Chapter Twenty Three
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Sana po magustuhan niyo. Please let me hear something from you po. Salamat ng marami 😘
Ingat po palagi. Stay healthy mga babes. Stay safe. God bless po ❤ Saranghaeyo 💕]
***
Kinabukasan ay sa bahay lang ako. Nakatanggap akong text mula kay Brandall tinatanong ako kung ano raw ang gagawin ko ngayong araw.
Ako:
I am busy.
Iyon lang ang tinext ko. Alam ko naman na hindi niya ako titigilan.
Brandall:
Let’s go somewhere.
Napasimangot ako sa lalaking ito. Ayaw talaga niya ko tigilan?
Ako:
I am with my father. Dito na muna ako kay daddy.
Nakatanggap ako ng reply.
Brandall:
Okay. Nakaiwas ka ngayong araw.
Natawa ako sa reply niya.
Sinubukan ko na gumawa ng designs ko pero wala talaga akong makuhang inspiration ko.
Nagtext din sakin ang mga kaibigan ko kaya sila ang kausap ko. Kahit busy sila sa trabaho nila ay naiisip pa rin nila ko.
Nalaman ng mga Griffin na nasa bahay ako kaya naman pumunta sila para dalawin ako.
Hindi ko alam kung alam na ba nila ang tungkol kay Amanda. Siguro hindi pa naman dahil wala naman silang nababanggit sakin.
"Ate Lucila. Gusto mo sumama samin? Manonood kami ng movie," aya ni Sky sakin.
Ngumiti ako sa kanila. "Oo ba!"
"Yehey! Gala na rin tayo. Hanap tayo ng boys." sabi ni Calli.
Natawa ako sa kanila. "Buti na lang wala ang mga Kuya niyo kung hindi pinagalitan na naman tayo."
Masyadong protective kasi ang mga boys. Lalo na ang mga panganay na Griffin... Lucian, Caiden, Fausto, Samuel, Greg, Nixon and Phoenix.
Tumawa sila. "Masyado kasing mga protective." sabi nila na ikinatawa ko.
Nagpunta kami sa isang mall para manood ng movie. Ayaw raw kasi nilang mag-bar ngayon. Mas gusto raw nila na chill lang muna sila.
"Anong movie panonoorin natin? Action or horror?" tanong ko nang nasa sinehan na kami.
Kasama namin ang mga lalaki kaya romance is out of the choices.
"Horror!" sabi ng mga girls.
"Action na lang," sabi naman ng mga boys na kasama. Kasama namin sina Jaxon, Leo, Gian, Christian, Alex at Axel. Ang iba ay nasa trabaho at ang mas nakababata pa ay mga date kaya hindi namin kasama.
"Jack en poy. Manalo siyang pipili." sabi Jaxon.
Naglaban si Sky at Alex. Tatlong beses nilang ginawa iyon para fair.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...