Nagising ako at muka ni Raphael ang bumungad saakin. Gising na siya ngunit naka-higa parin at naka-tingin lang sa mga mata ko. Nahuhulog ako sa magaganda niyang mata. At ang kaniyang labi na napaka-lambot.
"Good morning" naka-ngiting sabi niya.
"Good morning din." Sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.
"You're so beautiful."
"And you're so handsome kaya tumayo ka na diyan at kumain na tayo kasi nagugutom na ako." Natawa siya sa sinabi ko at tumayo na kami. Pero ng mapa-dako ang tingin ko sa hubad niyang katawan, bigla akong na-estatwa. Shit! Bakit ba kasi kami naka-hubad?
Namula ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Naalala ko ang bawat perpektong sandali ng pinag-samahan namin kagabi. Naging isa kami ni Raphael at hinding-hindi ko pinag-sisisihan na ginawa ko ito kasama siya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong niya dahil naka-titig lang ako sa katawan niya. "Gusto mo ulit?" Namula ako sa sinabi niya at hinampas ko siya. Natawa lang siya sa ginawa ko. Lumapit siya saakin at hinalikan ako. Isang malalim na halik iyon. Nahulog ako sa halik niya. Gumala ang kamay niya sa buong katawan ko. Nararamdaman ko nanaman ang naramdaman ko kagabi.
Inihiga niya ako sa kama at pinag-masdan niya ang katawan ko.
"Napaka-perpekto mo talaga." Sambit niya at aktong hahalikan na sana niya ako pero may biglang kumatok sa pintuan. Nakita ko ang pagka-inis sa muka ni Raphael kaya natawa nalang ako.
"Raphael! Natalie! Gising na! Kakain na!" Boses iyon na Alison.
"Sandali lang!" Sigaw ko. Tiningnan ko ulit si Raphael at natawa ako sa muka niya. Para siyang bata na inagawan ng candy. Nag-bihis na kami at lumabas na ng kubo. Sa labas ay may isang mahabang mesa na ang naka-latag at naka-palibot na doon ang mga kaibigan namin. Binati nila kami at nag-umpisa nang kumain.
"Magandang umaga." Napa-tingin kami kay Shiva na lumapit saamin. "Sasabihin ko na kung ano ang inyong mga trabaho. Si Natalie ay sa pag-tatanim, si Glimmer sa pag-lilinis, si Chloe sa pag-tuturo sa kabataan, si Alison naman sa seguridad ng ating tribo. Ang mga lalaki rin ay naka-toka sa pag-babantay ng mga lupain. Pumunta kayo sa opisina mamaya at ituturo namin sa inyo ang mga gagawin." Ngumiti siya at umalis na.
Nang malaman na namin ang mga gagawin namin, nag-umpisa na kaming mag-trabaho. Madali lang naman ang trabaho ko. Nag-tatanim lang at nag-didilig. Sila Raphael ay umalis para mag-bantay ng iba pang lupain ng tribo. Kulay pula parin ang langit. Sira-sira parin ang buong paligid ngunit nakakaya naman nila na mabuhay dito.
Bigla nalang umalog. Parang gumagalaw ang lupa. Isang lindol! Hindi ko alam ang gagawin ko dahil mag-isa lang ako dito ngayon na nag-tatanim. Napaka-lakad ng lindol na nagawa ako nitong pabagsakin. takot na takot akong kumapit sa kung ano man ang pwedeng makapitan.
"Natalie!" Narinig ko ang boses ni Glimmer sa kabila at parehas kami ng posisyon. Naka-hawak din siya sa kung ano man ang pwedeng makapitan. Unti-unting humina ang lindol hanggang sa mawala na ito. Nakahinga ako ng maluwag. Lumapit ako kay Glimmer para kamustahin siya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko. Tumango lang siya.
"Ang lakas nu'n." Sabi niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay isang patak ng dugo ang nakaagaw ng atensyon namin "saan yan nanggaling?" Unti-unting dumami ang pumapatak na dugo hanggang sa umulan na ng dugo. Tumakbo kami ni Glimmer dahil medyo masakit mapatakan ng ulan ng dugo. Mainit iyon ngunit hindi nakakasunog.
