Chapter Six

4.2K 94 13
                                    

Chapter Six

Galit
















[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) This will be a short update. Present time po ito :) Enjoy reading <3

And to all iKONics and Ahgasses, please stay strong for our iKON and Got7. Please stay strong for our fandom. Kahit alam kong mahirap at masakit ang pinagdadaanan natin ngayon, malalampasan din natin ito. We have each others back. Everything will be okay, chingus. All fandoms are here to support Hanbin, iKON and iKONic. Saranghaeyo <3

And to all the Army, Happy Six Years with BTS  <3 Let's continue our walk with our beloved boys. Let's continue supporting our boys and continue loving them. I purple you <3]








***





Magkatabi kami ni Lucian ngayon sa kama. May humiwa sa puso ko habang pinagmamasdan siyang natutulog. Kahit tulog ay alam mong may pinagdadaanan siyang mabigat. Nasasaktan ako kasi alam kong kasalanan ko iyon.






Hanggang ngayon ay wala pa ring alam si Lucian sa ginawa ko sa kanila ni Amanda. Natatakot akong malaman ni Lucian ang nangyari samin ni Amanda. Natatakot ako dahil alam kong magagalit siya sakin. Alam ko kung gaano siyang masasaktan sa nagawa ko sa kanya. Sa kanila ng babaeng pinakamamahal niya.







At hindi ko kaya iyon. Hindi ko kaya kung magagalit din siya sakin. Hindi ko kaya kapag tuluyan siyang nawala sakin.






I know that once he knows what I did to Amanda... handa niya kong talikuran para sa babaeng pinakamamahal niya.






Iyon ang na-realize ko sa mga nagdaang linggo na kasama ko siya. Na handa niyang talikuran ang lahat manatili lang kay Amanda. Handa niyang ibigay ang lahat mapasakanya lang si Amanda.






At natatakot ako na handa niya ring isuko ang dalawang dekada naming pagsasama para lang maging maayos ang pagsasama nila ni Amanda.






He can compromise. He can let go of me if that's what makes Amanda happy. Handa siyang saktan ako huwag lang si Amanda.






Kaya ipinapanalangin ko na sana lang kapag nalaman niya ang ginawa ko noon ay mapatawad ako ni Lucian. Sana maintindihan niya kung bakit ko nagawa iyon kahit hindi pa rin valid ang rason na iyon. Alam kong napakalaki ng kasalanang nagawa ko. Alam kong wala pa rin akong karapatan na saktan si Amanda para lang mawala na ito sa landas namin ni Lucian.






Lalo pa't simula pa lang... Wala na kong laban. Wala naman na talagang puwang ang pagmamahal ko kay Lucian dahil naibigay na niya sa iba ang puso niya. And once a Griffin gave his heart... there's no turning it back kahit na hindi pa sila mahal nito.






Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko na ang nagawa ko at pinagbabayaran sa bawat araw at sandali. Walang araw o pagkakataon na hindi ko naiisip ang ginawa ko noon. Walang pagkakataon na hindi ako nagsisisi at nasasaktan lalo na kapag nakikita ko kung gaanong nahihirapan at nasasaktan si Lucian.
Lucian was lost when she left.






Sa mga sumunod na araw doon ko napagtanto kung gaano kamahal ni Lucian si Amanda. At kung gaano kalaking kasalanan ang nagawa ko sa kanila. Na napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa kanilang dalawa.






I've hurt both of them and it hurts me more than ever.





Ang huling bagay na gusto ko at ang masaktan si Lucian. Handa akong gawin lahat huwag lang mangyari iyon. Mas gugustuhin ko na lang na ako ang masaktan huwag lang siya pero ako pa pala ang dahilan kung bakit naghihirap at nasasaktan siya ng husto ngayon.






One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon