Chapter Seventeen
Comforted
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Thank you so much mga babes na binabasa ito. I am so glad there are people who appreciated this story. Sobrang thankful po ako 💕
I am really happy hearing something from you. I am more motivated to update kaya salamat po 💕
So ayun. Ingat po palagi. Eat healthy. Stay healthy. Keep safe everyone 💕 God bless po ❤ Saranghaeyo 💕]
***
[This is from the past]
Nang makarating kami ni Caiden sa isla ay naroon si Phoenix at Lucian na parehong nag-uusap. Napatingin sila samin ni Caiden nang pumasok kami.
Agad akong nilapitan ni Phoenix. "Lucila! Are you okay?"
Ngumiti ako kay Phoenix. "Ayos lang..." sagot ko.
"What are you doing here? Sinabi ko na saiyo na ayaw muna kitang makita!"
Napatalon ako sa mariing boses ni Lucian. Hinawakan ako ni Caiden sa baywang ko, as if protecting me from his cousin's wrath.
"Dammit, Lucian! Why don't you talk to each other and sort things out?" galit na sabi ni Phoenix.
"Hindi ganoon kadali!" galit na sabi ni Lucian. "Dahil sa mga kasinungalingan niya ayaw na kong kausapin ni Amanda!"
"Lucian gusto kong sabihin na---"
Hindi na niya ko binigyan ng pagkakataon na magsalita. "Sana paglabas ko wala ka na..." sabi niya at umakyat na sa itaas para talikuran kami.
Namasa ang mga mata ko at nanikip ang dibdib ko sa labis na sama ng loob sa nangyari.
Sobrang sakit ng puso ko dahil sa ipinakita ni Lucian. Sa sakit na dulot ng trato niya sakin ay nagdudulot ng matinding kirot sa puso ko. It's bleeding to death.
Hinawakan ni Caiden ang balikat ko. "That bastard!" bulong niya.
Napasandal ako kay Caiden at napahikbi sa balikat niya. Niyakap niya ko.
Narinig ko ang mura ni Phoenix at sinundan pa si Lucian sa itaas.
Hinagod ni Caiden ang likuran ko. "Tahan na..."
"Alam ko naman na nakagawa ako ng kasalanan... pero hindi ba niya ko pwedeng pakinggan man lang?"
Puno ng hinanakit ang boses ko dahil puno rin ng hinanakit ang puso ko.
Marami kaming pinagdaanan na magkasama pero parang nakalimutan na ni Lucian ang lahat ng iyon.
Alam ko naman na may kasalanan ako pero hindi na ba niya talaga ako mapapatawad? O kahit man lang kausapin?
Pinaupo ako ni Caiden sa sofa bago siya pumunta sa kusina para bigyan ako ng tubig. Bumaba naman na si Phoenix.
Nilapitan niya ko at umupo sa tabi ko. "Okay ka lang ba?" masuyong tanong niya.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...