Napakalayo pa ng tribo. Sobrang layo pa. Pero ginawa namin itong takbuhin kahit na sobrang dami nang putik at dugo ang dumikit saaming katawan. Naaninag ko na ang village. Malapit na. Pero nang malapit na kami, bigla nalang nagdilim ang paningin ko.
"Natalie... Natalie... Gising na, mahal na mahal kita, Natalie... Hindi ka pa pwedeng mawala..."
Naririnig ko ang boses ni Raphael kaya dumilat agad ako. Nakita ko ang gulat sa kaniyang muka at punong-puno ng luha ang kaniyang muka. Walang ano-ano ay hinalikan niya kaagad ako. Nagtataka talaga ako sa kinikilos niya.
"Salamat sa dyos! Buhay ka, Natalie!" Tuwang-tuwa si Raphael habang umiiyak parin.
"Ha? Anong sinasabi mo? Buhay naman talaga ako ah?" Nag-tatakang tanong ko sa kaniya.
"Hindi mo ba alam?"
"Alam ang alin?"
"Na kapag nababad ka sa ulan na iyon, ay maari kang mamatay dahil sa mga kemikal at toxic na naka-halo sa dugo na ulan na iyon. Si Glimmer din ay muntik nang mawala. Maraming-maraming salamat sa diyos at naligtas ka!" Niyakap niya ako ng napaka-higpit.
"Ilang araw akong tulog?"
"Isang linggo."
"Kaya pala nagugutom na ako." Tawa ko pa. Ngumiti naman si Raphael at hinawakan ang kamay ko.
"Tara. May nakahain nang pag-kain sa labas. Almusal na." Bumango na ako at nakita ang ilang mga sugat sa katawan ko. Dala ito ng pagkadapa-dapa namin ni Glimmer. Lumabas na kami at naabutan na namin sila na kumakain.
"Oh Natalie! Gising ka na!" Masayang bati ni Alison at agad niya akong niyakap. Pati rin sila Chloe at Glimmer ay niyakap ako. May nga sugat rin sa katawan si Glimmer, pero mas marami ang sugat na natamo ko. Nag-umpisa na kaming kumain at kung ano-ano lang ang pinag-kikwentuhan namin ng may marinig kaming pag-sabog.
"Nandito na ang Flaming Arrows!" Nagka-gulo lahat ng marinig namin iyon. Sunod-sunod na pagsabog pa ang narinig namin at sobrang daming tao ang tumatakbo at sumisigaw.
"Dito lang kayo, Natalie. Lalaban kami." Sabi saakin ni Raphael at pinapapasok ako sa kubo nila Glimmer.
"Ayoko! Hindi pwede! Delikado, Raphael!"
"Magtiwala ka sakin, Natalie. Walang mangyayaring masama saakin." Hinalikan niya ako sa labi bago umalis. Kinandado namin ang pinto at nag-kulong kaming tatlo nila Glimmer, at Chloe sa loob. Sunod-sunod pa na pag-sabog ang aming marinig hanggang sa tumahimik ang buong paligid.
*bag!*
Biglang natumba ang pinto at nasira ito. Isang lalaking napakaraming tattoo ang nasa harapan namin ngayon. May hawak siyang itak. Dinilaan muna niya ang kaniyang labi bago dahan-dahang pumasok. Kinabahan ako. Naka-hawak lang sila Chloe at Glimmer sa isa't-isa. Sumugod ang lalaki at agad akong napatayo at sinuntok siya sa muka. Napa-atras siya ngunit sumugod ulit siya sinipa ko naman siya sa Tyan at tumalsik siya palabas.
Tatlong lalaki pa ang pumasok sa loob ng aming kubo at pinag-tulungan namin sila. Sinuntok ako ng kaharap ko sa tyan. Masakit ito. Napaka-sakit. Pero lumaban ako. Sinuntok ko rin siya sa Tyan at sinipa ko siya sa muka. Hinampas ko siya ng kung ano ang maihahampas ko sa kaniya at nawalan siya ng malay.
Nagulat kami ng biglang nasa harapan na namin si Rain. Hinihingal siya at parang kinakabahan
"Natalie! Si Raphael. Tinamaan siya ng pana sa braso. Nanganganib ang buhay niya."
--

BINABASA MO ANG
The Royals
مغامرةTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...