Chapter Seven
[A/N: Hello po :) Thank you so much for those people na inaabangan at binabasa pa rin ang kwentong ito :) I really appreciated it so much :) I will try my very best na ma-update ito kahit once a week lang para kapag natapos ko ang CTBB ito naman ang gagawin kong tapusin :)
Maraming maraming salamat po sainyo :) Kayo po ang inspiration ko sa pagsusulat nito :) Enjoy reading po :) Salamat po <3 Saranghaeyo <3 God bless <3]
***
(Flashback)
"Anong nangyari kay Lucian?"
Nilamon ng matinding kaba ang puso ko nang marinig si Caiden sa kabilang linya habang sinasabi niyang nagwawala si Lucian sa bahay nito dahil bigla na lang daw umalis si Amanda.
Oh my gosh!
Hindi ako makapaniwala na bigla na lang aalis si Amanda! Agad-agad.
Akala ko... mananatili pa siya roon at kukumprontahin pa niya si Lucian.
Shit!
Kumalabog ang puso ko sa takot at kaba. Agad akong nagbihis para puntahan si Lucian.
Kinabahan ako. Natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring mangyari kay Lucian.
Bakit ginagawa ito ni Lucian? Hindi ba dapat ay magpasalamat pa siyang mawawala na ang babaeng iyon? Wala na siyang responsibilidad!
But who am I kidding?
Mahal ni Lucian si Amanda! Paano siyang magiging masaya gayong iniwan siya ng babaeng pinakamamahal niya!
Nasaktan ang puso ko sa kastigo ng isipan ko. Alam ko naman iyon. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ganito ang magiging reaksyon niya. Na magiging ganito ang epekto sa kanya.
Ganoon ba talaga niya kamahal ang babaeng iyon?
Nang makarating ako sa bahay Lucian ay nakita ko ang mga pinsan niya sa may labas ng kwarto nito. Agad akong umakyat para makita si Lucian.
"Anong nangyayari?" tanong ko kay Caiden. Napatingin siya sakin. Kita ko ang sakit sa mga mata niya at ang pagkabigo at pag-aalala. Alam kong para kay Lucian iyon.
"Amanda left..." sagot niya na para bang iyon na ang pinakadahilan.
Nasaktan ang puso ko. Bakit iyon naman ang gusto kong mangyari ay nasasaktan ako? Bakit hindi ko maramdaman ang satisfaction sa nagawa ko?
Tinignan ko si Lucian. Nakita ko siyang umiiyak sa isang tabi habang nagkalat ang mga gamit sa lapag. Kita ko rin ang dugo sa kamao niya pero balewala iyon para sa kanya.
Nakita ko si Phoenix na nasa harapan niya at ganoon din si Attorney Crisostomo.
"Kumalma ka na, Lucian. Hahanapin natin siya. Magpahinga ka na." narinig kong sabi ni Phoenix.
Malapit na sana ako pero hinawakan ni Caiden ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. Umaagos na ang luha sa mga mata ko.
Damn! Kasalanan ko!
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...