Kabanata 5

3.9K 96 7
                                    

Saktong 6:00 ng makalabas ako sa banyo, hindi ko alam ang kaba na nasa loob ko, parang gustong kumawala ang puso ko mula sa dib-dib ko, hindi lang prom ang inaalala ko ngayon, Inaalala ko rin ang kaligtasan naming dalawa ni Tita, Kinakabahan ako, paano kung habulin nila ako mamaya? Paano kung habulin nila ako mamaya? Paano kung madamay si Rain dito?

"Tita, Aalis na po ako.." Paalam ko, napukaw ko ang atensyon ni tita at saakin na sya ngayon nakatingin, hindi lang tingin, tulala sya sakin, kinaway ko ang kamay ko sa harap ng mata nya at doon na sya natauhan.

Pumikit-pikit sya ng ilang beses at ngumiti, hindi sya nangangalay sa kanyang pag-ngiti, gandang-ganda sya sakin habang nakatingin sya.

"A-ang ganda mo Natalie! Kailangan natin ng Picture!" Inilabas ni tita ang kanyang mumurahing cellphone at binuksan ito, Itinapat nya ito saakin at pinicturan ako, sunod na iniharap nya saming dalawa ang camera, Pinundot nya ito at kumuha ng letrato, kahit na ganito lang kasimple ang pamumuhay namin, Masaya parin Dahil  kasama ko si Tita,

"Oh sya sige na Natalie! Pumunta ka na dun! Baka nag-aantay na ang Escort mo!" Napangiti ako, pagkatapos ay niyakap ko sya ng mahigpit at naramdaman ko ang pagmamahal nya.

"Salamat tita ha, sa lahat.." Simpleng sabi ko, naramdaman ko syang ngumit habang naka-yakap ako sa kanya.

"O sya sige na, wag ng gaanong ma-drama Natalie.." Kumalas na ako sa kanya at lumabas na ako ng bahay, at iyon ang ikinagulat ko, Maraming tao, Nakakagulat at nakakahiya, napatingin sila sakin, habang naglalakad ako, ramdam ko na maraming mata ang nakatingin sakin.

May mga nagbubulungan pa na naririnig ko: Sya ba si Natalie? ang ganda nya, ang ganda ni Natalie no? At kung ano-ano pang mga puri, napangiti ako.

Ang saya din pala kahit may mga problema ako, naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa Park, nandun sya, sya lang mag-isa, nakaupo sa swing,

"Rain!" Bati ko sa kanya at kumaway ako, nakuha ko ang atensyon nya at gumuhit sa muka nya ang isang napakalaking ngiti, naglakad na ako papalapit sa kanya at napansin ko ang suot nya, ang gwapo nya, pormal ang suot nya, pero may napansin ako, Naka-amerikana sya, Pero ang pantalon nya, Fit na fit na Black pants, hindi sya yung karaniwan, hindi sya pormal, may Hiwa din sa bandang tuhod at kita ang balat nya sa banda doon, Ripped jeans ata ang tawag dun, ang sapatos nya naman ay balat, ang ganda ng ayos nya,

"Anong ginawa mo kay Natalie?" Parehas kaming tumawa dalawa.

" Pero seryoso, Natalie, Sobrang ganda mo ngayon, at alam ko na ikaw ang pinaka-magandang babae sa prom ngayon" Nagulat ako ng hinaplos nya ang buhok ko,

"Wow, ang ganda ng kulay, I love you--Este it, I love it" Napangiti nalang kami pareho,

"Tara na?" Tanong nya, tumango ako, naglakad kami paalis ng park pero huminto kami sa isang kulay puti na kotse, 

"Come in.." sabi nya, akala ko maglalakad kami, hindi pala, pumasok na ako sa kotse, ang ganda, may Driver pa.

Napaka-espesyal talaga nitong araw na ito para sakin. Parang isang panaginip lang ang lahat, unang-una, dahil sa itsura ko, hindi ko alam na pwede palang maging ganito ang itsura ko kahit minsan lang, pangalawa, ang gown ko, ang ganda ng gown ko, bagay na abagy ito saaki dahil kulay black ito at maputi ako, kung tutuusin, muka akong mayaman, pangatlo, si Rain, Ang sayang isipin na ang pinaka-sikat na lalaki sa school namin ay magiging Escort ko sa prom. Perpekto ang lahat.

Tumingin ako sa rear view mirror ng sasakyan, parang bigla nalang lumukso ng tibok ang puso ko, pabilis ng pabilis na parang kumakarerang kabayo na ang pintig nito, Itim, ang mga kulay itim na kotse, medyo malayo naman sila samin pero alam kong kami ang sinusundan nila, hindi to pwede, kahapon, si Chloe, yoko ng madamay si Rain dito, ayoko. Hindi pwede.

"Uhm, Rain, pwede bang pabilisan ang takbo?" Maamong tanong ko sa kanya.

"Bakit? May problema ba?"

"Uhm, kasi, kailangan kong mag-cr ehh" palusot ko sa kanya, tumango naman sya

"Oh sige, manong, pwede pong pakibilisan ang takbo?" At pinabilis ng nagmamaneho ang takbo ng kotse, pero hindi parin yun sapat, nakikita ko parin ang kotse ng mga lalaking iyon, Mas pinabilisan din nila ang takbo ng kotse nila, hindi to pwede.

Nasa highway na ang kotse na sinasakyan namin, madami ng mga sasakyan at malapit narin sa school namin,tumingin ulit ako sa rear view mirror at bigla nanaman akong kinabahan, nakasunod parin saamin ang kotse, hindi, dalawa na sila ngayon.

Hindi na ako mapakali, ilang minuto pa at nasa school na kami, ang daming nakaparada na sasakyan, mukang nirentahan lang ito ng mga kaklase ko.

Inihinto na ang sasakya, Lumabas na si Rain ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto, Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas, binigyan ko si Rain ng isang magandang ngiti, Lumabas na ako ng sasakyan at gaya ng inaasahan kong, ang daming nakatingin sakin, ang dami, halos lahat nakatingin sakit at nagbubulungan.

Hindi ako sanay sa sapatos ko. Pinahiram ito kanina sakin ng kaklase namin, kulay itim din ito, 5 inch ang taas at hindi ako gaanong makalakad ng maayos dahil dito, inilahad ni Rain ang braso nya sakin at kinapitan ko ito, pero bago kami tuluyang makpasok ng school, tumingin muna ako sa Likod.

*DUG~DUG*

Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang kaba, pumarada ang dalawang itim na kotse sa kabilang banda ng highway at walang lumalabas na tao dito, hindi ito maari, inaantay nila ako, tuluyan na kaming nakapasok at hanga ako sa ganda ng lugar, pakiramdam ko ay nasa ibang panahon ako, ang disenyo nito ay parang fairytale, ang ganda. Ito lang ang salitang masasabi ko, may kumayaw samin ni Rain, si Chloe, umupo kami doon at lahat ng mga kaibigan namin ay nandoon.

"Natalie! ikaw ba 'yan? Ang ganda mo!"

"Salamat" napangiti ako. Kahit na may problema ako, hindi ako pwedeng huminto sa buhay. Nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan akong nandyan para sakin. Saktong 7:00 ng gabi, nag-umpisa na ang program, ang dami naming ginawa, may kainan din at masasarap ang pagkain, habang kumakain kami, Pina-boto na kami kung sino ang magiging King at Queen ng prom ngayong taon at sa pagkagulat ko, kasali kami ni Rain sa pagbobotohan.

"Kayo ang iboboto namin." nasamid ako ng may magsabi nun, napatawa lang sila dahil sa reaksyon ko, pero bago sabihin kung sino ang nanalo, sumayaw muna kaming lahat. Nasa gitna kami ni Rain at mukang kami ang iniidolo ng lahat ng tao dito ngayon dahil samin sila nakatingin.

"Alam mo, Natalie, Matagal na kong hanga sayo, Hanga ako sa katatagan mo kahit na may problema ka. May gusto sana akong ipagtapat sayo.."

"Uhm, ano yun?

"M-may Gusto-"

"OKAY! So sino kaya sa tingin nyo ang King at Queen ng Prom 2016?" Sa gulat ko, lahat napatingin samin, "So! Without further Words! Let's announce the King and Queen!" At lahat naghiyawan ng sinabi iyon ng emcee

"3.2.1, The Queen, of Prom 2016 is! Nata-"

*BANG!*

Yumuko at nagsigawan ang lahat ng tao ng marinig namin ang putok ng baril na iyon, parang lumukso ang tibok ng puso naming lahat, umalingaw-ngaw ang malakas na putok ng baril na iyon, Nakadapa na kaming lahat, walang nagsasalita, bigla nalang may humawak sa kamay ko, ng tiningnan ko kung sino iyon, si Rain, hawak-hawak nya ang kamay ko. Sa gilid ko naman ay si Chloe na naluluha na, sigurado akong kinakabahan sya, kahit na alam kong mangyayari ito, hindi ko parin maiwasan na hindi kabahan, Kabang-kaba na baka kung ano ang mangyari,

"Ehem!, Hindi na namin ito papatagalin para hindi na kayo kabahan, kailangan lang namin si Natalie Schwartz at aalis na kami agad.." Narinig naming lahat ang isang malamig na boses na galing sa Stage, sumilip ako doon at nandoon ang 10 lalake, lahat sila ay may hawak na mahahabang baril, hindi ko Makita ang muka nila dahil may Facemask at Shades sila. "Sige na... ilabas nyo na si Schwartz o kung gusto nyong may masaktan dito ngayon ha?" At pinakawalan nanaman nya ang isang napakalakas na putok galing sa kanyang baril, nagulat kaming lahat, kinakain na kami ng kaba ngayon,

"Nandito sya! Nandito si Natalie Schwartz!" May biglang sumigaw galing sa kabilang table, hindi namin kilala kung sino yun, bigla akong binalot ng kaba at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Rain.

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon