Chapter Twenty
Cook
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Thank you for your undying support. I hope I can also hear something from you. Sana po mabigyan niyo rin ako ng mga reaksyon niyo about sa story. Maraming salamat po ❤ Ingat po palagi and God bless mga babes 💕 Saranghaeyo 💞]
***
[This is from the past. Enjoy reading po 😍]
Kinabukasan ay nagulat ako nang maaga pa lang ay may kumakatok na sa condo ko. Kaya naman nagtataka ako kung sino ang bibisita sakin ng ganitong oras?
Maaga pa ah? It's only past six in the morning.
Nasa isla si Caiden ngayon kaya imposible na siya ito. Nagtext na siya sakin kagabi na mananatili pa siya sa isla para kay Lucian at Amanda. Nandoon din si Phoenix. Binabantayan nila si Lucian ngayon kaya imposible na sila iyan.
Bigla ko tuloy namiss si Lucian. Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap. Hindi ko na siya nakikita.
Ang sabi sakin ni Caiden ay sinusubukan ni Lucian na magkaayos sila ni Amanda. Na sana... sana... magawa nilang dalawa.
Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay galit pa rin sakin si Lucian. Hihintayin ko na lang kung kailan handa na siya na kausapin ako at patawarin sa nagawa ko sa kanya at kay Amanda.
Naniniwala pa rin ako na patatawarin ako ni Lucian. At sana magkaroon din ako ng lakas ng loob na kausapin namin si Amanda para humingi ng tawad sa nagawa ko sa kanila ni Lucian at sa anak nilang nalagay sa alanganin ng dahil sakin.
Alam ko na darating din ang araw na iyon. Sana lang hindi pa huli ang lahat. Hindi ko kaya na mawala sakin si Lucian at habang buhay siyang masasaktan dahil nawala na sa kanya si Amanda.
Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Lumapit na ko sa pinto at tinignan kung sino iyon.
Nagulat ako nang si Brandall ang mapagbuksan ko ng pinto. Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga?
"Good morning, my lady." nakangiting bati niya.
Kumalabog ang puso ko sa nakakasilaw na ngiti niyang iyon at sa magandang boses niya na animo'y isang sexy radio DJ.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit nandito siya.
Kita ko ang pagkaka-offend niya pero alam kong pabiro iyon dahil nakangiti siya. "That's hurt my lady..."
Napailing ako dahil alam kong napaka-rude nga ng sinabi ko. Sa mga ginawa niya para iligtas ako kagabi ay ito pa ang ipapakita ko sa kanya?
"Sorry. Halika pasok..." sabi ko at binuksan ang pinto ng condo ko para papasukin siya.
Alam kong hindi ko siya gaanong kilala pero may tiwala naman ako sa kanya. Ngayon pa ba siya gagawa ng masama laban sakin?
Tumayo lang siya sa may sala ng unit ko. Hindi man kasing laki ng penthouse niya ang condo ko ay hindi rin naman maliit ang unit ko.
"Ahmm..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Shit!
Tumikhim ako lalo na ng makita ko ang pagtaas niya ng kilay nang tignan ako. Dammit! He's intimidating!
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...