Chapter Eleven

3.1K 86 14
                                    

Chapter Eleven

Mine









Warning: SPG! Please read at your own risk. 18 and below mga babes skip na ang love making part ah?

So this story is really a big challenge to me. I really want to be free from my comfort zone in writing this story. For those 18 people who reads this story. Thank you so much :) Para sainyo tatapusin ko ang kwentong ito :) Brandall and Lucila's love story is one of the closest story in my heart. It's been 3 years kaya gusto ko na talagang tapusin ito huhu. Palagi na lang silang nasa isang tabi kaya naman ngayon sa kanila naman ako magfo-focus. Kaya sana po magustuhan niyo rin sila tulad kung paano niyo nagustuhan sila Amanda at Lucian :) I will make this story worth to read :)

Muli. Marami pong salamat <3 Enjoy reading! Ingat palagi and God bless bb 😙😙






***

Alam kong nagtatampo sakin si Brandall pero hindi ko hahayaan na tumagal iyon.




I want to make it up to him. Alam ko naman na may nagawa akong hindi niya nagustuhan.




Hindi ko siya sinupot sa sanang usapan naming dalawa.




Nagpunta ako sa isang supermarket para bumili ng mga kailangan kong ingredients. Mahilig si Brandall sa seafood kaya naman shrimps na lang ang isisinigang ko. Si Lucian kasi pork ang gusto niya.




Gusto ko naman na matuwa si Brandall kaya naman ang favorite niya ang lulutuin ko.




Nang makabili na ko ng mga kakailanganin ko ay bumili na rin ako ng ice cream cake para naman mawala ang init ng ulo niya sakin. Sana...




Nakarating ako sa condo niya. Naisipan ko na ipagluto siya. Isang putahe lang naman ang alam kong lutuin.




Sinigang. Nagustuhan kasi ni Lucian ang ulam na iyon kaya nag-aral akong magluto nun para sa kanya.




Iyon lang din naman ang alam ko kaya iyon na lang ang lulutuin ko para kay Brandall. Para pag-uwi niya mamaya ay may kakainin siya pag-uwi niya. Kahit ito man lang ay makabawi ako sa kanya.




Nagsabi pa naman ako sa kanya na sabay kami kakain kagabi. Hindi natuloy kasi nagka-emergency ako kay Lucian.




Kahit alam kong galit siya, alam ko naman na mawawala rin iyon. Susubukan kong humingi ng tawad sa kanya.




Natagalan ako sa paghahanda ng mga kakailanganin ko dahil hindi naman ako sanay talaga magluto.




Naluto na ang Sinigang. Nagpunta na ko sa sala para i-text si Brandall.




Ako:

Saan ka na? Anong oras ka uuwi?




Hindi ako nakatanggap ng reply sa kanya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipag-chat sa mga pinsan ni Lucian na abala ngayon sa pag-aaral ng mga ito.




Kumalam ang sikmura ko. Mag-a-alas siyete na pero bakit wala pa si Brandall.




Nagtext ako ulit sa kanya. Busy ba siya? May meeting?




Nagugutom na talaga ako pero wala pa naman si Brandall. Ang huling kain ko kanina ay sa office pa niya.




Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng unit ni Brandall. Napangiti ako nang makita siyang dumating.




One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon