Chapter Sixty Five

1.9K 91 28
                                    

Chapter Sixty Five

Baby








[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Happy Easter Sunday 💕 How are you po? I am praying and hoping that you are okay. Please keep safe and always keep our faith stronger. Kain kayo ng masusustansyang pagkain at uminom kayo ng maraming tubig mga bb :) Ingat kayo palagi ❤ God bless 💕]








***

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa sarili kong unit. Pagkapasok ko sa pinto ay sumandal ako roon at napaupo sa sahig. Hindi ko maiwasan ang humagulgol sa sakit na nararamdaman ko.




Alam ko naman na eh. Alam ko naman na matagal na niya kong niloloko… pero bakit ang sakit pa rin? Kasi umasa ako na baka nga mahal na niya ko… umasa ako na baka nga talagang nagsisisi na siya at gusto talaga niya kong makasama.




Pero bakit ngayon… maririnig ko ang mga iyon mula sa kanya? Sa kanila ng babae niya? Bakit?




Bakit kailangang paulit-ulit mo kong lokohin, Brandall? Bakit?




Ilang araw ako halos hindi nakatulog sa mga nangyari dahil paulit-ulit kong naaalala ang mga narinig ko, ang mga ipinapakita sakin ni Brandall na puros kasinungalingan.




Iyon ang gumulo sa isipan ko. Sinubukan pa niya kong kausapin sa sumunod na mga araw pero ipinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ko maniniwala sa kanya. Na hindi na ko ulit magpapaloko sa kanya.




Dalawang araw halos wala akong ginawa kung hindi ang umiyak lang kaya naman kinabukasan para sa huling presentation ko ay pakiramdam ko halos ayaw ko nang bumangon. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako dahil sa sama ng pakiramdam ko. Nahihilo pa ko dahil wala akong tulog sa mga nakalipas na araw simula nang magtrabaho ako ulit kay Brandall lalo na sa nakalipas na mga araw nang malaman ko ang tungkol kay Brandall at sa babaeng kausap niya.




Nang makarating ako sa may conference room ay nandoon na halos lahat. Nandoon na rin si Brandall. He looks fine at parang hindi nanggaling sa sakit. Hindi ko alam kung talaga bang may sakit siya. Ayaw ko naming paghinalaan si Aya. Bakit naman magsisinungaling sakin si Aya? Panigurado na naging mabuti ang kalagayan niya dahil nandoon ang babae niya.




Ang kapal ng mukha niya na sabihin sakin na mahal niya ko pero may pakakasalanan naman pala siya. Hindi ko alam bakit ginagawa pa ni Brandall ang lahat para lang bumalik ako sa kanya, para ano? Para saan?




Gusto lang ba niyang patunayan na talagang hindi ko siya mahal at kapag sumuko ako sa lahat nang ginagawa niya ay mapapatunayan niyang nagsisinungaling ako? At ano? He’ll make it what? Ano pa ba talaga ang gustong mangyari ni Brandall?




Nagsimula ang meeting at ang final presentation ko. Pagkatapos ng araw na ito… tapos na ang trabaho ko. Hindi ko na yata kakayanin pa kung magtatagal ako na makakasama si Brandall.




Nang matapos ang presentation ko ay nagkaroon din ng mahabang meeting. Halos gusto ko nang umuwi dahil hilong-hilo na talaga ako at wala na kong naiintindihan pa sa mga pinag-uusapan. Basta ang alam ko na lang, gagamitin nila lahat ng design na ginawa ko para sa mga unit ng condo at sa oras na matapos iyon ay ma-i-la-launch na iyon on the 3rd half of this quarter.




Hindi ko maiwasan ang malungkot at masaktan para kay daddy dahil alam kong matagal niyang pinaghandaaan ito pero wala na sa kanya ang project pati ang kumpanya.




Gusto kong tumakbo na paalis. Hindi ko maramdaman ang kasiyahan. Nasasaktan ako dahil sa nangyayari lalo na sa tuwing naiisip ko na niloko ni Brandall kaming pamilya para lang sa pansarili niyang kaligayahan.




One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon