"Gusto mo bang Makarinig ng isang magandang Kwento?" Ngumiti sya sakin ng sinabi ko iyon.
"Opo gusto ko po, Ano pong kwento?" Magalang na tanong nya sakin.
"Maupo ka dito.." At sinunod nya naman, Umupo sya sa upuan sa tabi ko at Nakinig.. "Nangyari ito, Maraming taon na ang Nakalipas.."
Ako lang at ang nakikinig sa leksyon namin, lahat kasi ng mga kaklase ko nakikipag-kwentuhan, kung hindi sila nakikipag-kwentuhan, tulog naman sila, hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginagawa nila sa pera na binibigay sa kanila ng mga magulang nila pero sayang yun dahil sa pagpapaaral ng mga magulang nila, hindi nila alam na hindi nakikinig ang mga anak nila dito sa iskwelahan.
Tiningnan lang ng guro namin ang lahat ng mga kaklase ko at hindi na nya tinuloy ang klase at umupo nalang sya sa kanyang upuan malapit sa kanyang table, bakas ang pagkadismaya sa muka nya dahil sa nikikita nya na hindi nakikinig ang mga estudyante nya, napa-buntonghininga sya at pinagmasdan lang kami, ito nanaman kami, kahit na ang section namin ang tinitingala ng ibang section, may mga mali parin sa ugali namin.
"Natalie! bilis dito, makipag-kwentuhan ka naman samin, ikaw lang yung tao dyan oh!" hindi ko napansin na gumawa na pala ng isang pabilog na hugis ang mga kaklase namin gamit ang mga upuan upang makipag-usap sila, ako nalang pala ang taong natitira dito, hindi ko gustong magkaroon ng mga tunay na kaibigan dahil alam kong masasaktan lang ako pag lumipat ultit kami ng bahay, palipat-lipat kami ng bahay simula ng namatay ang mga magulang ko,wala na akong nagawa kung hindi lumapit sa kanila at sumali sa usapan nila, tutal mukang wala namang interes magturo ang teacher namin ngayon.
Kung ano-ano lang ang pinag-usapan, tungkol sa magiging graduation, tungkol sa mga tatahakin naming landas, ako, hindi ako gaanong nagsasalita dahil alam ko na hindi naman ako makaka-kolehiyo, ang magiging trabaho ko ay kasambahay o labandera lang, matagal ko ng niyakap ang mga mangyayari sakin, para hindi na ako masaktan sa panahon na iyon,
Napansin ko na dumaan na ang ilang subject at wala paring pumapasok na teacher, kaya naman patuloy parin sa pag-uusap ang mga kaklase namin.
"Uy! Natalie! Natalie Schwatz! Ikaw na! anong magiging course mo pag-college natin?" bigla akong nagulat ng tanungin ako ng isa kong kaklase, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi naman talaga ako mag-kokolehiyo,"Wala, mukang hindi na ako magco-college"
"Ha? Bakit naman?"
"Una kasi, palipat-lipat kami ng Tita ko ng bahay kaya wala kaming matinong trabaho, pangalawa, hindi na talaga kaya ni tita ang pagpapaaral sakin sa kolehiyo at pangatlo naman, Tutulungan ko na ang tita ko na magtrabaho para naman may kitain din akong pera at makatulong sa mga gastusin namin"
"ahh.. alam mo, Natalie, kahit pinagkaka-tuwaan ka namin dito sa klase kahit na binu-bully ka namin, Hanga talaga kami sayo, masipag ka, matalino, maganda, kaya ka lang naman namin binubully dahil Loner ka, palagi kang mag-isa at wala kang kaibigan sa klase.."
Natuwa ako sa sinabi nya dahil yun lang naman pala ang problema sakin, ang pagiging mapag-isa ko.
"Ahh.. Thank you, akala ko kasi May deperensya na sa itsura ko kaya nyo ko pinagkakatuwaan eh, yung pagiging loner ko lang pala ang problema" nahihiyang sabi ko sa kanila, natuwa naman sila sakin,
"Anong may deperensya sa itsura mo? Natalie! ang ganda mo kaya, iniisip nga ng mga lalaki nating kaklase na ikaw ang i-date sa prom eh, nainggit nga kami sayo kasi ang ganda mo, pinag-aagawan ka ng mga lalaki, hindi mo na kailangan mamroblema kung sino ang isasama mo sa prom kasi lahat ng lalaki dito, gusto ikaw ang maka-date, mamimili ka nalang sa kanila."
"hindi ko yun alam ah.. hindi ko nga alam kung pupunta ako ng prom dahil wala talaga akong gown na isusuot, wala nga rin akong pambili ng make-up eh, ang plano ko sa araw ng prom ay maghahanap lang ako ng Trabaho, yun lang para matulungan ko tita ko."
Nagkatinginan sila nung sinabi kong hindi ako pupunta sa prom.
"Huh? Hindi pwedeng hindi ka pumunta ng prom Natalie, parang sinabi mo na din na ayaw mong mag-highschool, ganito nalang gagawin natin, mag-aambagan kami para sa Gown mo, kami ng mga girls bahala sa makeup mo, wala ka ng poproblemahin , kailangan mo nalang mamili kung sino yung magiging date mo."
"Talaga? Wag na! nakakahiya naman sa inyo kung kayo pa sasagot ng Gown ko at ng makeup, nakakahiya, wala man lang akong natulong sa inyo"
"Isa Natalie, pag ikaw umayaw, naku!"
napangiti nalang ako dahil kahit ganito pala ako, gusto akong makasama ng mga kaklase ko sa prom, Nakakatuwang isipin na pupunta ako sa prom
"Teka, kalian nga ba yung prom?" bigla kong natanong kasi hindi ko talaga alam kung kalian yun at dati ay wala talaga akong balak na pumunta ng prom na iyon, salmat talaga sa mga kaklase ko dahil mararanasan ko ang prom.
"Sa Friday" Bigla kong natandaan na Miyerkules pala ngayon, may dalawang araw pa bago ang prom, at malapit na ang Graduation
"ah sige, teka, pupunta nalang kayo sa bahay para sa gown ko at para sa makeup ko? Naku wag na.."
"Who says pupunta kami sa bahay nyo? Sasamahan ka namin bukas bumili ng gown at sa Friday sabay-sabay na tayong magpapa-makeup sa parlor"
"ah.. salamat talaga ah.. mararanasan ko na din ang prom"
"Wala yun ano ka ba!" at nagtawanan kami
--
"Tita! Nandito na ko!"
At mukang walang tao sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto namin ni Tita, maliit at kwadrado lang ang bahay namin, parang isang kahon at nire-rentahan lang namin ito at 3 buwan na kaming walang bayad sa renta ng bahay.
At mukang mapapalayas namin anumang oras ngayon.
"Natalie! nandito ka na ba?" narinig ko ang boses ni Tita sa labas ng kwarto.
"Opo tita! Kadadating ko lang din" at lumabas na ko sa kwarto at nakita ko syang mukang dismayado ang muka, hindi naman sya ganito, karaniwan syang nakangiti pag umuuwi kahit na pagod sya sa trabaho at wala syang kita.
"Natalie, may masama akong balita." Iyon pala ang dahilan kung bakit sya naka-simangot at mukang dismayado ang muka,
"Ano naman yun, Tita?"
"Papaalisin na tayo dito sabi ng Landlord, Mayroon tayo hanggang Friday." At napabuntong-hininga sya.
"Ha? P-pano yun? Pano ang prom ko? Pinipilit ako pumunta du'n ng mga kaklase ko, Siguro, hindi nalang ako pupunta ng prom." Nadismaya din ako sa sinabi nya dahil hindi ako makakapunta ng Prom.
Sayang, akala ko pa naman mararanasan ko yun kahit na isang Beses man lang, hindi pala.
"Ha? Sino nagsabing di ka pupunta ng Prom nyo? Natalie! pumunta ka du'n, ako na bahala sa bago nating malilipatan, sige na, gusto kahit nag a-graduate ka na, maranasan mong maging Highschool dahil puro trabaho ang inaatupag natin, nakalimutan mo na magsaya Natalie, at proud ako sayo dahil Hard working ka, sigurado akong pati ang mga magulang mo sa langit proud din sayo. Kailangan mong pumunta Natalie, sige na."
"Sige tita! Salamat talaga! Plano ko kasi sa Friday mag-hahanap ako Trabaho, pero pinilit nila ako kaya naman pupunta na ako, nahihiya nga ako kasi Ililibre nila ako ng Gown at ng Makeup, mag-aambagan para sakin"
"Hayaan mo na yun Natalie, sige na, pumunta ka na sa prom nyo,"
"Salamat tita."
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...