Chapter Twenty Seven

2.4K 60 3
                                    

Chapter Twenty Seven

Distract







[This is still in the past. Thank you 💕]






***

Those five days I am with Brandall made me calm. I felt that any heavy metals were lifted in my chest.



Dahil sa ginawa ni Brandall ay nakakapagsimula na ko ulit na mag-design. Tama naman siya, hindi ko maitatama ang mga nagawa ko kay Lucian at Amanda kung hahayaan ko ang sarili ko na lamunin ng guilt na nararamdaman ko. Being pained shouldn't stopped me from living.




Kailangan tanggapin ko ang mga bagay bagay. Makakapagsimula lang talaga ako kung mapapatawad ko ang sarili ko.



Tama si Brandall, kailangan ko munang patawarin ang sarili ko at tanggapin ang katotohanan para matulungan ko ang sarili ko at makaisip ako ng paraan para makabawi kay Lucian.



Alam ko makakabawi rin ako kay Lucian. Sa kanila ni Amanda.



Sunday ng gabi nang ihatid ako ni Brandall sa condo ko. I let him stay in my condo dahil alam kong napagod na rin siya sa biyahe namin.



Hindi na siya nagluto. He just ordered food for our dinner. Nagtext ako kay daddy na nakauwi na ko galing sa bakasyon ko at baka bukas ay dadalawin ko na si daddy.



Maaga ako nagising kinabukasan. Hindi naman ako marunong magluto kaya naman nagpa-room service na lang ako.



I smiled when the door on his room went opened. His messy hair and sleepy eyes are the first thing I saw. Napakagwapo pa rin kahit bagong gising. He's wearing his white shirt and his short. Very casual.



Sa limang araw na kasama ko siya, ngayon lang ako nauna sa kanya nagising. He always woke up early and prepared our breakfast. Siya kasi talaga ang napagod samin kahapon dahil siya ang nagdrive.



Napangiti ako sa kanya. "Good morning,"



Bahagya pa siyang nagulat na nakita ako sa dining table na inaayos na ang mga in-order. I don't know how to cook hindi tulad niya kaya umasa lang talaga ako sa restaurant sa baba.



"Good morning," he greeted me back. Lumapit siya para halikan ako sa noo ko. "Bakit ang aga mo nagising?"



Napangiti ako. "Alam kong maaga ang pasok mo ngayon kaya naman um-order na ko sa baba para wala ka ng aasikasuhin pa."



Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Brandall. "I was deeply touched," sabi niya at hinalikan ako sa sentido ko.



Ngumuso ako sa kanya dahil parang panunukso ang dating sakin. Subukan ko kayang matuto na magluto?



Ah! Nevermind! Wala akong talent sa kusina kaya huwag mo ng subukan, Lucila.



"Sige na. Kumain na tayo para makapag-ayos ka na para makapunta ka na sa trabaho mo," sabi ko sa kanya.



Hindi siya kaagad gumalaw. Hinayaan ko na nakayakap lang siya sakin bago na siya naupo sa pwesto niya.



Hindi ko alam pero sa loob ng limang araw na magkasama kaming dalawa, I got really comfortable with him. I got used being with him na para bang napakatagal na naming magkakilala.



One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon