Chapter Thirty Four
Bayad
[Warning! This is SPG! Please 18 and below you can skip the love making part. Please be open minded po sa lahat ng babasa. Maraming maraming salamat po. Enjoy reading!]
***
Itinabi ko ang mga painting na ibinigay ni Brandall sakin. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang mga ito sa kanya.
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Brandall para lang maibalik ko sa kanya ito.
Should I text him? Should I go to him and give it back personally? Or should I pay anyone to do it for me?
Muli akong napabuga ng hangin.
Nahiga ako sa kama at pinilit ang sarili ko na matulog. Kaya naman ang nangyari, wala akong naging tulog dahil sa pag-iisip sa ginawa ni Brandall at kung paano ko maibabalik ang ibinigay niya.
Ayoko na ng kahit na anong magpapaalala sa naging maikling affair namin.
Kaya naman para matahimik ako ay nagpasya ako na puntahan si Brandall sa condo niya. Sunday ngayon kaya alam ko na nasa condo lang siya at tinatapos ang mga hindi niya natapos na trabaho.
For the past weeks we've been together, pamilyar na ko sa mga ginagawa niya.
Pero dahil nasa bahay ako at wala ring pasok si daddy ay gabi ko na lang pupuntahan si Brandall para may dahilan ako na umalis kaagad.
I texted Lucian. Nasa isla siya ngayon. Kinamusta ko siya at ganoon din ang mag-ina niya. May kirot man sa puso ko alam ko na magagawa ko rin na tuluyang maging masaya para sa kanilang dalawa ni Amanda.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi ni Brandall na hindi ako masaya. Paano niya nasasabi na hindi ako masaya?
Masaya ako. Masayang masaya ako na nagkaayos kami ni Lucian. Iyon lang naman ang mahalaga sakin.
"You look tired daddy. Magpahinga ka naman dad." sabi ko kay daddy nang binisita ko siya sa opisina niya.
Tinignan ako ni daddy. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya. "I am fine sweetheart. Abala na kami ngayon sa launching ng Sky Tower,"
Hinalikan ko ang tuktok ng uluhan ni daddy. "Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo dad." paalala ko. "Pauwi na si mommy. Pagagalitan ka noon kapag nakita na sinasagad mo ang sarili mo sa pagtatrabaho."
Tumawa si daddy. "Oh darling. Ikaw pa rin ang baby ng daddy kaya dapat ako ang nagpapaalala saiyo."
Natawa ako kay daddy. "I am matured woman na daddy. Kaya ikaw huwag matigas ang ulo."
Humalakhak si dad. Gustong-gusto ko talaga kapag nakikita kong masaya si daddy. I love him so much. Hindi ko hahayaan na may manakit sa mga magulang ko.
After we took our lunch ay naging abala na naman si daddy. Nag-stay lang ako sa may sala while looking at some painting online to get inspiration. I wanted to paint again.
Nasa ganoon akong ginagawa nang magulat ako dahil dumating ang mga Griffin sa bahay para i-surprise ako.
"Congratulations ate Lucila!" bati nila na naghatid ng init sa puso ko. Binati na nila ko sa text at tawag pero ito sila ngayon at binabati ako ng personal. May dala silang cake at regalo. Niyakap ko sila.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
Genel KurguLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...