Chapter Fifty One

2K 72 9
                                    

Chapter Fifty One

Model




[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Thank you for patiently waiting. Please do enjoy my update kahit sobrang tagal huhu. Thank you so much! Take care always, be healthy, be positive and be happy. Sending my virtual hug! God bless everyone. Saranghaeyo ❤]




***

Days passed so fast when you are busy. Parehas na kaming abala ni Brandall lalo na siya na maaga umaalis at gabi na kung umuwi. Hindi ko na rin siya inaabala sa tanghali o sa hapon para tawagan dahil alam kong marami siyang kailangang habulin na trabaho.


Kaya kahit gabi na siya umuuwi ay hinihintay ko pa rin siya para lang kahit paano ay may time kaming dalawa. Wala lang, nasanay na yata ako na palagi siya ang huling taong nakakausap ko sa gabi bago ako matulog.


Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng design ko isang tanghali ng nasa condo ako ni Brandall nang tawagan ako ni Mikee.


Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ako palaging tinatawagan ni Mikee dahil busy ang isang ito kaya alam kong importante ang tawag na ito.


"Hello, Mikee! Saan ko utang ang pagtawag mo?" natatawang bati ko sa kanya.


Tumawa siya sa kabilang linya. Isang malanding tawa na pinaparinig lang niya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at kumportable siya. "Gaga! Kumusta ka? Balita ko busy ka."


Tumawa ako. "Ayos lang. I am designing some units in our tower kaya busy rin ako tulad mo." sagot ko. "Pero bakit ka napatawag?"


"Ano iyong kumakalat na tsismis na magkakilala kayo ni Brandall Dela Torre?"


Natigilan ako sa tanong na iyon. Alam kong noong isang araw lang ay hinayaan kong makita kami ni Brandall in public. I never heard from it after ng issue na iyon dahil naging busy kami ni Brandall sa pagbisita sa mama niya at sinabayan pa ng mga kaibigan ko.


"Anong tsismis? Naniniwala ka roon?"


Hindi ko alam pero kinabahan ako. He's my friend pero ayoko na lumabas sa iba ang bagay na gusto kong manatiling pribado sa buhay ko. Wala pang nakakaalam nito maliban sa mga best friend kong babae. Kung si Caiden at si Lucian nga ay hindi pa alam.


"Magkasama raw kayo at magkakilala! Nakita kayo sa bar."


Tumawa ako. "At pinaniwalaan mo iyon?"


Narinig ko ang pag-ismid niya sa kabilang linya kaya natawa ako. "Hindi dahil kahit isang hunk ang papa na iyon alam kong hindi siya exempted sa pagiging choosy mo."


Natawa ako sa sinabi niya. Oh, no, friend. Kung alam mo lang.


"Akala ko may lovelife ka nang bruha ka! Sabi naman kasi saiyo kung ayaw mo kay Caiden ibigay mo sakin."


Mas lalo akong natawa. Ang benta talaga ng lalaking iyon sa mga kaibigan ko. Si Lucian kasi masyadong maraming nali-link kaya iniisip ng mga kakilala ko na wala na silang pag-asa kay Lucian hindi tulad ni Caiden na wala pang nagiging girlfriend ulit.


"I don't share you know that," natatawang sabi ko sa kanya. Madamot ako kapag dating kay Caiden sa totoo lang. I want best for him. I want a deserving woman for a deserving man like him.


One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon