Nanlumo ako sa nakita ko. Hindi ko pa alam kung ano ang itsura ng medieval part pero sigurado ako na hindi ito iyon. Sira-sira na mga building, kulay pulang langit. Mausok at sobrang sira ng paligid. Parang dinaanan ito ng isang sobrang lakas na bagyo.
"Dystopia." Sambit ni Chloe.
"Tama ka." Sagot naman ni Raphael.
"Kabisado nyo ba ang lugar na to?" Tanong ni Glimmer. Wala sa sariling umiling si Garett.
"Great!" Naiinis na singhal ni Alison
"Hey! Walang nag-sabi sayo na sumama ka." Kwinelyuhan ni Garett si Alison at pinigil ko kaagad sila.
"Stop. Walang patutunguhan ang pag-aaway ngayon." Sabi ko.
"Anong gagawin natin?" Tanong naman ni Chloe.
"Tara. Maghanap na muna tayo ng matitirhan. Tapos kumausap tayo ng mga tao, itanong natin ang patakaran sa lugar na to." Utos ko at nag-lakad na sa mabatong daan. Naka-sunod sila saakin. Sobrang tahimik ng paligid. Tanging hangin lang ang naririnig namin. Tumingala ako at nakita ko na kulay pula parin ang langit. Ano to? Bakit ganito? Paano nila to nagawa?
"Shh! Walang kikilos." Sigaw ni Raphael at agad kaming tumigil. "Naririnig niyo?" Pinakinggan namin kung ano ang sinasabi niya. May naririnig akong mga yapak at parang mga bulungan. Bigla akong kinabahan kaya lumapit ako kay Raphael at hinawakan ang kamay niya.
"Sinong nandyan?!" Sigaw ni Alison. Tinakpan ni Rain ang bibig niya.
Nagulat kami ng lumabas ang mga taong naka-suot ng mga damit na gawa sa balat ng hayop at may mga pana sila. Pinalibutan nila kami at itinutok saamin ang mga pana. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Shit. Hindi maganda ito.
"Sino kayo?" Biglang lumabas ang isang babaeng may mga balahibo ng ibon sa ulo. Kalmado ang kaniyang muka ngunit may dala-dala siyang pana. "Pinadala ba nila kayo? Pinadala ba kayo ng mga baliw na scientist?" Naguluhan ako. Baliw na scientist?
"Hindi. Wala kaming alam sa sinasabi mo. Nanggaling kami sa Western part. Tumakas kami doon. Akala namin mapupunta kami sa Medieval. Yun wala hindi." Sagot ko sa kaniya. Lumapit siya saakin.
"Dahil gano'n dito, babae. Umiikot ang bawat parte ng isla na ito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Sumunod kayo sakin." Naglakad na siya at sinundan namin siya. Nakatutok parin saamin ang kanilang mga pana. Mukang marami kaming malalaman sa kaniya. Pumasok kami sa isang sirang building. May mga taong nakatingin saamin at naka-suot din sila ng mga balat ng hayop. "Maari niyo na kaming iwan." Sabi niya sa mga naka-palibot saamin at umalis na sila.
"Anong tinatakasan niyo?" Tanong niya. Tumingin ako kay Raphael.
"Nasa Fairytale part kami. Nanganganib ang buhay namin doon dahil nalaman nila na isang eksperimento at laro lang ang lahat ng ito. Napunta kami sa Western at magulo doon. Akala namin mapupuntan kami sa medieval. Hindi pala." Sagot naman ni Raphael.
"Hmm... Dahil umiikot ang mga parte ng isla na ito. Nasaksihan na namin iyon. Hindi lang natin nararamdaman pero umiikot talaga ito. Ako nga pala si Shiva. Ang lider ng tribo ng Asahigi. May isa akong tanong sa inyo."
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"Mapagkakatiwalaan ko ba kayo?" Tumango ako.
"Kung gano'n, miyembro na kayo ng aming tribo." Pumalakpak siya ng isang beses at lumapit saamin ang mga babaeng kasapi ng tribo. Dinala ako, si Chloe, Alison, at si Glimmer sa loob ng isang sirang kwarto at tinanggal ang mga damit namin. Nagulat kami sa ginawa nila at kumuha sila ng Tela na kanilang suot at isinuot ito saamin. Kumuha din sila ng pintura at inilagay ito sa muka namin. Nilinyahan nila ang pisngi namin ng dalawang pahigang kulay pula na linya. Pagkatapos ay ipinusod nila ang aming buhok.
Lumabas na kami at nakita namin sila Raphael, Garett, at Rain na naka-upo. Naka-suot sila ng kulay puti na sando, kulay itim na shorts na may nga pattern, may linya din ang kanilang pisngi katulad namin. Napaka-laki ng katawan ni Raphael at mas lalo akong naaakit sa kaniya.
"Muka kang taga-bundok, Alison." Pang-aasar pa ni Rain at kaagad siyang sinuntok ni Alison. "Aw! Ang sakit ah!"
"Muka kang unggoy. Tigilan mo ko." Pag-tataray pa ni Alison. Natawa nalang kami dahil sa bangayan ng dalawa.
"Ngayong kasapi na kayo sa aming tribo, mas mabuti pa na ipaliwang ko sa inyo ang lahat." Sabi ni Shiva. "Mayroong 15 na tribo dito sa Dystopia. Ngunit, may isa tayong kalaban na tribo. Ang Manhalakru o mas kilala sa tawag na Flaming Arrows. Sila ang pinaka-makapangyarihang tribo dito sa Dystopia. Kinam-kam nila ang aming mga lupain."
"May gyera ba na nagaganap sa pagitan niyo?" Tanong ni Rain.
"Wala pa. Ngunit kapag may kinamkam nanaman silang lupain, magkakaroon na ng digmaan." Sagot ni Shiva. "Ang tungkulin ng mga lalaki ay mag-saka, mag-bantay, at maging sundalo ng ating tribo. Ang mga babae naman ay naka-toka sa mga gawaing bahay, paga-ani, at pagtu-turo sa kabataan. Bukas niyo malalaman kung saan kayo mapupunta na trabaho. Sa ngayon, ipapakita muna namin sa inyo ang inyong matitirhan."
Lumabas na kami sa sirang building na iyon at nakita namin ang napakaraming Bahay Kubo. Ngunit mukang lahat at okopado na. Nasa dulo kami dinala ni Shiva at gaya ng inaasahan ko, tatlong kubo lang ang ibinigay niya saamin. kami ni Raphael sa unang kubo, sila Garett at Rain sa pangalawa, sa pangatlo naman sila Glimmer, Chloe, at Alison.
"Ang dami nating pinag-daanan." Sabi ko kay Rain sabay akyat sa punong kaniyang kinaroroonan.
"Oo nga. Napaka-bilis ng mga pangyayari."
"Sana maka-labas na tayo dito." Sabi ko.
"Alam mo Natalie, minahal kita. Pero noong nakita kitang masay kay Raphael, naging masaya narin ako dahil alam kong hindi ka niya sasaktan. Ng magkita kaming muli ni Chloe, bigla akong nagkaroon ng pag-tingin para sa kaniya. Posible ba na mahalin ko si Chloe, Natalie?" Nagulat ako sa sinabi niya at ilang segundo ang kinailangan upang ma-proseso ito ng aking utak.
"Oo naman, Rain. Alam kong magiging mabuti kang lalaki para kay Chloe." Ngumiti ako. "Mag-tapat ka lang sa kaniya. Walang mawawala kung sasabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo."
"Maraming salamat, Natalie." Ngumiti siya.
Kinagabihan, may isang malaking bonfire ang idinaos. May mga nag-sasayawan. May mga nag-tatawanan at may nga kumakain. Kami ng grupo ay masaya lang na kumakain at nagki-kwentuhan.
Sana wala nang masamang mangyari. Sana ganito nalang palagi.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...
