Chapter Thirty Nine
[Warning SPG! Waaahhh! This is SPG. Please read at your own risk. 18 and below please lang skip niyo po ang love making nila. Bawal pa sainyo iyon hehe. Muli, please be open minded po. Maraming salamat!]
***
Kinabukasan ay sumabay ako kay Brandall pauwi. Hinatid niya ko pauwi sa bahay namin.
"Tatawagan na lang kita..." sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo ko. "I'll be waiting."
Dumalaw ako kay mama Arcelia nang umaga. Wala na si daddy pag-uwi ko kaya naman pumasyal na lang muna ako kina mama Arcelia.
Nasa bahay si mama Arcelia kaya naman sumabay ako sa kanya ng tanghalian. Nagkwentuhan kaming dalawa. Kung wala lang siyang appointment sa mga asawa ng mga kasosyo nila ay hindi sana siya aalis.
"Dalawin mo ko ulit, hija."
Ngumiti ako kay mama Arcelia. "Opo. Dadalawin ko po kayo ulit."
Hinatid ako ni mama Arcelia sa bahay naman nila Caiden. Gusto ko ring dalawin si tita Candella.
"Ingat po!" paalam ko.
Humalik ako kay mama Arcelia sa pisngi bago na kami tuluyang naghiwalay.
Pinapasok ako ng guard nang makita ako sa labas ng gate. Nakita ko si tita Candella na dinidiligan ang mga halaman niya.
"Tita!" tawag ko kay tita Candella. Nilingon niya ko at agad ang malawak na ngiti.
"Oh, Lucila!" Mabilis niyang iniwan ang ginagawa at pinaasikaso na sa hardinero nila.
Yumakap ako kay tita at ganoon din siya sakin. "Mabuti at napadalaw ka ulit dito hija."
"Oo nga po. Galing po ako kina mama Arcelia."
Tumango si tita Candella. "Mabuti at dinaanan mo ko."
Napangiti ako. "Kumusta tita? Balita ko po kay Caiden may offer kayo sa isang teleserye?"
Tita Candella was a former actress bago sila nagkakilala ni tito Lest. At hanggang ngayon ay marami pa ring offer siyang natatanggap.
"Tinanggihan ko hija," sabi ni tita. "Abala na nga ang tito Lest mo ay magiging abala pa ko. Sino ng mag-aalaga sa kanya?"
Napatango ako sa sinabi ni tita Candella. Their love and commitment to one another never stop through years.
"Tama po kayo," sabi ko kay tita. "Kung ako rin po siguro ay mas gugustuhin na lang na alagaan ang asawa at hintayin sa pag-uwi."
Humalakhak si tita kaya naman natawa na rin ako. Alam kong iba iba naman ang mga babae. May mga modern wife na gusto na magtrabaho rin at mayroon naman na gusto lang sa bahay para mag-alaga ng mga anak at ng asawa.
Siguro kapag ako ang ikinasal, gusto ko na nasa bahay lang ako. I can still do my work as an interior designer but for past time na lang. Gusto ko maalagaan ang pamilya ko at asikasuhin ang pangangailangan nila. I will manage the house and take care of everything.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
Fiksi UmumLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...