Chapter Fifty Nine
Good bye
[A/N: Waaahhhh! Annyeonghaseyo guyseu :) Thank youuu 😘😘 Masaya ako sa mga natatanggap kong votes and comments sa last update natin. Masaya ako na may nag-aabang pa rin ng kwentong ito. Thank youuuu ❤ Masaya si Owtor na hindi pa rin kayo nag-give up dito. I promise I won't too. Tatapusin natin ito 💕
Muli, thank you very much 💛 Btw. Maikli lang po ito at medyo madrama huhu. Buti na lang nakag-update na me today pambawi sa ilang linggong walang update huhu. I hope I could update again soon. Sana magustuhan niyo pa rin po kahit ang drama niya 😭 Pasensya na po huhu.
Ingat po palagi and God bless mga bb ❤ Take care po mga babes! Saranghae 💕💕]
***
Nang pumasok si Brandall sa kwarto to check on me ay nakaligo na ko at handa nang umalis. He smiled when he saw me.
Part of me is hurting pero hindi ko maiwasan ang galit na namumuo sa sistema ko.
I have loved him pero dahil sa narinig ko... pinatunayan lang talaga noon na tama si Caiden sa mga sinabi niya sakin. Na tama rin si daddy.
Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti kahit ang totoo ay gusto ko siyang komprontahin at ilabas lahat nang hinanakit ko sa ginawa niya but when I realized that it is not the right thing to do now... I will keep my mouth shut.
Hindi ako papayag na isipin niyang nasaktan niya ko at nagawa niyang magtagumpay sa balak niya.
Nakaganti man siya pero titiyakin ko na hindi niya iyon alam.
"Good morning, sweet!" Lumapit siya para masuyo akong halikan sa mga labi ko.
Halos pagalitan ko ang sarili ko dahil muntik na naman akong matangay sa halik na iyon.
"Good morning..." bati ko. "I'm sorry, I want to stay but I have work today. Presentation ko na kasi next week." sabi ko sa kanya.
Nagpapasalamat ako na hindi ako sa kanya magpi-present ng presentation ko. Hindi ko yata kaya na makita siya sa posisyon ng daddy nang hindi makakapagbitiw ng masamang salita laban sa ginawa niya.
"Let's have breakfast first then I'll send you to your office."
Tumango ako sa sinabi niya and smiled gently at him so he will not get suspicious. "Sakto, I am starving." sabi ko sa kanya.
He chucked softly and caress my check using the back of his palm. "Let's go..." sabi ko sa kanya.
Nang nasa baba na ay wala na si tita Bea roon. Umalis na si tita Bea?
Gustong-gusto kong itanong kay Brandall kung bakit ako pa ang napili niyang gamitin kahit wala naman akong kinalaman sa nangyari noon.
Pero hindi ko rin maiwasan na hindi masaktan para kay Brandall. Alam ko na kaya niya ito ginawa ay dahil sa nangyari sa mga pamilya namin noon.
He was young when my father betrayed them. Nakita niya kung paano nahirapan ang mga magulang niya. Alam ko kung anong ginawa niya para matulungan ang mga magulang niya noon. At alam ko na nahirapan din siya.
Hindi ko tuloy naiwasan na yakapin siya bago kami umalis... dahil ito na ang huli na hahayaan ko ang sarili ko na sundin ang puso ko.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
Fiction généraleLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...