Chapter Forty Four
Hacienda Dela Torre
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) This will be a short update po. Bawi na lang po ako next time hehe. Maraming maraming salamat po :) Stay safe and God bless mga babes ❤ Saranghaeyo 💕]
***
Tahimik kami ni Brandall nang nasa kotse niya kami pabalik sa airport. Babalik na kami sa Manila ngayon.
"Do you want to stay in some hotel?"
Napailing ako sa kanya. "Pwede bang umuwi na tayo?" tanong ko. Mas gusto ko na lang umuwi ngayon sa Manila, be it with my condo or even in our home kasama si daddy. Bahala na. Basta gusto ko na lang umuwi.
Bumuntong hininga siya at tumango. "But let's eat first..."
Kahit wala akong ganang kumain ay kumain pa rin ako dahil na rin kay Brandall. Hindi pa kami naghahapunan.
"Kumain ka, Lucila..." sabi niya at siya na mismo ang naghiwa ng steak sa pinggan ko.
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Kunti lang ang nakain ko dahil wala talaga akong gana. Hindi naman ako pinilit ni Brandall.
Nang nasa private plane kami ay tahimik na ulit ako. Gusto kong itulog ang mahigit na tatlong oras na biyahe from Camiguin to Manila.
Hindi ko akalain na magagawa ni Lucian na bumiyahe ng ganito sa tuwing lumuluwas siyang Manila para lang makauwi kay Amanda. Kaya pala mas pinili ni Lucian na sa Camiguin magtrabaho dahil ayaw niyang malayo kay Amanda. Para araw-araw niyang makasama si Amanda. Ganoon niya kamahal si Amanda na gusto niyang palagi itong nakikita.
Hindi ko alam kung ilang oras na kong natutulog pero nagulat ako nang makita na nasa himpapawid pa rin kami kahit tatlong oras na kami sa biyahe.
"Matagal pa ba tayo?"
Ngumiti si Brandall sakin. "You can sleep, sweet. Matagal tagal pa tayo..."
Kumunot ang noo ko. "Bakit parang ang haba na ng oras natin sa pagbiyahe?"
"Pagod ka lang siguro, sweet."
Napabuntong hininga ako. Baka nga.
Hindi na ko bumalik sa pagtulog. Inabala ko ang sarili ko sa pangangamusta kay Lucian kay Caiden. Kumusta na kaya si Lucian at Amanda? Nagkausap na ba silang dalawa? Nagkabati na kaya sila?
Alas otso na ng gabi. Panigurado na makakauwi kami ni Brandall ng alas diez. Sana pala pumayag na lang ako na sa isang hotel na lang muna kami. Alam kong nakakapagod ito para kay Brandall lalo na may trabaho pa siya bukas.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Caiden dahil hindi niya nasagot ang tawag ko kanina kaya naman siya na ang tumawag sakin.
"Thank you, Lucila..."
Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nagpapasalamat?"
"Kung hindi namin nalaman kung nasan si Amanda baka hindi sila nagkausap ni Lucian."
"Nagkausap na sila? Anong nangyari?"
"They are back to each other's arms, Lucila. Nagkausap na sila."
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...