Chapter Seventy Two
End
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu 😊 How are you? Stay healthy and safe everyone ❤ This is a short update po. I’ll update again soonest. Kunti na lang. This will be the 4th update. 6 updates remaining po or baka wala na ngang 6 hehehe. I’ll try my best to give justice to this story ❤ Sana ang update na ito… it will somehow change your mind sa magiging takbo ng kwento hehehe. May kunting gulatan sa ending ng chapter na ito hehe. I hope you’ll like the update. Thank youuuuuuu 💕
Enjoy reading mga babes. God bless ❤ Saranghaaeyo 💕]
***
Nang matapos ang kasal nina Amanda at Lucian ay naghoneymoon ang dalawa. At bago sila umalis ay inawitan nila kong dalawa tungkol sa bahay nila. Hindi ko magawang tanggihan si Lucian at Amanda nang hilingin nilang ako ang magdesign ng interior ng bahay nila.
"Baka naman pwedeng ikaw na ang bahay sa interior design ng bahay namin, Lucila. I've seen all your works and it's fantastic. Sana mapagbigyan mo kami. No need to rush things. Hindi kami nagmamadali ni Lucian na lumipat." sabi ni Amanda sakin. “Saka hindi mo naman kailangan na rito gawin. You can send your designs thru mails.”
Napangiti ako sa kanya. Alam kong iniisip niya na dahil sa kahilingan niya ay magiging burden iyon sakin. Alam nilang gusto ko kaagad na bumalik sa Paris dahil natatakot ako na baka malaman ni Brandall ang totoo. "Walang problema sakin, Amanda. Ako na ang bahala sa interior designs ng bahay niyo."
Kita ko ang katuwaan sa mga mata ni Amanda. "Talaga? Oh my gosh! Thank you!"
Niyakap pa niya ko sa sobrang tuwa niya. Lucian and I laughed. They both thanked me.
"This is my wedding gift sainyong dalawa. I'll make it homey."
"Thank you. I'm excited to see it."
"Huwag mo na munang intindihin ang bahay niyo... mag-enjoy kayong dalawa sa honeymoon niyo."
Kita ko ang pamumula ni Amanda kaya naman natawa kami sa kanya. Ngayon lang naman sila humiling sakin kaya naman tinanggap ko na ang gusto nila. Isa pa, hindi rin gusto ni mommy at daddy na bumalik kami agad ng Paris dahil gusto pa nilang makasama ang mga apo nang matagal.
"Have you decided kung doon ba sa Paris ka magde-design and you'll send it virtually? Or what?"
Umiling ako kay Caiden. Nasa bahay kami ng mga magulang ko ngayon sa Cagayan. We'll be staying here for a week and then luluwas kami ng Manila para masimulan ko na ang design ko sa bahay nila Amanda. Kailangan ko kasing makita muna iyon bago ako magdedesign. And from then, we will stay at Caiden's place.
Alam naman ng pamilya namin na kasal na kami. They gave us their blessing kaya naman nagsabi na si Caiden sa mga magulang namin na titira na kami kasama siya. Pumayag naman sila lalo na at mag-asawa naman na kami ni Caiden.
Kaya naman napagdesisyunan namin na manatili na muna. Mauuna na si Celeste na bumalik dahil may trabaho pa siyang kailangang balikan.
She stayed for three days bago namin siya hinatid sa airport. "Mag-iingat ka roon ah?" bilin namin sa kanya. Tapos na siyang magpaalam sa mga magulang at pinsan niya.
"Don't worry too much about me..." sabi niyang natatawa samin. "Palagi akong tatawag."
Niyakap namin siya nang mahigpit. Nakakalungkot na kailangan niya kaagad umalis pero lahat naman kami naiintindihan ang dahilan niya.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...