Chapter Eighty
Pakasalan
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Kumusta kayo? I am praying that everyone is fine. Thank you for all the love you have given me and for the love you have for this story. I promised not to disappoint you sa kalalabasan ng kwentong ito. Thank youuuuuuuuu! Maikli lang po ito. Ginawa ko na pong dalawang part ang Chapter Eighty kasi masyado pong mahaba hehehe. Enjoy reading guyseu 😘😘 Mahal na mahal ko po kayo 💕]
[Official soundtrack: Take on the World by You Me At Six. You can listen to it po while reading the update. This song fits Lucila and Brandall. Enjoy reading po 😍]
***
Umihip ang panghapong hangin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na ngumiti sa kabila nang matinding sakit. Hindi ko alam kung paano ba pakikiharapan ang nararamdaman, pero alam ko na darating din ang araw na magagawa kong matanggap ang lahat.
Tulad kung paano ako unang beses na nabigo. Bigla ay naalala ko ang gabing unang beses akong nandito.
Nilagay ko ang kamay ko sa magkabilang gilid ng bibig ko. "Why are you men hurting woman’s feeling? Ano bang ginawa namin sa inyo para maging ganito kayo kalupit samin? Naman eh! Kayo na iyong minamahal namin, kayo pa itong nananakit! Napakagago niyo!”
Napangiti sa kabila ng mga luha ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakantanda ko sa mga salitang lumabas sa bibig ko noong lasing ako sa resort ni Brandall.
Everything started here and ends here.
Masakit. Kasi bigo na naman ako. Bigo na naman ako sa lalaking minahal ko. Nakakalungkot kasi alam kong ito na ang huling beses dahil hindi na ko magmamahal muli. Si Brandall na ang huli. No man can ever change my heart.
"Bakit ba parati na lang kitang nakikita sa resort ko na umiiyak, miss?"
Napasinghap ako nang marinig ang boses na iyon.
Ang pamilyar na boses na iyon!
Napaharap ako sa nagsalita. Tumambol ang puso ko nang makita ko si Brandall na nakatayo, ilang dipa ang layo sakin. Tulad noon, nang unang beses kaming magkita.
Pakiramdam ko nananaginip ako habang nakatingin sa kanya. His eyes full of love and longing. My heart hurts more kaya alam kong hindi ako namamalikmata lang.
“Huwag ka mag-alala, I am not suicidal anymore, mister. Hindi ako magpapakamatay sa alak o susubukang lunurin ang sarili sa dagat.” Sabi ko at bahagya pang tumawa pero natigil iyon nang may hikbing kumawala sa mga labi ko.
Muling tumulo ang mga luha ko kaya naman pinunasan ko iyon. “Sapat na ang sakit na nararamdaman ko, Brand, para mamatay ang puso ko.” hindi ko na naiwasang sabihin sa kanya. “Someone taught me that I should love myself more and be strong. So, I am thankful that despite of hurting me, he taught me how to be strong. Para sa sarili ko, para sa mga anak ko.”
Parehas kaming tahimik na dalawa habang nakatitig sa isa’t isa. Kita ko ang sakit sa mga mata niya, ang guilt kaya naman mas lalong nasaktan ang puso ko. Pagkalipas nang ilang sandali ay muli kong hinarap ang dagat.
“The first time I went here was the time I found out that Lucian loved someone else. Nasaktan ako dahil minahal ko si Lucian. Akala ko hindi ko na siya makakalimutan pa kaya mas gusto ko na lang na mamatay noon.” Sabi ko at tinignan siyang muli. “Pero nakilala kita,” dugtong ko. “Tinulungan mo ako na makabawi, na muling pahalagahan ang sariili ko. Tinulungan mo kong mahalin ang sarili ko, Brand, kaya naman nang maghiwalay tayong dalawa, hindi ko naisip na magpakamatay…”
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...