CHAPTER SIXTY

109 18 8
                                    

Cris

Ilang beses kong paulit-ulit na pinapakiramdaman ang pinakainiingat-ingatan kong singsing na nasa aking bulsa.

Paulit-ulit kong sinisilip ito sa kaniyang maliit na kahon.

Simple.

Hindi kasing laki ng mga dyamanteng na sa singsing na kadalasan niyang sinusuot.

Hindi kasing engrande ng mga alahas na meron siya.

Pero sana magustuhan niya.

Wala pa akong pera ngayon dahil ayokong gastusin ang mga perang sinahod ko sa pagiging contract-boyfriend niya. Kasi pag ginawa ko yun, parang binigyan ko lang siya ng singsing mula sa sariki niyang pera.

Para bang binilhan niya lang rin ang sarili niya ng singsing.

Ayoko rin namang gamitin ang perang nasa bank account ko noon kasi alam kong nilagyan yun ng pera ni sir Joey nung umalis ako sa kumpanya niya.

Kapag ginawa ko yun, parang si sir Joey naman ang nagbigay ng singsing para sa anak niya.

Kaya itong singsing na ito ay simple lang at hindi kasing mahal ng mga alahas na meron siya.

Galing lang ito sa naipon ko mula sa mga trabahong pinasukan ko nung naghiwalay kaming dalawa, nung natapos na ang kontrata namin.

May pakinabang din pala ang mga paraket-raket ko nun, at least ngayon, masasabi kong ang unang maibibigay ko sa kaniya ay talagang pinaghirapan ko.

Pero plano ko ring bigyan siya ng mas magandang singsing kapag nakabalik na ko sa kumpanya ng tatay ko.

Pagtratrabahuhan kong maigi yun para lang maibigay sa kaniya ang singsing na talagang nararapat sa kaniya.

Pag may pera na ko, ibibigay ko sa kaniya yung may pinakamalaking dyamanteng makikita ko.











Masaya kong iniisip kung anong magiging reaksyon niya mamaya pagbigay ko sa kaniya nito.


Mapapasigaw kaya siya sa tuwa?

Yayakapin niya kaya ako?

Hahalikan?





Hindi naman ito ang unang beses na gagawin ko to.



Nung kami pa ni Cassy ay nag-propose din ako sa kaniya nung akala kong kami na talaga hanggang dulo.

Nung akala kong kami talaga ang para sa isa't isa.

Nung aeaw na yun, punong-puno ako ng kaba. Natatakot na baka ayawan niya.

Pero pagkaluhod ko at pagkatanong ko sa kaniya ay nawala lahat ng kaba ko nang makita ko siyang nakangiti at sumagot ng 'oo'.


Pero sinong mag-aakalang sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko yun muli?

Pero ngayon ay hindi na para kay Cassy. Kundi para sa kapatid na niya.

Kung anong kaba ang meron ako noon ay para bang wala ngayon.

Oo, kanina habang kausap ko si Jian ay talagang kinakabahan ako sa plank kong to.

Pero matapos ang usapan namin at matapos niyang ipaalala sa akin kung gaano ko kamahal si Alex ay parang bulang nawala bigla ang kaba ko.

Napalitan ng excitement.

Kasi nananabik akong makasama na muli si Alex.

Pero hindi na dahil sa kontrata o pera.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon