Chapter Forty Nine
Te Quiero, I Love You
[A/N: Annyeonghaseyo! This will be the meeting of Lucila and Brandall's mother! Ano kayang magiging reaksyon ng mama ni Brandall kapag nagharap na sila ni Lucila? Hmm...
Enjoy reading po! Hope you'll love this part dahil may pasabog si baby Brandall dito hihi!
Ingat po palagi and God bless mga babes ❤ Saranghaeyo 💕]
***
Hindi ako kaagad bumaba nang pagbuksan ako ni Brandall ng pinto ng kotse niya. Nasa harapan na kami ng bahay nila.
"Hindi ako makapaniwala na ginawa mo sakin ito!" hindi ko mapigilan ang hinanakit ko dahil binigla niya ko!
Tumawa siya. Talagang tumatawa pa siya!
"Hindi mo rin naman alam sweet nang pumunta tayo sa Hacienda."
Napailing ako sa kanya. "Iba iyon! We are now talking about your mother! Ano na lang ang sasabihin niya? Anong sasabihin ko kapag tinanong niya kung ano tayong dalawa? Gosh!"
He smiled gently at me. "Just be yourself, Lucila. Mom will like you."
Napailing ako sa kanya at inirapan siya. Tumawa siya at pinisil ang baba ko. "Let's go..."
Tinignan ko siya. Ngayon lang ako natakot na ipapakilala ako. Hindi ko naman naramdaman iyon, ngayon lang talaga.
Gosh! This is crazy!
Wala naman kaming relasyon ni Brandall pero bakit pakiramdam ko girlfriend ako na ipapakilala?
Hinawakan ni Brandall ang kamay ko at hinaplos iyon. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Damn! Is it really okay?
Huminga ako ng malalim nang bumaba ako. Nakahawak sa kamay ko si Brandall habang hawak ko sa isang kamay ang bulaklak. Kaya pala pinamili niya ko kanina ng bulaklak at may pagbibigyan daw kami. Buti na lang pinili ko ang pinakamaganda.
May sumalubong saming kasambahay. Sinabi nito na kanina pa raw naghihintay ang mama ni Brandall kaya naman mas lalo akong kinabahan.
Naramdaman ni Brandall iyon kaya naman hinalikan niya ang uluhan ko. "It's okay, sweet. It's okay."
Tiningala ko siya. Bakit ba pakiramdam ko girlfriend ako na ipapakilala?
Tumango ako sa kanya at humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Nang makapasok kami sa bahay nila ay hindi ko na halos mapagtuunan ang ganda ng interior dahil nakita ko na ang isang babae na nakaupo sa sofa at hinihintay ang pagdating namin.
Agad akong nilamon ng matinding kaba kaya naman hindi ko na napigilan ang pisilin ang kamay ni Brandall.
Tumingin samin ang mama ni Brandall. Halos mapasinghap ako. She's so beautiful! Like those foreign model. Tall, beautiful and very classy!
Her eyes expressive just like Quentin and now that she's looking at us... I can see her coldness towards me at hindi ko maiwasan ang mailang. I am so intimidated. She's so intimidating!
Hindi ko alam pero dama ko ang disgusto niya sakin at hindi ko alam kung bakit. Iniisip siguro niya na girlfriend ako ni Brandall at hindi niya ko gusto para sa anak niya. Hindi ko alam kung para saan ang kirot sa puso ko sa isiping iyon.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...