Chapter Seventy Six

1.9K 100 16
                                    

Chapter Seventy Six

Between







[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Thank you for staying with me. I have read all your comments, and thank you for giving me your thoughts. Thank you bb @TaekookBTS129, for sharing me your thoughts 💕 I really appreciate. I'll do better. I'll try harder. Thank you 😘 Napa-update tuloy ako bigla hehehe. Sisikapin ko na na makapag-update nang mas madalas as much as possible. Thank you 😘. To all, thank you and I love you 💕 Enjoy this short update. I'll try my best to finish this story ngayong August, like CTBB. Ingat palagi 💕 God bless 💛]







***

Simula nang araw na nag-usap kami ni Brandall... Hindi na muling nagtagpo ang mga landas naming dalawa. Masakit sakin. Sobra pero alam kong malalampasan ko rin ito tulad noon. Hinihiling ko lang, na sana... Magawa rin ni Brandall ang maging masaya.




Simula rin nang maaksidente si Happy, nagsimula si Caiden na tulungan siya. Madalas wala si Caiden o gabi na kung umuwi. Tulad ngayong gabi. Tumawag siya samin ng mga bata. "I'm really sorry sweetheart... Hindi ako makakauwi ngayon." sabi ni Caiden.




Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Naiintindihan ko, Caiden..." ngiti ko. "Alam kong mas kailangan mo muna diyan..." mas kailangan ka niya.




Hindi ako nagseselos sa atensyon na binibigay ni Caiden kay Happy. Kailangan siya ni Happy at alam kong hindi matatahimik si Caiden kapag hindi niya matutulungan si Happy.




"Kapag natapos na ito... I promise we will go home."




"Huwag mo na muna iyon isipin, Caiden. Ang mahalaga matiyak natin na ligtas si Happy na iiwan natin."




Tumango siya sa sinabi ko. "Thank you for your understanding, love." masuyong sabi niya. Ngumiti ako sa kanya.




Naging ganoon ang mga sumunod na araw namin ni Caiden. Nahihirapan sila Caiden na mahanap ang nagtatangka kay Happy at sa bawat araw na iyon... Mas lalong tumitindi ang tensyon.




It was exactly three weeks nang magkaroon na naman ng seryosong aksidente si Happy. She was driving home when someone push her car to the cliff. She almost died kung hindi lang dumating si Caiden para mailigtas siya.




Hindi namin alam kung ano ang buong nangyari, basta nalaman na lang namin na nasa ospital na ulit siya. Hindi lang doon natapos dahil kahit nasa ospital na siya, may nagtatangka pa rin sa buhay niya kaya mas lalong pinaigting ang seguridad niya. Caiden is with her.




"I am fine, Caiden. Parang hindi ko naman alam na hindi mo ko pinapasundan sa mga kasamahan mo." sabi ko kay Caiden nang tawagan niya ko. Nalaman niya na umalis ako ng condo.




It's been a month pero wala namang pagbabanta sa buhay namin ng mga anak ko o ng pamilya ni Caiden. Masyado lang nag-aalala si Caiden kaya halos ayaw niyang palabasin ako sa unit. Their condo is very safe and secured kaya naman kampante si Caiden na iwan kami roon. Aside kasi sa mahigpit na security ng buong condominium, nag-hire pa si Caiden ng mga tauhan para magbantay samin sa loob ng unit. At simula rin nang tulungan niya si Happy, nakasunod na sakin ng patago ang mga tauhan niya kaya alam niya sa tuwing lumalabas ako.




"Still, you have to be careful. Hindi natin alam ang iniisip ng mga taong iyon." sabi niya.




Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Nararamdaman ko ang takot at pag-aalala niya. Umpisa pa lang naisip na namin na kami ang paghigantihan ng mga taong gustong saktan si Happy para lang makabawi kay Caiden kaya simula noon naging mahigpit ang security naming pamilya niy.




One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon