Chapter Seventy Seven

2.3K 106 21
                                    

Chapter Seventy Seven

You're Safe Now, My Darling








[A/N: Annyeonghaseyo guyseu 😍 This is just a short update po. I don't know how to write action scene so please bear with me po hehehe. Maraming maraming salamat po sa walang sawang pagmamahal sa kwentong ito 💕 Thank youuuuuu 💕

You may listen to You're My Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus 😍 Sa mga song suggestions niyo po, I might add it po sa mga susunod na chapter. Thank you so much po 😍 Sana po nagustuhan niyo ang update natin ngayon. Ingat po kayo palagi and God bless everyone 💕]








***

(2 hours before)




"Wala pa ba siya diyan?" narinig kong tanong ng kausap ni Tyron sa walkie talkie na nakapatong sa may armchair kung saan siya nakaupo habang pinagmamasdan ako.





"You'll know if he's here..." sabi ni Tyron. "Panigurado na uunahin niya ang asawa niyang iligtas."





"Hindi tayo nakakasiguro." sabi ng kausap niya. "Sa oras na sumuway siya sa usapan na hihingi ng tulong sa mga pinsan niya, tapos ang buhay ng asawa niya."




Nakaramdam ako ng takot sa sinabi ng kausap niya.




"At hindi tayo tanga para magpakampante na susunod ang gagong iyon sa usapan..." sabi ni Tyron. "Keep your guard close..."




"Kanina pa kami nakahanda," sabi nito. "Kahit humingi siya ng tulong, isa lang ang natitiyak kong maililigtas nila..."




Nagkatinginan kaming dalawa ni Tyron. Ngumisi siya sakin. Gamit ang antenna ang walkie talkie niya ay pinaglandas niya iyon sa bombang nakasuot sakin.




"Sa oras na galawin nila ang isa sa bombang nakasabit kay Happy at sa asawa niya... sa hukay na sila magkikita."




Napasinghap ako sa narinig ko. Tumawa si Tyron sa reaksyon ko. "Huwag mong takutin ang asawa ni Caiden..."




"Naririnig ba niya? Maganda para alam na niya kung ano ang sakaling kahahantungan niya." sabay tawa nilang dalawa. Kinilabutan ako. They are evil. 




Masamang tingin ang ipinukol ko kay Tyron nang ngumisi siya sakin. "Alam mo ba na wired ang bombang iyan?" sabi niya at tinuro pa ang bomba sa katawan ko. "Sa oras na na-defuse ang isa mga bombang iyan, sasabog ang isa."




Halos manghina ako sa sinabi niya. "Napakawalang hiya mo! Hindi ko akalain na idadamay mo ang mga inosenteng tao..." hindi makapaniwalang sabi ko. "Paano ang mga kasamahan niyo?"





"Sa tingin mo ba hindi namin alam na hindi lang si Caiden ang tutulong saiyo para mailigtas ka? Alam namin na kung sakaling makalapit sila sa inyong dalawa ni Happy, sabay na tatanggalin ang bomba sa katawan niyo. Pero sa tingin niyo ba magiging madali iyon?" sabi niya. "Sisiguraduhin kong mapipilitan ang isa sa inyo na gawin ang kailangan. Sisiguraduhin ko na kailangang may pumiling iligtas sa inyo."





Muli siyang ngumisi sakin. "Alam kong si Happy ang ililigtas ni Caiden kaya sa tingin mo... anong mangyayari kapag sinubukang pasukin ni Caiden ang kuta ng kalaban niya? Sa tingin mo... makakapaghintay ang tutulong saiyo na huwag disarmahan ng bombang iyan?"





"Sa tingin mo katulad mong makasarili ang mga taong tutulong samin at hahayaan na pumili?"




"Sure they aren't selfish, but that bombs are possessive, Lucila.  Sa oras na dumating kahit isa lang sa tutulong sainyo ni Happy, the timer will begin. At ilang minuto sa tingin mo ang temper ng bombang iyan?" tumawa siya at tinignan ang orasan niya. "Is 30 minutes enough to save you both? Sa tingin mo... sabay na darating ang kung sinumang magliligtas saiyo at si Caiden? Hindi Lucila... Mauunang darating ang tutulong saiyo bago ang kay Happy. The time difference is 15 minutes Lucila... sa tingin mo sapat ang natitirang kinse minutos para mahanap at mailigtas ni Caiden si Happy? At sa tingin mo, tatagal ang taong tutulong saiyo sa loob ng ilang minutong iyon?"





One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon