Chapter Fifteen
Home
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Thank you so much po sainyo na binabasa ito. Salamat po sa pagsama sakin sa pagsusulat ko nito. I am more inspired. Thank you 😙
Namo-motivate rin kasi talaga akong isulat ang kwentong ito hihi. Natutuwa lang akong ibahagi ang marupok kong mga characters HAHAHA. This is something out of my comfort zone kaya malaking bagay sakin na maisulat ang kwentong ito kaya sobrang thankful ako na binabasa niyo ito 😍
Kaya ito na po. Nag-update po ako ulit hihi. Mahaba sana ito kaso gabi na kaya bawi na lang ako next time saka mapapalaban na naman kasi ako sa pagsusulat sa susunod na update HAHAHAHAHA! Charot.
Nakakaloka talaga ang dalawang ito hehe. So ayun nga po. Marami pong salamat ❤ Ingat and God bless mga babes. Stay healthy. Saranghae 💕]
***
Tulad ng inaasahan ko ay hapon na ko talagang nagising. Ni hindi ko na namalayan ang mga text at tawag ni daddy, ni Caiden, Lucian and even Brandall.
Sobrang antok ko talaga kaya naman alas dos pasado na ko ng hapon nagising! Really? Really? Ganoon ako napagod buong magdamag?
Jusko! Mabuti na lang talaga at freelancer ako kung hindi natanggal na ko sa trabaho!
Goodness! Maybe I could tell Brandall that we do it once na lang?
I laughed mentally at the thought. Hindi ako makapaniwala na ganito na ka-polluted ang utak ko sa mga makamundong bagay dahil kay Brandall. Hahaha.
Hindi ako kaagad bumangon. I checked all the messages and replied on them. Nauna si daddy na nangangamusta kung bakit hindi ako sa bahay natulog.
To Daddy:
I'm sorry dad. Napuyat po kasi ako. I'll visit you again. Ingat ka daddy. I love you.
Nagreply rin ako kay Lucian na nangangamusta rin dahil wala pa kong text sa kanya ngayong araw. Araw araw kasi akong nagti-text sa kanya kaya malamang nagtataka iyon bakit hindi ko pa siya nati-text ngayon.
To My Love:
I miss you, Luci! I'll visit you soon. May bago bang improvement sainyo ni Amanda? Text me when you're not busy. Take care of yourself. I love you.
May bahagyang kirot sa puso ko nang ma-send iyon. Alam ko na hanggang ngayon ay nahihirapan si Lucian dahil sa pagkakamaling nagawa ko.
Alam ko naman na dahil sakin kung bakit nawalan ng tiwala si Amanda kay Lucian. Kaya hindi rin naman ako pwedeng magsalita.
I know how much pain it caused her.
Hanggang ngayon hindi pa sila maayos ni Amanda. Hindi ko naman din kasi masisisi si Amanda. Masyadong masakit ang nagawa ko sa kanya. Sa kanila ni Lucian.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit parang napakabilis naman yatang mapunta sa iba ang atensyon niya?
He met someone in that place, si Timothy if I am not mistaken. Sabi sakin masyado raw kasing mabait ang lalaking iyon at sobra kung alagaan at pahalagahan si Amanda. Ito ang naging karamay ni Amanda sa mga panahong sobra siyang nasaktan dahil sa nagawa ko.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
Ficción GeneralLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...