Kabanata 37

1.5K 38 3
                                        

Isang linggo na ang naka-lipas simula nang mamatay si Vlademir Pryor at si Raphael na ang tumayong Leader ng Pryor Mafia. Sobrang lungkot ng mga panahong iyon at galit na galit si Raphael. Lahat kami ay may galit kay Rose. Madami na siyang pinatay. Oras na para siya naman ang mamatay.

"Raphael, kain ka muna" niyakap ko siya mula sa likod. Kanina pa sila Raphael at Garett nasa Harap ng computer. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"Sandali lang. Matatapos na kami" saad niya pa. Pagkatapos ay hinalikan niya ulit ang kamay ko.

"Ano ba kasi yang ginagawa niyo?" Tanong ko kay Garett.

"Floor plan ng Head quarters ng World's government. Mahirap ma-hack ang system nila pero malapit na naming makuha ito." Sagot ni Garett tsaka ngumiti.

Ilang minuto pa, bigla nalang sumigaw si Raphael.

"I got it!" Sabi niya sabay pindot ng Printer. Maya-maya pa, lumabas ang isang blue print mula dito. 20 na blue print ang na-print nito. Kada isang Floor, mayroon silang kopya. "Tara, Natalie. Kain na tayo." Sabi ni Raphael sabay hila saakin. "Ikaw na ang bahala diyan, Bro." Tumango si Garett at nag-lakad na kami ni Raphael.

"Raphael, dapat pinapatulong mo din ako sa mga ganyan. Leader din ako ng Mafia." Pinag-sama namin ang mga mafia namin. Mas malakas na ito sa grupo ni Rose pero alam ko na may laban pa rin sila at hindi sila papayag na hindi kami mabawasan. Kumain kami ni Raphael, nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain. Mas lalong lumaki ang kaniyang katawan dahil ibinuhos niya ang oras niya sa gym matapos mamatay ang dad niya.

"Baka matunaw ako ah." Natatawang sabi niya.

"Naga-gwapuhan lang ako sayo." Ngumisi ako at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Hay naku. Si Baby Raphael, kinikilig" nagtawanan kaming pareho.

"Kumain ka na, Baby Natalie. Huwag mo na akong titigan." Sabi niya

"Bakit ba kasi sobrang gwapo mo, Baby Raphael?" Natigilan siya sa pagkain at mas lalong namula ang buong mukha niya. "Kinikilig si Baby Raphael" humagik-hik ako.

"Tigilan mo na nga yan, Baby Natalie." Nag-iwas siya ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa labi.

"Woah! Huwag naman dito!" Agad akong napatalon ng marinig ko ang boses ni Chloe. Tumingin ako sa likod at nakita kong kasama niya si Rain at magkahawak ang kanilang mga kamay. Kumuha rin sila ng pinggan at kumain.

"So, ano nang plano?" Nandito na pala si Glimmer at umupo siya sa tabi ni Chloe.

"Wala pa ang kapatid eh." Sabi naman ni Raphael. Pagkasabi niya noon, nakita ko si Garett na papunta dito. "Oh, nandito na pala siya!" Umupo si Garett sa tabi niya.

"Alam ko na kung anong gagawin natin." Inilatag niya ang 20 na Blue print sa lamesa. May mga naka-marka dito "sa unang palapag, may mga Guards at may mga scanners. May mga barracks din ng mga miyembro nila sa magkabilang gilid ng palapag nito. Ganoon din sa pangalawa hanggang sa pang-20 na palapag. Hindi mahirap kalabanin dahil medyo mahina lang ang mafia nila ngayon. Pero, kapag tumawag sila ng ibang mga mafia, kahit na malakas tayo, talo pa rin nila tayo dahil sa dami. Natalie, Raphael, kailangang isa sa inyo ang makapatay kay Rose. Kung sino man ang maging presidente sa inyo, may tiwala kami." Sabi ni Garett.

"Anong mga armas ang dadalhin?" Tanong ni Rain.

"Lahat. Kung maari, kailangang maraming bomba. Papabagsakin natin ang Building nila." Tumango kami. "Kada isang palapag, 50 unit ang ia-assign natin para masigurado na maubos sila kada isang palapag."

"Paano kung may mga patibong sila sa Building na iyon?" Tanong ni Raphael.

"Maging maingat lang tayo. Huwag basta-basta kikilos nang wala ang iba." May iba pang detalye ang ipaliwanag saamin at napakaganda ng plano ni Garett. May ilang parte ang masyadong delikado kaya binago ito ni Raphael. Kinahapunan, nagsanay kami kung paano lumaban ng mano-mano.

Nasa isang ring ako ngayon. Sa labas ng ring ay nanonood sila. Ako ang mauunang lumaban. Isang lalaking miyembro ng Mafia ang sumampa sa Ring. Inayos ka ang postura ko at handa na akong lumaban.

"Begin!" Sigaw ni Rain.

Humakbang ang lalaki ng isang hakbang, humakbang din ako papalapit sa kaniya. Lumipad ang kamao niya papunta sa direksyon ko at agad ko itong naiwasan.

Nang maka-bawi ako ng lakas, agad ko siyang sinipa sa tagiliran, at sinuntok siya sa mukha. Agad siyang natumba at nawalan ng malay.

"Go Baby Natalie!" Sigaw ni Chloe habang winawasiwas ang kamay niya. Napa-irap naman si Raphael at sinapo niya nalang ang noo niya.

"2nd round!"

Isang lalaking napaka-laki ng katawan ang sumampa. Yumanig ang buong ring dahil sa bigat niya.

"Patas ba ito?!" Sigaw ko kay Rain

"Heiress, sari-saring tao ang makakalaban natin sa oras na sumugod tayo. Mabuti nang handa." Tumango nalang ako dahil wala na akong magagawa.

Humakbang ang lalaki. Mabagal siya. May tyansa ako. Agad akong tumakbo papunta sa likod niya at sinipa ko siya sa batok. Agad siyang napatumba at nawalan ng malay. Nakita ko ang pag-laki ng mga mata nilang Lahat dahil sa ginawa ko.

"Go Baby Natalie!" Sigaw nila Chloe at Glimmer. Agad na tinakpan ni Raphael ang kanilang mga bibig dahil naasar na siya. Natawa nalang ako dahil sa reaksyon ni Raphael.

"Final Round!"

Hindi ko inaasahan kung ang makakalaban ko. Isang babae. Sumampa siya sa ring tsaka nag-bow sa harapan ko.

"Heiress" sabi at Pumunta na sa kabilang banda. Mukha siyang mahina at lampa dahil sa kapayatan niya at kaputian ng balat.

"She's one of the Finest Fighters of our Mafia, Natalie. Huwag kang maloloko sa nakikita ng mata mo." Sabi ni Garett.

"Begin!"

Hindi gumalaw ang babae. Nag-taka ako kung bakit wala siyang ginawa. Nainip na ako kaya ako ang kusang sumugod, nang lilipad na ang kamao ko sa mukha niya, agad niyang nahawakan ang braso ko at nabalibag ako ng walang kahirap-hirap. Masakit iyon ah!

Agad akong tumayo at inayos ang postura ko. Siya naman ang sumugod at sisipain na niya sana ako pero naunahan ko siya. Nasipa ko siya sa noo at natumba siya dahil doon. Agad siyang tumayo at mabilis akong sinugod. Hinulaan ko kung ano ang kaniyang sunod na gagawin at tama ang hula ko.

Sinunggaban ko siya, pagkatapos ay binalibag sa lupa. Kahit na payat siya, medyo mabigat parin siya. Akala ko panalo na ako pero, hindi pa pala. Winasiwas niya ang paa niya at natumba ako. Sumampa siya sa itaas ko at aambahan na niya sana ako ng suntok pero naunahan ko siya. Nag-dugo ang ilong niya tsaka ang bibig. Doon natapos ang laban.

Pinunasan ko muna ang Pawis ko bago ako bumaba sa Ring.

"Ang galing mo, Natalie!" Sigaw nila Chloe at Glimmer.

"Kayo na ang susunod na lalaban." Ngumisi ako. Nakita ko ang pagka-dismaya sa mga mukha nila.

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon