Chapter Thirty Two

1.8K 71 4
                                    

Chapter Thirty Two

Congratulations









***

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I expected to see Brandall pero wala siya. Ni walang breakfast na nakahain sa may lamesa.




Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nasanay ako na sa mga nakalipas na araw ay may mabubungaran akong Brandall sa kusina ko kapag maaga akong nagigising o kaya naman isang breakfast kapag late na ko nagising.




Alam kong alam niya na nandito kagabi si Lucian. Panigurado na iniisip niya na rito rin natulog si Lucian.




At panigurado... kinausap na siya ng girlfriend niya.




Nawalan ako ng gana na magbreakfast kaya naman nag-ayos na lang ako ng sarili ko. Kailangan kong maagang magpunta ngayon sa mall para i-pa-frame ang ginawa kong sketch ni Brandall. Iyon na ang magiging regalo ko sa kanya sa pagtulong sakin sa mga nakalipas na linggo.




At dahil kilala na rin ako ay inuna ang pinagawa ko kaya naman nagpunta rin ako sa isa sa mga restaurant na naroon para magtake out ng lunch for Brandall.




Nang magawa ang kailangan kong gawin ay bumalik na ko sa kotse ko. Nagtext ako kay Aya para itanong kung may meeting ba si Brandall.




Aya:

    Wala po ma’am. Mamaya pa po.




Nagreply ako.

Ako:

   Salamat, Aya. Pupunta ko. Huwag mo na lang sabihin.




Nang matiyak na nandoon lang siya sa opisina niya ay dumiretso na ko sa kumpanya niya. Binati ako ng mga receptionist. I greeted them back at hinayaan nila ko na pumunta sa opisina ni Brandall. Nakita ko si Aya na abala sa trabaho pero nang makalapit ako ay agad niya kong binati.




“Good morning, ma’am.”




Ngumiti ako. “Hi. Nandiyan si Brandall? Pwede ko ba siyang puntahan?”




Tumango siya. “Nasa loob po, ma’am.”




Tumango ako sa kanya at nagpaalam na sa kanya pagkatapos kong ibigay ang lunch niya. Kumatok ako.




“Good morning,” bati ko dahilan para mag-angat ng tingin si Brandall sa tinitignan niyang mga papel.




“Lucila…”




Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Kita ko ang mga naglalaban na mga emosyon sa mga mata niya. Naroon ang relief pero naroon din naman ang pananantiya sa mga tingin niya.




“Busy ka ba?”




Umiling siya at tumayo. Binitawan ang mga ginagawa niya. Lumapit siya sakin. Bigla akong kinabahan. Parang nanginig ang tuhod ko.




“How was it? Nagkausap na kayo?” tanong niya sa nanantiyang tono. Naupo ako sa sofa habang naupo siya sa tabi ko.




“Nagkaayos na kami ni Lucian, Brandall.” sabi ko sa kanya.




Tumango siya at ngumiti sakin. Sa kabila ng mga ngiti, alam kong nasa mga mata niya ang pananantiya. “Sabi ko naman saiyo magkakausap din kayo at magkakaayos,”




One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon