Chapter Thirty Eight
***
"Hi," nakangiting bati ko.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Brandall na nandito ako ngayon sa unit niya.
Natawa ako dahil masyado siyang nagugulat. Really?
"I got bored so..." nagkibit balikat ako sa kanya. "Naisip kong puntahan ka rito."
Unti-unti siyang nakabawi, nananantiya pa rin ang mga mata niya. Tumikhim siya at unti-unting lumapit.
"Kumusta ang trabaho mo?" tanong ko. "Balita ko kay Aya busy ka sa mga meeting."
Ayan na naman ang gulat sa mga mata niya. "Fuck. What is this all about, sweet?"
Ngumuso ako sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya. Naramdaman kong natigilan siya. "Lucila Anika!"
Inirapan ko siya. "Tss. Hindi pa pala tayo okay?" tanong ko. "Sige uuwi na ko."
Tatalikuran ko na sana siya para lapitan ang bag ko nang hawakan niya ko sa braso ko.
"Dammit, sweet!" sabi niya at hinila ako palapit sa kanya. "Hindi ka na galit?"
I tilted my head on the other side. "Bakit?" tanong ko. "Nagkagalit ba tayo?"
He softly cursed. "Buti na lang hindi ako nagsawang suyuin ka."
Umirap ako sa kanya. He smiled now. Pinisil niya ang baba ko. "Akala ko nasa bahay ka..."
"Where's the surprise in there kung sinabi ko saiyong nandito ako ngayon?" tanong ko.
Natawa siya sa sinabi ko. "I am surprised!" ngiti niya.
"Good. Dahil kung hindi, hindi na matatawag na surprise ang ginawa ko."
Humalakhak siya. "Damn, sweet. I miss you."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nasa condo lang kita kahapon,"
"Well I miss you everyday,"
Inirapan ko ang pambobola niya. Ayan na naman ako sa pag-irap! Ayos na kasi kaming dalawa eh!
"I ordered food," sabi ko sa kanya. "Para hindi ka na magluluto."
He smiled gently at me. Hinalikan niya ko sa noo ko. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Thank you sweet,"
Umirap ako. "Sawang sawa na kong itaboy ka!"
Natawa siya. "Buti na lang hindi ako nagsawa."
Sumimangot ako sa kanya. He grinned.
Inayos ko na ang in-order ko habang nagbihis si Brandall. Paglabas niya ay naka t-shirt at boxer na siya.
Why! I cannot stop myself praising how hot he is kahit sa simpleng suot.
Kita ko ang paninitig niya sakin. Natatawa ako sa kanya kasi parang hindi pa rin siya makapaniwala na nandito na ako ulit sa unit niya.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
Aktuelle LiteraturLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...