umagaw sa aming atensyon.

"Matagal din tayong hindi nag-kita, Guiles." Naka-ngiti si Shiva. Isang nakaka-lokong ngiti. Pinapunta niya ako sa likod niya at sila ang nag-usap ni Guiles.

"Unang pag-atake palang ito, Shiva. Marami pa ang susunod." Ngumiti si Guiles at umalis na kasama ang kaniyang mga ka-tribo.

"Sino iyon, Shiva?" Tanong ko.

"Si Guiles. Ang lider ng Manhalakru." Tumalikod na si Shiva at lumakad na papunta sa kaniyang opisina. Punong-puno ako ng dugo ngayon at sobrang dumi ko na. Bumalik muna ako sa Kubo namin ni Raphael para mag-linis at pagkatapos ay bumalik na ako doon sa opisina ni Shiva. Nandoon na ang mga kaibigan namin, binabantayan si Raphael.

"Gising na, Bro. Kailangan ka ni Natalie" Sabi ni Garett sabay tapik sa balikat ni Raphael.

"Ayos ka lang, Natalie? Nakita namin yung ginawa mo kanina." Sabi ni Chloe.

"Oo ayos lang ako."

Ilang araw pa ang lumipas, hindi parin nagigising si Raphael. Palagi lang akong nasa tabi niya at hindi ko siya iniiwan. Palagi ring pumupunta dito ang aming mga kaibigan. Napag-pasyahan ni Shiva na sa kubo nalang namin si Raphael para mas matutukan ko. Inilipat nila doon si Raphael. Tulog pa din siya.

Naluluha ako habang tinitingnan ko si Raphael. Ang sabi niya ay mag-iingat siya. Pero bakit ngayon, siya naman ang napahamak. Hinawakan ko ang kaniyang buhok at pinagmasdan ang kaniyang perpekto na muka. Namamangha talaga ako sa pagka-perpekto ni Raphael.

"Raphael... Gising na... Ang tagal ko nang nag-aantay..." Lumuha nanaman ako. Hindi ko maipaliwanag kung anong sakit ang nararamdaman ko ngayon. Ilang saglit pa, naramdaman ko nalang na bumibigat na ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako

Idinilat ko ang mga mata ko at wala na si Raphael kinahihigaan niya. Kinabahan ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagulat ako ng bigla nalang may yumakap saakin mula sa likuran. Naramdaman ko din na hinalikan niya ako sa batok at sa tainga.

"Raphael..." Sabi ko sa kaniyang pangalan. Naluluha nanaman ako.

"Ako nga, Natalie. Wag ka nang umiyak."

"Bwisit ka pinakaba mo ako!" Pinag-hahampas ko siya at natawa lang siya.
"Sorry. Kanina pa ako gising. Hindi nalang kita ginising kasi baka pagod ka pa." Ngumiti siya. Iyon ang ngiti na nakapag-pahulog saakin araw-araw.

"Ipangako mo na hindi ka na matutulog ng ganoon katagal."

"Pangako." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

--

Buong araw ay wala kaming ginawa kung hindi ang mag-kulitan at ang mag-saya. Nakakabangon narin ang aming tribo at natatayo nang muli ang mga gusali na nasira.

"Natalie! Punta tayo sa ilog na sinasabi nila!" Yaya pa ni Alison. Hinila ko na si Raphael para sumama na siya. Kumpleto nanaman kami. Ako, si Raphael, si Garett, si Chloe, si Glimmer, si Alison, si Rain.

Namangha ako sa ganda ng ilog. Mayroon din palang isang magandang bagay sa sira-sirang lugar na ito.

Tumalon na ang mga lalaki sa tubig at nag-tampisaw na sila. Nag-hubad narin sila Alison at tumalon narin sa tubig.

"Tara na, Natalie!" Anyaya ni Glimmer na sinangayunan naman ng iba. Wala na akong nagawa kung hindi ang mag-hubad. Mag suot naman akong swimsuit kaso hindi ako sanay na tinititigan ang katawan ko. Inasar ako nila Garett at sinabi nila na maganda daw ang katawan ko.

"Wag nyong titigan kung ayaw nyong dukutin ko isa-isa ang mga mata niyo! Ako lang ang may karapatang tumitig kay Natalie!" Bulyaw pa ni Raphael kila Garett. Lumusong narin ako sa tubig at lumapit sa kaniya.

"Hwag masyadong mainit ang ulo, Prinsipe." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Kung gano'n, Ms. Schwartz, huwag mong ipakita sa kanila ang katawan mo. Akin ka lang. Di pwedeng may nakakakita sa katawan ng mahal ko." Kinilig ako sa sinabi niya at lumipad ang milyon-milyong paro-paro sa tyan ko. Pakiramdam ko rin ay namula ang muka ko dahil sa sinabi niya.

"Sus. Tama na yan, prinsipe." Tumawa ako at binasa ko si Raphael. Gumanti rin sya at bago ko pa namalayan, lahat kami ay nag-babasaan na.

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon