One Night Mistake Teaser#1

1K 26 2
                                    

Trailer#1



"Jaxon Daran Griffin!" inis na sabi ko kay Jaxon nang agawin niya ang cellphone ko. I am chatting with a new guy na nakilala ko sa Café na pinuntahan namin nung isang araw.




"Sorry, I'm not available." Sabi niya at alam kong iyon ang sinagot niya sa ka-chat ko.



Tumayo ako at inagaw ang cellphone ko. "Akin na nga iyan! Napakapakealamero mo!" inis na sabi ko.




He smirked at me and handed me my phone. Umupo siya sa kama ko.




Tinignan ko ang cellphone ko at nakita na naka-block na iyong kausap ko sa LINE at sinend niya talaga na hindi ako available. I rolled my eyes at hinarap si Jax. "You're happy now?"



Kailan ba ko masasanay na palagi niyang ginagawa ito sa tuwing nalalaman niya na may sumusubok na manligaw sakin? He doesn't want me to have a boyfriend pero siya pwedeng mag-girlfriend. How selfish!




Tumango siya and ngumiti pa sakin. "He's a playboy..."




"Hindi lahat katulad mo, Jax." Dahil iyon na lang palagi ang dahilan niya sa tuwing hinaharang ang mga manliligaw ko.




"Believe me," sabi niya.




Umirap ako sa kanya. "Lumayas ka na nga..."




"Bilisan mo maligo," bilin niya. "Hindi tayo pwedeng ma-late."




"Dapat kasi kagabi ka pa nagsabi eh!" inis na sabi ko. Bigla na lang siyang susulpot para isama ako sa lakad nilang magpipinsan.




"Huwag na magreklamo..." sabi niya at tumayo. Itinulak niya ko papunta sa bathroom. "Ako na mag-iimpake ng gamit mo."




Umismid ako sa kanya. Bago pa ko makapasok sa banyo, narinig ko siyang nagsalita. "Isasama ko pala si Ava..."




Umiwas ako ng tingin kay Jax at pumasok na sa bathroom. Napansandal ako sa pinto. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos.




Jaxon is my best friend, and I love him, but he loves someone else. 



Hindi ko alam kung kailan ko makakalimutan ang pag-ibig kong ito para sa kanya. I hope it's sooner because he's serious with his girlfriend now. Ayokong masira ang relasyon nila ng girlfriend niya kaya kailangan kalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. 




*** 


Waaahhh! Ayan! See you on the last teaser bukas. I will updating the story of Jaxon Griffin and his best friend Aimi Hayashi and it will start on September 08, 2022 <33 Ito po kasi iyong majority last time. I promise to finish this story within our 30-day writing challenge <3 Hope you'll support their story <3

One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon