Kabanata 10

3K 75 3
                                    

"Tama ka nga. Muka siyang prostitute." Iyon ang huling narinig ko bago ako makalabas ng paliguan. Tumakbo ako palabik ng kwarto dahil hindi ko na kayang marinig kung ano man ang susunod na sasabihin nila tungkol saakin. Hindi ko alam kung bakit sinabi iyon ni Chloe. Bakit nag-iba ang ugali niya? Bakit bigla niya akong siniraan sa iba pang mga babae? Galit ba siya sakin?

Pumasok na ako sa kwarto ko at inayos na ang itsura ko. Nag-lagay ako ng Hikaw at kwintas na bababagay saaking suot. Sinisisi ba ako ni Chloe kung bakit kami nandito? Bakit ba siya galit saakin. Hindi ko maiwasang mainis sa kaniya dahil sa lahat ng mga pinag-sasabi niya. Prostitute ako? Drug pusher kami ni Tita? Pa'no niya nagawang sabihin iyon? Alam kong alam niya na lahat ng trabaho namin ni Tita ay marangal.

Ilang sandali pa, may kumatok sa pintuan ng aking kwarto at agad akong napa-takbo dito para buksan ito.

"Pinapatawag na po kayo sa Ball.." Sabi ng Maid. Tumango ako at nag-lakad na papunta sa Ball room. Ang aking mahaba at kulay Grey na buhok ay Umaalon kasabay ng aking pag-lalakad. Damang-dama ko sa sarili ko na maganda ako. Hindi ko kailangang ibaba ang lebel ng aking sarili para lang walang ibang magalit saakin. Hindi ko kasalanan kung galit sila saakin. Hindi ko sila papakialaman. Ang importante ay makalabas ako sa lugar na ito at mahanap ko si Tita at si Rain.

Naka-salubong ko ang ibang mga babae. Napaka-ganda rin nila sa kanilang mga suot. May mga kolorete sila sa kanilang mga muka. Hindi na ako nag-lagay ng make-up dahil hindi ako komportable pag nag-lalagay ako noon. Mas komportable ako sa natural kong itsura. Isang babaeng pamilyar ang mukha ang bumaba mula sa itaas na palapag. Naka-suot siya ng kulay asul na gown at natatakpan ng make-up ang kaniyang muka. Halos hindi ko na siya makilala dahil sa kapal ng make-up na nilagay niya. Hindi ko na makilala si Chloe.

Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin at inirapan niya ako bago mag-lakad papunta sa ballroom. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Ang laki ng pinag-bago niya. Parang hindi siya ang dating Chloe na nakilala ko. Ako ang huling dumating sa ballroom dahil nag-madali ang ibang mga babae para makarating doon. Alam kong excited sila dahil minsan lang ito kung mangyari.

Nailang ako sa mga titig ng mga taong nandoon. Alam ko na mataas ang katayuan nila dahil sa ganda ng kanilang mga suot at ang mga alahas na naka-palamuti sa kanilang mga katawan. Mga prinsesa at prinsipe din ba sila? Maari nga dahil napaka-gara ng kanilang mga suot. Nakarinig ako ng mga bulong-bulungan tungkol saakin. Lahat sila ay gusto akong makilala. Umupo lang ako sa isang tabi at pinanood ko lang ang mga tao habang sila ay nagkaka-siyahan. Napansin kong wala pa si Raphael, ngunit nandito na si Haring Kristoff. Kinakausap niya ang mga bisita at nakikipag-kamay siya.

Nag-tatawanan ang ibang mga babae at mukang nasisiyahan din sila. Kaniya-kaniya na silang grupo at alam kong mag-kakaibigan na sila. Masaya ang mga taong kumakain habang ako ay nandito lang sa isang tabi at nanonood. May orchestra dito sa loob ng ballroom, masaya ang mga tinutug-tog nila. May mga sumasayaw, may mga kumakain, may mga nag-uusap. Kaniya-kaniyang gawain ang mga tao dito. Ng makaramdam ako ng gutom, lumapit ako sa mahabang lamesa para kumuha ng makakain at maiinom.

Umupo ako sa pinaka-likod na lamesa at doon ako tahimik na kumain. Masarap ang kanilang pagkain. Napaka-sarap. Halos mapa-pikit ako dahil sa sobrang sarap. Dito, tinatapon at pinapa-migay lang nila ang mga pagkain, ang iba ay nasasayang pa. Kami ni Tita, halos wala kaming makain. Naranasan ko kung paano magutom. Halos hindi kami kumain sa isang araw para lang may pang-bayad kami sa Renta at para may pang-aral ako. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at hindi ko alam kung paano masusuklian iyon.

Nagulat ako ng may biglang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Pang-dalawahan itong table kung saan ako kumakain. Halos matulala ako dahil napaka-gwapo ng nilalang na nasa harapan ko. Si Raphael. Naka-ngiti siya at pinapanood niya akong kumakain. Naiilang ako dahil sa mga titig niya. Hindi ako maka-tingin ng diretso sa kaniya at bumibilis ang tibok ng puso ko. Kahit na malamig dito, ramdam ko na pinag-papawisan ako. Nakita kong ngumiti siya. Halos malag-lag ang panga ko dahil sa simpleng ngiti niya.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon